Barangay Danlagan, Lopez, Quezon

Barangay Danlagan, Lopez, Quezon The Official Page of Barangay Danlagan, Lopez, Quezon.

Happy Birthday, Barangay Treasurer Marissa P. Berba! πŸŽ‰πŸ₯³πŸŽ‚Pagbati mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng Kawa...
10/04/2026

Happy Birthday, Barangay Treasurer Marissa P. Berba! πŸŽ‰πŸ₯³πŸŽ‚

Pagbati mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng Kawani ng Barangay Danlagan.

Taos-pusong pasasalamat sa paglilingkod ng tapat sa ating mga kabarangay, sa pamamagitan ng iyong matalino at masinop na pamamahala sa kaban ng ating Barangay.

Hiling namin ang umaapaw na biyaya at masayang pagdiriwang sa iyong kaarawan.

10/04/2026

πŸ“’ PAALALA SA PUBLIKO
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at sumunod sa itinakdang oras ng curfew upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad.
Ang simpleng pagsunod ay malaking tulong para sa kapayapaan ng bawat isa.



10/04/2026

BASAHIN | Opisyal na Pahayag hinggil sa insidente sa Lopez Diversion Road

Hinihikayat po natin ang lahat na basahin ang buong pahayag upang maiwasan ang pangamba at ang pagkalat ng maling impormasyon.

Makakaasa po kayo na ang ating awtoridad ay nakatutok para sa kaligtasan at kapayapaan ng bawat LopezeΓ±o.

84th Araw ng KagitinganCommemoration"Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi"Kaisa ang Barangay Danlagan sapagpapahalaga s...
09/04/2026

84th Araw ng Kagitingan
Commemoration

"Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi"

Kaisa ang Barangay Danlagan sa
pagpapahalaga sa katapangan, sakripisyo, at patriotismong ipinamalas ng mga bayani, na nagsisilbing inspirasyon para sa ating susunod na henerasyon.

08/04/2026

Para sa patuloy na kaayusan ng ating bayan at bilang proteksyon sa ating mga namamasadang kababayan, nais po naming ipabatid ang mga mungkahi sa ilalim ng bagong Tricycle Ordinance laban sa mga Colorum.

πŸ“Œ Inaasahang ipatutupad ang mga alituntuning ito simula Hulyo 1, 2026.

Hinihikayat po natin ang lahat na asikasuhin na ang kaukulang dokumento sa LTO at sa ating Pamahalaang Bayan habang may sapat na oras pa. Gawin po nating legal ang ating pasada upang iwas-abala at iwas-multa!

06/04/2026

MAHALAGANG PABATID: 4-DAY WORKWEEK SA LGU LOPEZ πŸ“£
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026 ng Pambansang Pamahalaan, ipatutupad ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga sumusunod na hakbang bilang pakikiisa sa Energy Conservation Protocol:

πŸ—“οΈ 4-DAY WORKWEEK (Simula April 13, 2026)
Ang mga tanggapan sa Munisipyo ay magbubukas mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 6:00 PM.

Upang matiyak na hindi maantala ang mga pangunahing serbisyo, mananatiling fully operational at walang pagbabago sa schedule ang mga sumusunod na essential offices:
βœ… MHO at MSWDO
βœ… MDRRMO (Disaster/Emergency response)
βœ… Public Market at Solid Waste/Garbage Collection
βœ… Engineering Office (Repair & Maintenance)
Ang Office of the Mayor ay mananatiling bukas tuwing Biyernes, 8:00 AM - 5:00 PM, via skeletal force.

πŸ“Œ Paalala sa Publiko: Pinapayuhan ang lahat na i-adjust ang inyong mga transaksyon ayon sa bagong schedule na ito upang maiwasan ang abala.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at malawak na pag-unawa.

Happy Birthday, Kagawad Virginia V. Calvelo! πŸŽ‰πŸŽˆπŸŽ‚Pagbati  mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng kawani ng B...
05/04/2026

Happy Birthday, Kagawad Virginia V. Calvelo! πŸŽ‰πŸŽˆπŸŽ‚
Pagbati mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng kawani ng Barangay Danlagan.

Maraming salamat po sa patuloy na paglilingkod sa ating mga Kabarangay.

Hiling po namin ang masaya, makabuluhan at umaapaw na biyaya sa iyong kaarawan.

SUMVAC 2026ASSISTANCE DESKRotonda, Lopez-Buenavista Road,Barangay Danlagan, Lopez, Quezon
03/04/2026

SUMVAC 2026
ASSISTANCE DESK

Rotonda, Lopez-Buenavista Road,
Barangay Danlagan, Lopez, Quezon

Kaisa ang Barangay Danlagan sa paggunita ng Semana Santa, Nawa ay yakapin natin ang pagpapatawad at ihanda ang ating mga...
01/04/2026

Kaisa ang Barangay Danlagan sa paggunita ng Semana Santa, Nawa ay yakapin natin ang pagpapatawad at ihanda ang ating mga puso sa pagtanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Kristo.

01/04/2026
31/03/2026

MAHALAGANG PABATID SA MGA MAY TRANSAKSYON SA MUNISIPYO πŸ“£

Paunawa po sa lahat ng mga LopezeΓ±o! Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 ng Office of the President, pansamantalang walang face-to-face o pisikal na transaksyon sa ating munisipyo bukas, Miyerkules, Abril 1, 2026.

Mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN ay naka-work-from-home arrangement ang mga kawani, at pagsapit ng 12:00 NN ay pormal nang suspendido ang trabaho bilang paghahanda sa Semana Santa.

Mangyaring ipagpaliban muna ang inyong mga non-emergency na transaksyon at magbalik na lamang matapos ang Semana Santa. Huwag mag-alala, mananatiling bukas at naka-antabay ang ating emergency, health, at disaster response units para sa kaligtasan ng lahat.

Address

Barangay Hall, Purok Luya, Barangay Danlagan, Quezon
Lopez
4316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Danlagan, Lopez, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share