08/06/2026
Happy PRIDE mga ka-LB! 🏳️🌈
Isinagawa ang pag-unveil ng rainbow flag sa bayan ng Los Baños bilang pagpapakita ng suporta sa pandaigdigang pagdiriwang ng Pride Month at pagkilala sa pagkakapantay-pantay, pagkakaiba-iba, at inklusyon para sa lahat.
𝘿𝙖𝙩𝙤𝙨 𝙖𝙩 𝙍𝙚𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙩𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣
Komunidad: 1,500 indibidwal na may magkakaibang SOGIE sa Los Baños.
Munisipyo: 21 empleyado (2.1%) ang kabilang sa LGBTQIA+ community.
Boses sa Pamamahala: May opisyal nang sectoral representative ang LGBTQ community sa Municipal Development Council.
𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙚𝙨𝙞𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙨𝙞𝙮𝙖
Sa pamumuno nina Mayor Neil Andrew Nocon at Vice Mayor Marlo PJ Alipon, nanguna ang bayan sa mga batas para sa pagkakapantay-pantay:
M.O. No. 2018-1791: Isa sa mga unang Anti-Discrimination Ordinance (SOGIE) sa bansa. (Author: Hon. Baby Sumangil Evangelista)
M.O. No. 2025-2349: bukod tanging LGU sa bansa na may ordinansa patungkol sa “𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧-𝙉𝙚𝙪𝙩𝙧𝙖𝙡 𝘿𝙧𝙚𝙨𝙨 𝘾𝙤𝙙𝙚 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣, 𝙩𝙞𝙩𝙪𝙡𝙤, 𝙖𝙩 𝙥𝙧𝙤𝙣𝙤𝙪𝙣𝙨 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙖𝙩 𝙚𝙢𝙥𝙡𝙚𝙮𝙖𝙙𝙤.” (𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫: 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐞𝐫𝐞𝐧 𝐌𝐚𝐞 𝐌. 𝐁𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚)
Sa lahat ng patuloy na tumitundig, sumusuporta, at nagmamahal nang buo, Mabuhay kayo!
Isang makulay at mainit na pagbati sa inyong lahat!
Happy Pride mga momsh! 🏳️🌈✨