09/10/2026
𝐂𝐚𝐯𝐢𝐭𝐞: 𝐌𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐚 𝐝𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐥𝐢𝐦𝐚 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐦, 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧💪🌾
Sa tulong ng DA-RFO CALABARZON, sinimulan na ng PhilRice ang Climate-Smart Maps (CS Map) Project sa probinsiya ng Cavite at isinagawa ang Participatory Climate Risk Mapping (PCRM) Workshop nitong Setyembre 30.
Sama-samang tinukoy ng mga kalahok mula sa provincial at municipal agriculture offices at mga rice farmers ang mga panganib na nararanasan sa mga palayan ng Cavite, kung papaano ito nakakaapekto sa kanila, at ang mga ginagawa at suportang binibigay/natatanggap tuwing nagkakaroon ng mga panganib na ito. Ipinavalidate ang iba’t ibang mga mapa: consistently-planted rice areas, rice areas susceptible to drought and flood. Hiningi rin mula sa mga kalahok ang impormasyon patungkol sa seasonal hazards, historical hazards, at resources for rice farming.
Ang mga impormasyon na nakuha mula sa workshop ay magsisilbing batayan para makuha ang climate risk levels ng iba’t ibang panganib, mga i-gegenerate na climate risk maps, at gagawing adaptation plans na ibabahagi sa susunod na aktibidad.