alagang NOCON

alagang NOCON Mga opisyal na ganap sa komunidad ng tubong Los Baños na si Neil Andrew NOCON para sa Serbisyong Diretso sa Tao.

Alagang Nocon

Mga opisyal na ganap sa komunidad ni Neil Andrew Nocon, ang LB ng LB: Lingkod Bayan ng Los Banos

PAGBABAHAGI AT PAGMAMAHAL: Pamilya Nocon, nag-abot ng tulong sa Brgy. Batong Malake 🤝✨Isang makabuluhang araw ng pagkaka...
14/06/2026

PAGBABAHAGI AT PAGMAMAHAL: Pamilya Nocon, nag-abot ng tulong sa Brgy. Batong Malake 🤝✨

Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa ang naganap noong June 11, 2026, matapos opisyal na i-turn over ng Pamilya Nocon ang tatlong (3) E-Bike bilang regalo at suporta sa kanilang mahal na Barangay Batong Malake.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng panganay ng pamilya, ang ating Mayor Hon. Neil Andrew Nocon, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Noah Nocon, Noel Nocon, at Nina Nocon-Shimoguchi, Kasama rin ang asawa ni Noel Nocon na si Erma Nocon. Kasama rin nilang nag-abot ng suporta ang kanilang mga magulang na sina dating Punong Bayan Andrew O. Nocon at Mrs. Ester N. Nocon, na patuloy na nagiging inspirasyon ng pamilya sa pagbibigay-serbisyo.

Ang nasabing donasyon ay malugod na tinanggap ni Barangay Captain Kalaw na labis ang pasasalamat sa patuloy na pag-alala ng pamilya sa kapakanan ng kanilang mga kanayunan.

Ang mga E-bikes na ito ay gagamitin para sa mas masigasig, ligtas, at mabilis na paghahatid ng serbisyo sa bawat sulok ng Batong Malake. Maraming salamat sa Pamilya Nocon sa walang sawang pagmamahal sa bayan!

LOS BAÑOS CELEBRATES 128 YEARS OF PHILIPPINE INDEPENDENCEThe local government and community sectors of Los Baños converg...
12/06/2026

LOS BAÑOS CELEBRATES 128 YEARS OF PHILIPPINE INDEPENDENCE

The local government and community sectors of Los Baños converged at the Old Municipal Hall on Friday, June 12, 2026, to commemorate the 128th Anniversary of Philippine Independence.

The civic ceremony was spearheaded by Mayor Neil Andrew N. Nocon and Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, alongside Sangguniang Bayan Members Councilor Jay A. Rolusta, Councilor Aldous Amiel B. Perez, Councilor Leren Mae M. Bautista, Councilor Muriel Laisa B. Dizon, Councilor Rand Edouard R. De Jesus and Councilor Miko C. Pelegrina.

In his commemorative address, Mayor Neil reminded us that the true essence of freedom lies in active unity and an unyielding commitment to public service, emphasizing that uplifting every Los Bañense honors the sacrifices of the nation's heroes in the past.

Reflecting strong inter agency cooperation, the event drew extensive support from uniform services and national line agencies, including JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario of BJMP, SDS Soledad Villanueva of DepEd, PLtCol. Alexy E. Sonido of PNP and FSINSP Cid Vincent V. Manaig (BFP). Standing shoulder to shoulder with them in a powerful display of civic pride was a dedicated delegation of municipal government employees, alongside contingents from the Knights of Rizal, the Boy and Girl Scouts of the Philippines, Task Force Ugnay Camp Macario Sakay, and the Philippine Coast Guard.

A gripping 1898 declaration of independence reenactment by The Artist Inc. under Edward Perez served as the grand finale of the commemoration. The patriotic program also featured national oaths led by PVT Ace R. Diago (INF) PA and FO1 John Mark R. Faustino, a moving rendition of "Dakilang Lahi" by LBirit Star Grand Champion 2025 Jasmin Palis, and a message of unity from Vice Mayor Alipon, all seamlessly masterminded by emcees Revilyn D. Perez and Engr. Raymond Joseph B. Paraiso.

The spirit of Independence Day serves as a collective call for Los Baños to move forward through responsible citizenship and dedicated public service.





🧵🎋 HABI AT HIMIG SA LOS BAÑOS 🎶🌿Tuklasin at ipagdiwang ang ganda ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining ng pagha...
12/06/2026

🧵🎋 HABI AT HIMIG SA LOS BAÑOS 🎶🌿

Tuklasin at ipagdiwang ang ganda ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining ng paghahabi at musika sa Habi at Himig sa Los Baños!
Masaksihan ang natatanging pagtatanghal ng mga likhang tela mula sa Philippine Tropical Fabrics Program ng DOST-PTRI at ang kahanga-hangang himig na hatid ng mga bamboo musical instruments ng DOST-FPRDI na sumasalamin sa mayamang pamana at pagkamalikhain ng ating mga Pilipino.
📍 Exhibit
🗓️ Hunyo 15–18, 2026
📌 Activity Area, New Municipal Building, Brgy. Timugan Los Baños, Laguna
👗 Fashion Show
🗓️ Hunyo 19, 2026 | 5:30 PM
📌 Gen. Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin Los Baños, Laguna
Sama-sama nating suportahan ang lokal na industriya, kultura, at sining na nagpapakilala sa galing at husay ng mga Pilipino. Halina at makiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang ng habi, himig, at pagkakakilanlan ng ating bayan.
Kita-kits sa Habi at Himig sa Los Baños!

🧵🎋 HABI AT HIMIG SA LOS BAÑOS 🎶🌿

Tuklasin at ipagdiwang ang ganda ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining ng paghahabi at musika sa Habi at Himig sa Los Baños!

Masaksihan ang natatanging pagtatanghal ng mga likhang tela mula sa Philippine Tropical Fabrics Program ng DOST-PTRI at ang kahanga-hangang himig na hatid ng mga bamboo musical instruments ng DOST-FPRDI na sumasalamin sa mayamang pamana at pagkamalikhain ng ating mga Pilipino.

📍 Exhibit
🗓️ Hunyo 15–18, 2026
📌 Activity Area, New Municipal Building, Brgy. Timugan Los Baños, Laguna

👗 Fashion Show
🗓️ Hunyo 19, 2026 | 5:30 PM
📌 Gen. Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin Los Baños, Laguna

Sama-sama nating suportahan ang lokal na industriya, kultura, at sining na nagpapakilala sa galing at husay ng mga Pilipino. Halina at makiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang ng habi, himig, at pagkakakilanlan ng ating bayan.

Kita-kits sa Habi at Himig sa Los Baños!

12/06/2026

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2026 (Biyernes). Idineklara bilang Regular Holiday sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1006, ang makasaysayang araw na ito ay paggunita sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas noong 1898 at pagpupugay sa kagitingan at sakripisyo ng mga bayaning nagtaguyod ng ating kasarinlan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating palaganapin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa, at sama-samang itaguyod ang isang lipunang may dignidad, kaunlaran, at malalim na pagmamahal sa bayan.






12/06/2026
Abante Los Baños!LOS BAÑOS, IPARAMDAM ANG ATING SUPORTA! Bilang host municipality ng 2026 Laguna Inter-Town Basketball T...
11/06/2026

Abante Los Baños!
LOS BAÑOS, IPARAMDAM ANG ATING SUPORTA!

Bilang host municipality ng 2026 Laguna Inter-Town Basketball Tournament, inaanyayahan ang lahat ng Los Bañense na suportahan ang ating koponan sa kanilang laban.

Halina’t makiisa at manood habang ipinaglalaban ng Team Los Baños ang karangalan ng ating bayan sa loob ng court.

📅 June 14, 2026 | Sunday
⏰ 4:00 PM 15 Under Division | Pangil vs Los Baños
5:30 PM 25 Under Division | Pangil vs Los Baños
📍 CPP Memorial Stadium & Evacuation Center, Baybayin, Los Baños, Laguna

11/06/2026

𝐓𝐎𝐏 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀 (𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐎𝐅 𝐌𝐀𝐘 2026)

The Social Pulse Survey: Pulso ng Bayan Survey for the month of May 2026 highlights the Top Performing Mayors in the Province of Laguna, based on the voices and feedback of 1,000 respondents. Conducted during the survey period of June 1-3, 2026, with a margin of error of ±3%, the results reflect public satisfaction in terms of leadership, governance, and service delivery.

Topping the list is Mayor Dennis Hain of Cabuyao City, who emerged as the highest-performing mayor in Laguna with an impressive 95.6% performance rating, signaling strong public trust and approval.

Following in second place is Mayor Ross Rizal of Calamba City with 93.2%, while Mayor Art Mercado of San Pedro City ranked third with 92.6%, both earning high marks from their constituents for their leadership and public service.

In fourth place is Mayor Arlene Arcillas of Santa Rosa City with 91.7%, followed by Mayor Gel Alonte of Biñan City with 88.2%, reflecting continued confidence from the public.

The rest of the Top Performing Mayors in Laguna are:

• Mayor Neil Andrew Nocon (Los Baños) – 87.8%
• Mayor Benjo Agarao (Sta. Cruz) – 86.6%
• Mayor Najie Gapangada Jr. (San Pablo City) – 85.7%
• Mayor Patrick Go (Siniloan) – 81.8%

The complete ranking is as follows:

1. Mayor Dennis Hain (Cabuyao City) – 95.6%
2. Mayor Ross Rizal (Calamba City) – 93.2%
3. Mayor Art Mercado (San Pedro City) – 92.6%
4. Mayor Arlene Arcillas (Santa Rosa City) – 91.7%
5. Mayor Gel Alonte (Biñan City) – 88.2%
6. Mayor Neil Andrew Nocon (Los Baños) – 87.8%
7. Mayor Benjo Agarao (Sta. Cruz) – 86.6%
8. Mayor Najie Gapangada Jr. (San Pablo City) – 85.7%
9. Mayor Patrick Go (Siniloan) – 81.8%

Overall, the results highlight the strong public approval of local leaders who continue to deliver effective governance, accessible public services, and programs that directly benefit their communities.

𝗔𝗕𝗢𝗨𝗧 𝗣𝗨𝗟𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗨𝗥𝗩𝗘𝗬

The Pulso ng Bayan Survey is a flagship initiative of Social Pulse Philippines, aimed at providing a clear and data-driven snapshot of public sentiment on the performance of elected officials. It promotes transparency, accountability, and informed civic participation through credible and independent research.


🏆🎉 PAGBATI, BAYAN NG LOS BAÑOS! 🎉🏆Isang karangalan para sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños na tanggapin ang mga pagkilala...
10/06/2026

🏆🎉 PAGBATI, BAYAN NG LOS BAÑOS! 🎉🏆

Isang karangalan para sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños na tanggapin ang mga pagkilalang iginawad ng Lalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Provincial Health Office, sa ilalim ng pamumuno ni Gobernadora Sol Aragones at Provincial Health Officer Dr.Jose Odilon R. Inoncillo sa ginanap na awarding ceremony na may temang “Connecting Efforts, Celebrating Impact: Building a Healthier Laguna” nitong Hunyo 10, 2026 sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna.

Malugod na tinanggap ang mga parangal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Ms. Madeleine M. Alforja, Municipal Nutrition Action Officer, at Dr. Alvin Isidoro, Municipal Health Officer, na kinatawan nina Ms. Rowena Avila at Ms. Wilma Estacio.

Ang mga pagkilalang ito ay iginawad bilang pagkilala sa mga lungsod at bayan na nagpakita ng natatanging pagganap, matibay na dedikasyon, at mahalagang ambag sa pagsulong ng mga programang pangkalusugan at serbisyong pampubliko sa taong 2025.

Kabilang sa mga natanggap na pagkilala ng Bayan ng Los Baños ang mga sumusunod:

🏅 Outstanding Implementation of Nutrition Programs for the Year 2025
🏅 Newly Accredited HIV Service Facility for the Year 2025
🏅 National Voluntary Blood Services Program (1% or More) for the Year 2025
🏅 Adaptation and Full Implementation of RA 9482 for the Year 2025
🏅 Nutrition Champion for Advancing Maternal and Child Health through the Establishment and Sustainable Operation of a Milk Hub

Ang mga parangal na ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, Municipal Health Office, Municipal Nutrition Office, mga barangay, mga katuwang na ahensya, at ng buong komunidad sa paghahatid ng mahusay, makatao, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Los Bañense.

Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang mga pagkilalang ito upang lalo pang paigtingin ang mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Isang pagpapatunay ito na sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami pa tayong maaabot na tagumpay para sa ating bayan.

Muli, taos-pusong pagbati sa buong Bayan ng Los Baños sa isa na namang makabuluhang tagumpay!

💙💛 Sama-sama para sa isang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na Bayan ng Los Baños.





Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang ikatlong araw ng pr...
10/06/2026

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang ikatlong araw ng programang “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Supplies Distribution 2026” bilang suporta sa edukasyon ng mga kabataang Los Bañense. Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Pre-Elementary at Grade 1 sa San Antonio Elementary School, sa pangunguna ni Mayor Nocon nitong Hunyo 10, 2026 (Miyerkules). Samantala, pinangunahan naman nina Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon at Hon. Aldous Amiel B. Perez ang distribusyon sa Maahas Elementary School at Bayog Elementary School upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may sapat na kagamitan sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral.

Naging katuwang sa programa sina OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas at Mr. Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN), at mga kinatawan ng Public Order and Safety Office (POSO), na may buong suporta nila Public School District Supervisor Dr. Soledad Villanueva ng DepEd Los Baños mga School Principals, School Heads, Teachers, Teacher Aides, at mga kinatawan ng barangay. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Ms. Revilyn Perez, OIC-LYDO, bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na mapalawak ang suporta sa edukasyon at mabigyan ng mas maayos na simula ang bawat batang Los Bañense tungo sa mas umaabanteng kinabukasan.







Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang matagumpay na pagsasag...
10/06/2026

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang matagumpay na pagsasagawa ng DSWD Social Pension Payout para sa Ikalawang Kwarter nitong Hunyo 10, 2026 (Miyerkules) para sa mga benepisyaryong senior citizens na may edad 71 hanggang 99 taong gulang. Isinagawa ang payout sa iba’t ibang barangay upang maging mas mabilis at maginhawa ang pagkuha ng pensyon. Kabilang sa mga naging payout venues ang Evacuation Center Gymnasium para sa mga benepisyaryo ng Baybayin, Timugan, at San Antonio; Malinta Covered Court at Anos Covered Court para sa Malinta at Anos; Bayog Covered Court at Tadlac Evacuation Center para sa Bayog at Tadlac; Lopez Elementary School Auditorium at Tuntungin-Putho Covered Court para sa Batong Malake at Tuntungin-Putho; Mayondon Sports Complex para sa Mayondon; Maahas Covered Court para sa Maahas; Municipal Activity Area para sa Bambang at Bagong Silang; at Lalakay Barangay Hall para sa Lalakay.

Naging mabilis at maayos ang distribusyon ng pensyon upang matulungan ang ating mga nakatatanda sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Treasury Office (MTO), at mga katuwang na barangay. Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang matatag nitong pangako na unahin ang kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng dignidad, kalinga, at pantay na pag-unlad para sa bawat mamamayan.




Address

Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when alagang NOCON posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to alagang NOCON:

Share

Category