25/08/2026
𝗪𝗜𝗞𝗔, 𝗟𝗔𝗥𝗢, 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗬𝗔
Bilang bahagi ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsagawa ang Los Baños Municipal Jail ng palarong “Larawan Mo, Hulaan Ko” para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ang masayang aktibidad ay pinangunahan ni JO1 Jucelle Camil E Tulay sa ilalim ng paggabay ni JINSP JOEL PAMFILO N DEL ROSARIO, Acting Jail Warden ng Los Baños Municipal Jail.
Sa pamamagitan ng simpleng laro, nabigyan ang mga PDL ng pagkakataong magsaya, matuto, makipag-ugnayan, at maipakita ang kanilang kaalaman at pagiging malikhain, habang ipinagdiriwang ang kahalagahan ng ating wika at kultura.
𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙡𝙖𝙧𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙮𝙖; 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖, 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮!
#𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈𝑳𝒊𝒗𝒆𝒔𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈𝑨𝑺𝒂𝒇𝒆𝒓𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏
BJMP Regional Office CALABARZON
BJMP Laguna Provincial Jail Administrator's Office