10/06/2026
🧠🤝💙 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗟𝗢𝗖𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗬𝗢𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗥𝗢𝗢𝗠 💙🤝🧠
Bilang bahagi ng Opening Block Activities ng Taong Panuruan 2026–2027, matagumpay na naisagawa ng Los Baños National High School – Poblacion ang dalawang makabuluhang symposium na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan at pangkalusugan.
Noong Hunyo 9, 2026, nagsagawa ng Symposium on Anti-Bullying and Mental Health ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Guidance and Counseling Office para sa mga mag-aaral ng Baitang 7–10. Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman si Ms. Lorie Jean G. Montao, RSW, MSSW mula sa Municipal Social Welfare and Development Office tungkol sa pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at makataong kapaligiran sa paaralan.
Samantala, noong Hunyo 10, 2026, pinangunahan ng SSLG at Barkada Kontra Droga (BKD) ang Symposium on Anti-Smoking and Teenage Pregnancy. Naging resource speakers sina Ms. Mary Jane M. Gozales para sa paksang Teenage Pregnancy at Ms. Marlyn B. Rañola para sa Smoking and Va**ng, kapwa mula sa Municipal Rural Health Unit. Tinalakay nila ang mga epekto at kahalagahan ng responsableng pagdedesisyon para sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan.
Taos-pusong pasasalamat sa Tanggapan ni Mayor Neal Andrew N. Nocon at kay Mrs. Emma L. Izon, Principal IV, sa kanilang suporta upang maging matagumpay ang mga gawaing ito.
Pagkilala rin sa mga naging katuwang sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga programa:
• Mr. KB Arquiza – SSLG Adviser
• Mrs. Marissa A. Rebenque – BKD Adviser
• Ms. Mary Clare N. Vega – Guidance Designate
• SSLG Officers and Committee Members
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy nating hinuhubog ang mga Batang Poblacion na may malasakit sa kapwa, may kamalayan sa mga kontemporaryong isyu, at handang gumawa ng responsableng mga desisyon para sa kanilang sarili at sa komunidad.