04/06/2026
Ka Mael, Matagumpay na nagsilbi bilang Regional Fisherfolk Director
Sa pagtatapos ng Mayo binigyan pugay ang natatanging paglilingkod ni ka Mael bilang Regional Fisherfolk Director ngayong taon.
Sa loob ng isang buwang panunungkulan, buong puso niyang ginampanan ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng sektor ng pangisdaan sa rehiyon. Masigasig siyang nakinig, nagtanong, at nag-aral tungkol sa mga proyekto, programa, at aktibidad na isinasagawa para sa sektor ng pangisdaan. Nasaksihan niya kung paano binubuo, pinaplano, at isinasakatuparan ang mga hakbang at inisyatiba upang mapabuti ang kabuhayan at kalagayan ng mga mangingisda.
Hindi lamang siya naging tagamasid sa mga gawain ng ahensya. Naging mahalagang tulay rin siya ng tinig at mga pananaw ng mga mangingisda mula sa iba't ibang bahagi ng rehiyon. Sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon, malasakit, at aktibong pakikilahok, naging makabuluhan at matagumpay ang kanyang panunungkulan bilang Regional Fisherfolk Director.
Ang karanasan ni Ka Mael ay patunay na ang isang simpleng mangingisda ay mahalagang katuwang sa paghubog ng mas maayos, at makatarungang pamamahala para sa kapakanan ng mga mangingisda sa rehiyon.