10/06/2026
🏆🎉 PAGBATI, BAYAN NG LOS BAÑOS! 🎉🏆
Isang karangalan para sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños na tanggapin ang mga pagkilalang iginawad ng Lalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Provincial Health Office, sa ilalim ng pamumuno ni Gobernadora Sol Aragones at Provincial Health Officer Dr.Jose Odilon R. Inoncillo sa ginanap na awarding ceremony na may temang “Connecting Efforts, Celebrating Impact: Building a Healthier Laguna” nitong Hunyo 10, 2026 sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna.
Malugod na tinanggap ang mga parangal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Ms. Madeleine M. Alforja, Municipal Nutrition Action Officer, at Dr. Alvin Isidoro, Municipal Health Officer, na kinatawan nina Ms. Rowena Avila at Ms. Wilma Estacio.
Ang mga pagkilalang ito ay iginawad bilang pagkilala sa mga lungsod at bayan na nagpakita ng natatanging pagganap, matibay na dedikasyon, at mahalagang ambag sa pagsulong ng mga programang pangkalusugan at serbisyong pampubliko sa taong 2025.
Kabilang sa mga natanggap na pagkilala ng Bayan ng Los Baños ang mga sumusunod:
🏅 Outstanding Implementation of Nutrition Programs for the Year 2025
🏅 Newly Accredited HIV Service Facility for the Year 2025
🏅 National Voluntary Blood Services Program (1% or More) for the Year 2025
🏅 Adaptation and Full Implementation of RA 9482 for the Year 2025
🏅 Nutrition Champion for Advancing Maternal and Child Health through the Establishment and Sustainable Operation of a Milk Hub
Ang mga parangal na ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, Municipal Health Office, Municipal Nutrition Office, mga barangay, mga katuwang na ahensya, at ng buong komunidad sa paghahatid ng mahusay, makatao, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Los Bañense.
Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang mga pagkilalang ito upang lalo pang paigtingin ang mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Isang pagpapatunay ito na sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami pa tayong maaabot na tagumpay para sa ating bayan.
Muli, taos-pusong pagbati sa buong Bayan ng Los Baños sa isa na namang makabuluhang tagumpay!
💙💛 Sama-sama para sa isang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na Bayan ng Los Baños.