27/07/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ง | MIDYEAR PHYSICAL AND FINANCIAL ASSESSMENT NG BFAR-SAAD OPISYAL NG NAGTAPOS
Opisyal na nagtapos ang isinagawang Midyear Assessment ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II noong July 21โ23, 2026 sa Davao City. Dinaluhan ito ng mga BFAR Regional Directors, BFAR National Technical Working Group (NTWG) members, at BFAR-SAAD Regional Program Management Support Office (RPMSO) mula sa 16 na rehiyon, na nagtipon upang suriin ang progreso ng mga proyekto. Layunin ng pagtitipon na matukoy ang mga nagawa at ang kinakailangang aksyon upang malutas ang mga isyu na natuklasan.
Nagbigay ng mainit na pagbati si BFAR Region 11 Regional Director Relly B. Garcia sa lahat ng kalahok ng assessment. Ibinahagi niya ang kanyang taos-pusong galak at suporta sa pagdaraos ng pagtitipon sa kanilang rehiyon. Binigyang-diin ni RD Garcia ang kahalagahan ng bukas na talakayan at kolektibong pagkilos upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng programa para sa kapakanan ng mga mangingisda.
Samantala, opisyal na binuksan ni BFAR National Director (ND) Elizer S. Salilig ang programa, kung saan kanyang inilatag ang mga konkretong hakbang para sa mga benepisyaryo upang higit na mapagtibay ang layunin na maitawid sila tungo sa Community-Based Enterprises (CBEs). Ibinahagi rin niya ang mga potensyal na value-added products na maaaring idebelop sa bawat rehiyon, bilang dagdag na oportunidad para sa mga mangingisdang benepisyaryo. Binigyang-diin ni ND Salilig na sa pamamagitan ng inobasyon at masusing paglinang ng lokal na produkto, mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga komunidad at masisiguro ang pangmatagalang tagumpay ng programa. Sa kanyang talumpati, binanggit ni ND Salilig ang pahayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco โKikoโ Tiu LaureL, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapalago ng mga pangunahing komoditi tulad ng ulang, hito, red tilapia, at iba pa.
Sa tatlong araw na pagtitipon, tinalakay ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang rehiyon ang mga nagawa ng programa, kabilang ang distribusyon ng livelihood packages at mga pagsasanay na naging malaking tulong sa mga benepisyaryong mangingisda. Sinuri rin ang mga kinakaharap na suliranin na nangangailangan ng mas malalim na pagtukoy ng ugat ng problema, paglalapat ng angkop na estratehiya, at pagbabalangkas ng konkretong solusyon upang higit pang mapaunlad ang mga proyekto. Ang bawat presentasyon ay nagbigay ng inspirasyon sa mga kalahok upang higit pang mapagtibay ang implementasyon ng programa.
Sa pagtatapos ng nasabing assessment, ibinahagi ng BFAR-SAAD National Focal Person Elymi AR-J S. Tuรฑacao ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagap at masigasig na pagsasakatuparan ng mga layunin, lalo naโt may natitirang dalawang taon na lamang bago matapos ang programa. Hinikayat niya ang lahat na magpatuloy sa pagtutulungan upang matiyak ang tagumpay ng mga adhikain ng BFAR-SAAD Program Phase II.