12/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Ginugunita ngayong ika-12 ng Hunyo ang Araw ng Kalayaan o ang pagdeklara sa ating kasarinlan mula sa tatlong siglong pagkakabigkis sa mga Kastila noong 1898. Subalit ang tunay na kalayaan ay hindi masusukat sa pagkakaroon ng sariling gobyerno lamang. ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎโ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ด๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ, ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ถ๐๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ. 128 taon na ang nakalipas simula nang pormal na iwagayway ang bandila ng Pilipinas, nagpupumiglas pa rin tayo para sa ating kasarinlan.
Noong nakaraang mga linggo, tila naging sarswela ang senado nang bastusin ng mga senator sa mayorya ang proseso at mga patakaran ng institusyon para sa pansariling benepisyo, mula sa pagkanlong at kinalaunang pagpapatakas sa puganteng si Sen. Bato Dela Rosa, hanggang sa kanilang pagpilit sa pagbabago ng patakaran para payagan ang remote voting kasabay ng pagkakaharap ng ilang senador sa mga reklamong may kinalaman sa korapsyon at sa nakaambang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa ngayon, nahati na ang senado sa dalawang paksyon.
Habang tahimik ang presidente at bise-presidente sa kaguluhan, patuloy na naghihirap ang masang Pilipino. Sa katunayan, dahil sa pagpapalit ng liderato, naudlot ang hearing ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform noong ika-11 ng Mayo kung saan pag-uusapan sana ang kinakaharap na suliranin ng ating mga magsasaka. Muli pa itong naulit noong ika-1 ng Hunyo nang hindi sumipot sa plenaryo ang mga miyembro ng majority bloc, kasama na si Senate President Alan Cayetano, matapos arestuhin si Sen. Jinggoy Estrada. Nakatakdang talakayin dito ang proteksyon sa mga pasyenteng walang kapasidad para magbayad mula sa pagkaka-detain sa ospital, pagkakaroon ng Magna Carta for Barangay Health Workers, at Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
Ipinapakita ng mga pangyayaring ito ang kawalan ng prayoridad sa tunay na mga isyung lumulugmok sa mga Pilipino. Ito ay lubhang nakababahala, lalo na sa kabila ng banta ng Super El Niรฑo, hindi pa tumitigil na giyera sa Middle East, at panghihimasok ng mga dayuhan sa bansa gaya ng pambabastos ng mga Israeli national sa Siargao at sa tinatayong AI hub ng Estados Unidos sa Tarlac. ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฝ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐๐ฒ๐๐๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐น๐๐ถ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป. Dagdag pa rito, ang kanilang pagkakaluklok ay ginagamit lamang upang panatilihin ang kapangyarihan sa kani-kanilang kampo at para hindi maagrabyado ang kani-kanilang negosyo.
Patunay ito na kahit na pormal na itinuturing na demokratikong bansa ang Pilipinas, ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga piling tao lamang. Binansagan sila ng sosyolohistang si C. Wright Mills bilang ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฒ๐น๐ถ๐๐ฒ, o grupo ng magkakaugnay na makakapangyarihang tao na kumokontrol sa ibaโt ibang institusyon kagaya na lamang ng gobyerno, ekonomiya, edukasyon, miliitar at midya. Nababalewala ng power elite ang demokrasya, lalo na ang proseso ng checks and balances sa gobyerno. Sa Pilipinas, ang mga politiko ay kalimitang mga malalaking negosyante o hindi naman kayaโy parte ng dinastiyang politikal. Marami ang kanilang kapital at malawak din ang kanilang impluwensya buhat nito, kung kayaโt madali nilang napapanatili ang kanilang kapangyarihan. Ang mas masama pa, sila ay nagiging tuta ng imperyalistang dayuhan, kung kayaโt hanggang ngayon ay nakaasa pa rin tayo sa kanila at hindi nagkakaroon ng sariling industriya.
Hindi tunay na malaya at demokratiko ang Pilipinas kung patuloy na nagpapakatuta ang pamahalaan sa mga imperyalistang bansa at hanggaโt ang iilan ang naghahari. ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐น๐ฎ๐ด๐ถโ๐ ๐น๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ. Nananawagan ang organisasyon para sa tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pagpapabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at kamatayan sa imperyalismo! Aming kinokondena ang pagsasawalang-bahala ng gobyerno sa mga pangangailangan ng masa, sa kawalan ng pananagutan para sa mga kriminal na nananamantala sa kaban ng bayan, at sa walang kahiya-hiyang pangyuyurak sa dignidad at karapatan ng mga Pilipino!
UPLB Sociology Society ๐๐
CRITICAL | DYNAMIC | HOLISTIC โจ
Since 1975 ๐ป
Sanggunian:
Cahatol, M. & Cruz, R.G. (2026, June 1). Senate majority no show in supposed Monday session. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/6/1/senate-majority-no-show-in-supposed-monday-session-2005
Cruz, J.P. (2026, June 1). Paralyzed Senate: Majority no-show at session after Estradaโs arrest. Rappler. https://www.rappler.com/philippines/senate-majority-absent-session-june-1-2026/
Cruz, J. P. (2026, May 26). Senate minority walks out as majority โrailroadsโ online voting rule. Rappler. https://www.rappler.com/philippines/senate-minority-walkout-motion-virtual-participation-session-may-26-2026/
EBSCO. (n.d.) Power elite | Social Sciences and Humanities | Research Starters. https://www.ebsco.com/research-starters/social-sciences-and-humanities/power-elite
Torregoza, H. (2026, May 12). Pangilinan apologizes for cancellation of hearings due to semate leadership change; vows to continue fight for agri sector. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2026/05/12/pangilinan-apologizes-for-cancellation-of-hearings-due-to-senate-leadership-change-vows-to-continue-fight-for-agri-sector