Myla Alinsunurin

Myla Alinsunurin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Myla Alinsunurin, Public Service, Los Baños.
(1)

𝐑𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞, 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 "𝐊𝐚𝐩" 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐋. 𝐄𝐫𝐫𝐨𝐛𝐚.Isang kapwa lingkod-bayan na naman po ang pumanaw.Nakakalungkot po ang s...
03/09/2026

𝐑𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞, 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 "𝐊𝐚𝐩" 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐋. 𝐄𝐫𝐫𝐨𝐛𝐚.

Isang kapwa lingkod-bayan na naman po ang pumanaw.

Nakakalungkot po ang sunod-sunod na pagpanaw ng ating mga lingkod-bayan na minamahal at iginagalang ng kani-kanilang mga nasasakupan. Ang kanilang paglisan ay nag-iiwan ng matinding pighati, hindi lamang sa kanilang mga pamilya, kundi maging sa kanilang mga nasasakupan na itinuring na rin nilang sariling pamilya.

Lubos po akong nakikiramay sa pamilya at mga naiwan ni Konsehal Rolando L. Erroba. Nawa’y bigyan po kayo ng Panginoon ng lakas at kapanatagan sa panahong ito ng pagluluksa.

Rest in peace po, Konsi.


28/08/2026

Sa pangunguna po ng ating butihing Mayor Neil Andrew Nocon at Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama ang buong Sangguniang Bayan, buo ang suporta po natin sa ating mga batang atleta na tiyak na magbibigay karangalan sa ating minamahal na Bayan ng Los Baños.

𝗔𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀! Buong puso nating suportahan at ipagmalaki ang ating mga kabataang atleta!

Laban, mga ka-LB! Para sa karangalan ng Los Baños!


𝐏𝐑𝐀𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐍𝐄𝐏𝐀𝐋! Kasama po kayo sa aming panalangin, kasama ang bawat kababayan at mamamayan ng Nepal na kasalukuyang dum...
27/08/2026

𝐏𝐑𝐀𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐍𝐄𝐏𝐀𝐋!

Kasama po kayo sa aming panalangin, kasama ang bawat kababayan at mamamayan ng Nepal na kasalukuyang dumaranas ng matinding dagok.

Nawa’y pagkalooban po kayo ng Kataas-taasan ng lakas, kaligtasan, at pag-asa. Nepal, hindi kayo nag-iisa!


26/08/2026

“𝗠𝗔𝗗𝗨𝗠𝗜. 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢. 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟. 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢.”

Diretsahan. Walang paligoy-ligoy. Ito ang ilan sa mga hinaing na naririnig natin mula po sa ating mga kababayan. Ang mga ganitong hinaing ay hindi dapat binabalewala. 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗮𝘁 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡.

Kaya naman, suportado po ng inyong lingkod ang mga hakbang na naglalayong ayusin at pagandahin ang serbisyong para sa ating mga kababayan.

𝗥𝗲𝗸𝗹𝗮𝗺𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼, 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀.

Isang Makakalikasan at Isang Makatarungang Araw po sa ating lahat at Mabuhay ang Bayan ng Los Baños!


May pasok na ulit bukas, mga anak, ka-Mommy at mga kaibigan! Dahil maganda na ang panahon, balik eskwela at opisina na t...
23/08/2026

May pasok na ulit bukas, mga anak, ka-Mommy at mga kaibigan! Dahil maganda na ang panahon, balik eskwela at opisina na tayo.

Matulog nang maaga, bawal po ma-late, at Monday na bukas, hindi na pwedeng “5 minutes pa iidlip pa muna ako”. 😄

Goodnight mga ka-LB🤝

Magandang Gabi po at Isang Makakalikasang Araw po sa ating lahat!

20/08/2026

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐓𝐔𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘

Pagkatapos po ng Regular Session, kahit masama ang panahon, dumiretso po ang inyong-lingkod sa 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗠𝗮𝗮𝗵𝗮𝘀 ,𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 para mamahagi po ng bigas sa ating mga kababayan.

𝟱𝟬 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗯𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻.

Serbisyo pa rin, kahit anong panahon! Mabuhay ang Bayan ng Los Baños at Isang Makakalikasang Araw po sa ating lahat!


BATANG ATLETA MULA LOS BAÑOS, TINANGHAL NA BEST ERA PITCHER SA ASIAN U-12 BASEBALL CHAMPIONSHIP SA CHINAKinilala si Mari...
19/08/2026

BATANG ATLETA MULA LOS BAÑOS, TINANGHAL NA BEST ERA PITCHER SA ASIAN U-12 BASEBALL CHAMPIONSHIP SA CHINA

Kinilala si Marion Leron, batang atleta mula Los Baños, Laguna at miyembro ng Philippine U-12 National Baseball Team, matapos niyang makuha ang Pitcher Award for Best Earned Run Average (ERA) sa 2026 XII BFA U-12 Asian Baseball Championship na ginanap sa Xiaoshan, China.

Ipinakita ni Leron ang mahusay na performance bilang pitcher sa torneo, kung saan nakaharap ng Philippine U-12 team ang mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Ang kanyang pagkilala ay dagdag na karangalan para sa Los Baños at nagsisilbing inspirasyon sa mga batang atletang Pilipino na patuloy na nagsisikap at naglilinang ng kanilang talento sa sports.

19/08/2026

Drive, let the music guide🎶

Be safe mga ka-LB!

𝟓𝟑𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲Sa kabila po ng masamang panahon, dumalo po tayo sa ating ika-53rd Regular Ses...
19/08/2026

𝟓𝟑𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲

Sa kabila po ng masamang panahon, dumalo po tayo sa ating ika-53rd Regular Session. Hindi po magiging hadlang ang anumang pagsubok sa ating patuloy na pagganap ng tungkulin para sa Bayan at para sa ating mga mamamayan.

Gayunpaman, ang tanging hiling po ng inyong lingkod ay ang inyong kaligtasan. Stay safe and dry po, mga ka-LB ngayong maulang panahon.

Magandang Araw po sa ating lahat at Mabuhay po ang Bayan ng Los Baños!


Para sa mga waterproof kong kasamahan sa opisina.Basta happy kayo, happy ako😁
18/08/2026

Para sa mga waterproof kong kasamahan sa opisina.

Basta happy kayo, happy ako😁

Address

Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Myla Alinsunurin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category