Governor's Help Desk - LOOC

Governor's Help Desk - LOOC Our mission is to make healthcare more accessible, compassionate, & responsive for every Romblomanon.

ROMBLON COMMUNICATION NETWORK, MAS PINALAKAS PA ANG KAKAYAHAN SA KOMUNIKASYON AT PAMAMAHAYAG! Ginanap nitong June 4, 202...
05/06/2026

ROMBLON COMMUNICATION NETWORK, MAS PINALAKAS PA ANG KAKAYAHAN SA KOMUNIKASYON AT PAMAMAHAYAG!

Ginanap nitong June 4, 2026 ang Romblon Communication Network Conference Cum Training and Oath Taking Ceremony sa PGR Tablas Extension Office sa Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon. Ang malaking pagtitipon na ito ay inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA) Romblon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon sa pamumuno ni Gov. Trina Firmalo-Fabic.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga Information Officers mula sa iba't ibang national government agencies at mga munisipyo sa buong probinsya.

Gaya ng inaasahan, naging produktibo ang araw para sa mga kalahok dahil sa mga serye ng pagsasanay na inorganisa ng PIA MIMAROPA:

• Broadcasting Workshop
• Crisis Communication Workshop
• Mobile Journalism Workshop

Isa sa mga highlight ng programa ay ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Romblon Communication Network (Comnet), isang malawak na organisasyon ng mga communication at information officers sa lalawigan. Nanguna sa mga nag-oath taking ang ating Romblon Provincial Information Officer na si Mr. John Aries Caringal Bejer bilang bagong halal na Presidente ng Comnet.

Pormal na nanumpa ang mga opisyal sa pangunguna ni Dr. Arnulfo De Luna, na siyang kumatawan kay Gov. Trina Firmalo-Fabic.

Nagpaabot naman ng kanyang buong suporta at mensahe para sa grupo si Ma’am Jemin Guillermo, J.D., ang Regional Head ng PIA MIMAROPA.

Isang pagbati sa ating mga bagong opisyal at nawa'y patuloy nating itaguyod ang tapat, mabilis, at maaasahang impormasyon para sa bawat Romblomanon!



Isang malaking karangalan para sa ating lalawigan ang maging host sa 2nd Quarter Full Council Meeting ng Regional Peace ...
05/06/2026

Isang malaking karangalan para sa ating lalawigan ang maging host sa 2nd Quarter Full Council Meeting ng Regional Peace and Order Council (RPOC) MIMAROPA, na ginanap ngayong araw, June 3, 2026, dito mismo sa ating Provincial Government of Romblon Tablas Extension Office sa Odiongan.

Pinangunahan ang makabuluhang pagtitipon na ito ng ating RPOC Chairperson, Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor. Masasabi nating naging napakatagumpay ng pulong dahil sa buong-pusong pagdalo ng mga miyembro ng konseho, kabilang ang ating mga Regional Directors, mga kinatawan mula sa iba't ibang National Government Agencies, ang ating magigiting na uniformed personnel mula sa PNP at AFP, pati na ang mga dedikadong lokal na pinuno at lider mula sa iba’t ibang dako ng MIMAROPA.

Masaya po nating tinanggap ang ating mga bisita dito sa Romblon. Sobrang nakakataba ng puso na makita ang nagkakaisang suporta at malasakit ng bawat isa. Iisa lang naman ang ating mithiin: ang masigurong ligtas, tahimik, at may progresong tinatamasa ang bawat komunidad sa ating rehiyon.

Ang pag-uusap na ito ay isang napakahalagang pagkakataon upang masuri ang kasalukuyang lagay ng seguridad sa buong MIMAROPA. Dahil sa pagtitipong ito, mas nagkapit-bisig ang lahat ng ahensya kung paano tutugunan ang mga bagong hamon sa kapayapaan, at kung paano pa natin mas mapapaganda at maitataguyod ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagpupulong na ito! Patuloy po tayong magtutulungan para sa isang mas ligtas at maunlad na bukas sa buong MIMAROPA!



Nakiisa po tayo sa Brigada Eskwela 2026 Joint Division and District Kick-Off Program kasama ang ating mga local leaders,...
02/06/2026

Nakiisa po tayo sa Brigada Eskwela 2026 Joint Division and District Kick-Off Program kasama ang ating mga local leaders, school principals, teachers, partner agencies, at mga organisasyong patuloy na sumusuporta sa sektor ng edukasyon. Sa loob ng 23 taon, naging simbolo ang Brigada Eskwela ng pagkakaisa at bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na naglalaan ng oras, pagsisikap, at suporta para sa ating mga paaralan. Nawa’y hindi lamang ito maisabuhay tuwing Brigada Eskwela kundi sa buong taon. Nakakatuwang makita na marami pa rin ang handang tumulong at makibahagi para sa ikabubuti ng ating mga learners.

Kami po sa Pamahalaang Panlalawigan ay nananatiling katuwang ninyo sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon. Sa tulong ng Provincial School Board at sa patuloy na pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor, unti-unti nating matutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga paaralan at mga mag-aaral.



Masaya po tayong nakasama ang ating mga CDW mula sa iba’t ibang bayan ng Romblon para sa Child Development Workers Conve...
02/06/2026

Masaya po tayong nakasama ang ating mga CDW mula sa iba’t ibang bayan ng Romblon para sa Child Development Workers Convention, kahapon sa Calatrava. Kasama rin natin ang mga MSWDOs, mayors, at mga partner agencies at organizations na patuloy na nakikipagtulungan para sa kapakanan ng ating mga kabataan at pamilya.

Mahalaga po ang papel ng ating mga child development workers sa paggabay at paghubog sa mga bata na magkaroon ng mabuting asal, tamang pagpapahalaga, pagmamahal sa pamilya, at malasakit sa komunidad. Kaya maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa paglilingkod.

Bilang suporta, patuloy na makikipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan upang mapalakas ang suporta para sa ating social welfare sector, kabilang ang mga programa, pagsasanay, at iba pang inisyatibang makatutulong sa inyong mahalagang tungkulin. Makaaasa po kayo na patuloy kaming magiging katuwang ninyo sa serbisyong ito.



Noong Lunes, nakadalo tayo sa flag ceremony sa Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital sa Looc. Ipinaalala natin ang...
18/05/2026

Noong Lunes, nakadalo tayo sa flag ceremony sa Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital sa Looc. Ipinaalala natin ang responsibilidad ng mga kawani ng gobyerno, at hinihingi natin ang tulong at suporta ng mga empleyado sa pagpapaganda ng serbisyo sa ospital.

Nakipagpulong din tayo sa mga division heads at napag usapan ang ibang mga concerns. Nag-ikot din tayo sa mga pasyente at sa mga pasilidad, lalo na ang sa Labor Room/Delivery Room at Operating Room na malapit nang matapos.

⚠️ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗦𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗜𝗡 𝗥𝗢𝗠𝗕𝗟𝗢𝗡Nakatanggap po ng mga ulat ukol sa umano’y pagkakita ng mga king cob...
14/05/2026

⚠️ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗦𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗜𝗡 𝗥𝗢𝗠𝗕𝗟𝗢𝗡

Nakatanggap po ng mga ulat ukol sa umano’y pagkakita ng mga king cobra sa ilang lugar sa lalawigan ng Romblon. Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging maingat at mapagmatyag lalo na sa mga matataas na damuhan, kakahuyan, sakahan, at madidilim na lugar.

📍 Mga Naiulat na Lugar:

𝗔𝗹𝗰𝗮𝗻𝘁𝗮𝗿𝗮
• Sitio Agtingga, Brgy. Camili
• Sitio Luho, Brgy. Bagsik

𝗟𝗼𝗼𝗰
• Sitio Cabugao, Brgy. Punta
• Brgy. Balatucan
• Brgy. Limon Norte

𝗢𝗱𝗶𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻
• Brgy. Progreso Este
• Brgy. Progreso Weste
• Brgy. Patoo

𝗙𝗲𝗿𝗿𝗼𝗹
• Brgy. Recto

📌 Mga Paalala:
✔️ Iwasang lumapit o manghuli ng ahas
✔️ Gumamit ng flashlight kapag lumalabas sa gabi
✔️ Bantayang mabuti ang mga bata at alagang hayop
✔️ Agad i-report sa inyong barangay officials o MDRRMO kung may makitang ahas

🚨 Kapag may nakagat ng ahas:
• Huwag mag-panic
• Iwasang galawin nang sobra ang nakagat na bahagi
• Huwag laslasin o higupan ang sugat
• Dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na ospital o health facility

Patuloy pong makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa mga opisyal na anunsyo at updates.





Isang taon na ang nakalilipas mula noong araw na tayo ay nagkaisa para sa isang bagong bukas.Hindi ko makakalimutan ang ...
14/05/2026

Isang taon na ang nakalilipas mula noong araw na tayo ay nagkaisa para sa isang bagong bukas.

Hindi ko makakalimutan ang enerhiya, ang saya, at ang init ng pagtanggap ninyo noong Eleksyon 2025. Ang araw na iyon ay hindi lang tungkol sa pagboto, ito ay tungkol sa ating kolektibong pangarap para sa isang Romblon na mas may malasakit at mas matatag.

Kahit ilang buwan pa bago tayo opisyal na nag-umpisa sa ating tungkulin noong Hulyo, ang inyong tiwala ang naging simula ng lahat ng ating ginagawa ngayon. Isang taon mula noong makasaysayang araw na iyon, mas lalo pang nag-aalab ang aking dedikasyon na suklian ang inyong suporta ng tunay at tapat na serbisyo.

Salamat sa pagpili sa ating pangarap para sa probinsya. Salamat sa pagtitiwala sa ating kakayahan.

Patuloy tayong magtulungan para sa ating minamahal na probinsya. Ang ating panalo noong nakaraang taon ay simula pa lamang ng mas mahaba at mas makabuluhang paglalakbay para sa bawat Romblomanon.

𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢: 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻, 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗱-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄Ginanap ngayong araw...
14/05/2026

𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢: 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻, 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗱-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄

Ginanap ngayong araw, 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, ang 𝗠𝗶𝗱-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 sa SP Session Hall, Capitol Building sa bayan ng Romblon.

Layunin ng pagtitipon na ito na masusing suriin ang naging takbo ng mga programa at serbisyo ng probinsya para sa unang bahagi ng taon at masiguro ang de-kalidad na paglilingkod sa mga Romblomanon.

Pinangunahan ni 𝗚𝗼𝘃. 𝗧𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗙𝗶𝗿𝗺𝗮𝗹𝗼-𝗙𝗮𝗯𝗶𝗰 ang pagbubukas ng nasabing aktibidad. Inilatag naman nina 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗶𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼 (𝗢𝗜𝗖-𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿), 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗟𝗶𝘇𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗠𝗼𝗿𝘁𝗲𝗹 (𝗣𝗚𝗗𝗛-𝗣𝗕𝗢), 𝗮𝘁 𝗠𝘀. 𝗚𝗲𝗺𝗺𝗮 𝗘𝘁𝗶𝘀 (𝗕𝗔𝗖 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁) ang mga ulat tungkol sa income performance, status ng mga proyekto, at BAC report. Nagkaroon din ng diskusyon sa pagtukoy ng mga "unmet targets" at pagbuo ng mga "catch-up plans" at estratehiya para sa mas pinabuting performance ng bawat opisina. Naghatid naman ng pasasalamat si 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗿. 𝗥𝗮𝗺𝗲𝗿 𝗠. 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀 para sa patuloy na pagkakaisa ng mga kawani.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng adbokasya ng lokal na pamahalaan para sa transparency at accountability sa bawat piso at proyektong inilalaan para sa lalawigan.




Nagpaabot ng pasasalamat sa ating tanggapan ngayong hapon, May 11, 2026, sa PGR Extension Office sa Tablas ang Romblon P...
14/05/2026

Nagpaabot ng pasasalamat sa ating tanggapan ngayong hapon, May 11, 2026, sa PGR Extension Office sa Tablas ang Romblon Provincial Cyber Response Team para sa patuloy na partnership, pagtugon sa kanilang mga requests, at pakikiisa sa kanilang mga aktibidad, lalo na sa pagsusulong ng cyber security at kaligtasan ng ating mga kababayan sa online platforms.

Sa panahon ngayon na dumarami ang mga online scams at cyber-related concerns, mahalaga ang patuloy na pagbibigay-kaalaman at maagap na pagtugon upang maprotektahan ang ating mga mamamayan.

Hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na makipag-ugnayan lamang sa kanilang official page kung mayroon kayong nais ilapit o i-report na cyber-related concern.

𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗚𝗢𝗩. 𝗧𝗥𝗜𝗡𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗠𝗔𝗟𝗢-𝗙𝗔𝗕𝗜𝗖Ginanap kahapon, 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟯, ang 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 ...
14/05/2026

𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗚𝗢𝗩. 𝗧𝗥𝗜𝗡𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗠𝗔𝗟𝗢-𝗙𝗔𝗕𝗜𝗖

Ginanap kahapon, 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟯, ang 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 sa pangunguna ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗧𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗙𝗶𝗿𝗺𝗮𝗹𝗼-𝗙𝗮𝗯𝗶𝗰 kasama ang mga Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan (PGR), mga Chiefs of Hospitals, at iba pang executives sa Conference Room ng Office of the Governor.

Layunin ng pagpupulong na masiguro ang maayos na serbisyo-publiko at talakayin ang mga mahahalagang inisyatibo ng probinsya. Kabilang sa mga tinalakay sa agenda ang pagbabalik sa regular work schedule ng mga trabaho sa kapitolyo. Tinalakay rin ang 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 para sa paglalapit ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga malalayong komunidad. Binigyang-diin din ang digitalization ng mga serbisyo gaya ng pagpapatupad ng 𝗗𝗼𝗰𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗧𝗿𝗮𝗰𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 at ang enrollment para sa 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲 upang mas mapabilis at maging transparent ang daloy ng mga dokumento. Napag-usapan din ang pagrerepaso ng mga 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗥𝗲𝗾𝘂𝗲𝘀𝘁𝘀 para sa mga karagdagang proyekto at programa ng ating lalawigan.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang masiguro na ang bawat programa ay nakatutok sa pangangailangan ng mga Romblomanon.


Address

Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital
Looc
5507

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Governor's Help Desk - LOOC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share