20/05/2026
𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 📢
Magkakaroon po ng Public Hearing kaugnay sa mga panukalang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Los Baños para sa kapakanan at kaayusan ng ating komunidad.
🗓 Petsa: Ika-02 ng Hunyo 2026 (Martes)
🕘 Oras: 9:00 ng umaga
📍 Lugar: Session Hall, 2nd Floor, Municipal Building, Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna
📌 Mga tatalakaying panukala:
✅ Pagbabawal sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar sa ilang barangay ng Los Baños
✅ Paglalagay ng mga videoke machine, sound system at iba pang maiingay na audio device sa pampublikong lugar
✅ Curfew para sa mga menor de edad at pagbabawal sa paggamit ng “watusi” sa panahon ng Kapaskuhan
✅ Pagbabawal sa paggamit ng “Hubb-Bard” sa mga pampublikong lugar
✅ Minimum fare guide para sa mga tricab/e-bike for hire sa Brgy. Tuntungin-Putho, Brgy. Anos at Brgy. Bambang
Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan na makiisa at magbigay ng kanilang opinyon at mungkahi para sa ikabubuti ng ating bayan.
Maraming salamat po.