05/02/2026
๐ข PAALALA SA LAHAT NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA ๐ง๏ธ๐
Nakataas na po ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1 sa ating bayan dahil sa Bagyong Basyang. Hinihikayat ang lahat na magsagawa ng maagang paghahanda upang maiwasan ang pinsala sa pananim, kagamitan, at kabuhayan.
Pinapayuhan ng Kagawaran ang mga MAGSASAKA na gawin ang mga sumusunod na hakbang bilang paghahanda:
โ ๏ธ Anihin ang mga pananim na maaari nang anihin;
โ ๏ธ Ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim, at iba pang gamit pansakahan sa ligtas at mataas na lugar na hindi maaabot ng baha;
โ ๏ธ Maglaan ng sapat na pagkain, tubig, at gamot para sa mga ililikas na hayop;
โ ๏ธ Linisin ang mga irrigation canal upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis ang pagdaloy ng tubig.
โ ๏ธ Regular na subaybayan ang pinakabagong ulat-panahon mula sa DOST-PAGASA, at iba pang lehitimong news outlet;
Samantala, pinapayuhan ang mga MANGINGISDA na:
โ ๏ธIlikas ang mga bangkang pangisda at iba pang gamit pangisdaan sa mataas na lugar;
โ ๏ธPlanuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa dagat dahil sa posibleng malalakas at matataas na alon sa mga lugar na maaaring maapektuhan; at
โ ๏ธMakipag-ugnayan at sundin ang mga babala sa pangingisda mula sa mga lokal na awtoridad.
Sundin ang mga inirerekomendang hakbang sa paghahanda para sa kaligtasan ng bawat isa.
๐ Unahin ang kaligtasan.
๐ Maging alerto at laging makinig sa mga abiso ng kinauukulan.