14/06/2025
Handog Para sa Kinabukasan! βοΈπ
Ang Sangguniang Barangay ng Banabahin Ilaya sa pangunguna ni Punong Barangay Gavino Walter E. Valencia sampu ng mga kagawad, mga kaguruan at magulang ay matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies sa mga mag-aaral ng Banabahin Ilaya Elementary School.
Isang munting tulong, ngunit malaking hakbang sa pag-abot ng mga pangarap ng kabataan. Sama-sama nating suportahan ang edukasyon para sa mas maliwanag na bukas!