Irene Morgado

Irene Morgado The official page of Irene Morgado.

Ang ating mga Child Development Workers ang mga unsung heroes sa likod ng bawat batang lumalaki nang may mabuting asal a...
03/06/2026

Ang ating mga Child Development Workers ang mga unsung heroes sa likod ng bawat batang lumalaki nang may mabuting asal at pagmamahal sa pamilya. πŸ’œ

Noong June 1, 2026 sa CDW Convention dito sa Calatrava, nagtipon ang mga dedikadong lalaki at babaeng nagbibigay ng kanilang buong puso para sa ating mga kabataan.

Sa ating mga CDW: ang inyong serbisyo ay nagbabago ng buhay. Ang Pamahalaang Panlalawigan ay lagi sa inyong tabi. πŸ™

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod!

Nakiisa tayo sa Brigada Eskwela 2026 Joint Division and District Kick-Off Program bilang patunay na ang edukasyon ay pan...
02/06/2026

Nakiisa tayo sa Brigada Eskwela 2026 Joint Division and District Kick-Off Program bilang patunay na ang edukasyon ay pananagutan ng buong komunidad. Bawat tulong, maging malaki man o maliit, ay may malaking epekto sa buhay ng isang bata.

Sama-sama nating itayo ang isang henerasyong handa at may malasakit sa kapwa. Ang tagumpay ng bawat mag-aaral ay tagumpay din ng ating lahat!





πŸ³οΈβ€πŸŒˆ Happy Pride Month! πŸ³οΈβ€πŸŒˆSa bawat isa sa inyo β€” you are seen . You are loved.Huwag madaliin ang  sarili. Ang inyong k...
31/05/2026

πŸ³οΈβ€πŸŒˆ Happy Pride Month! πŸ³οΈβ€πŸŒˆ
Sa bawat isa sa inyo β€” you are seen . You are loved.
Huwag madaliin ang sarili. Ang inyong kwento ay sa inyo lamang, at kayo ang may hawak kung kailan, kung paano, at kung kanino ito ibabahagi. Walang tamang oras β€” ang mahalaga ay kayo ay ligtas, komportable, at handa.
Ikaw ay sapat. Ikaw ay tunay. At lagi kang magiging karapat-dapat sa pagmamahal β€” exactly as you are. πŸ’œ

Mayo 28, 2026, matagumpay na naisagawa ang Provincial Development Council (PDC) Full Council Meeting para sa unang kalah...
29/05/2026

Mayo 28, 2026, matagumpay na naisagawa ang Provincial Development Council (PDC) Full Council Meeting para sa unang kalahati ng 2026 sa Quezon City.

Pinangunahan ni Gov. Trina bilang Chairman at ni Cong. Budoy bilang Co-Chairman ang pulong, kasama ang mga mayor ng Romblon, kinatawan ng Civil Society Organizations, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga department heads ng Provincial Government of Romblon.

Kabilang sa mga pangunahing desisyon na ginawa ang pag-apruba sa Annual Development Plan (ADP) at Annual Investment Program (AIP) para sa 2027 β€” mga mahalagang dokumento na nagtatakda ng mga programa, proyekto, at badyet ng Lalawigan para sa darating na taon. Ibinahagi rin ni Gov. Trina ang mga proyektong pinondohan mula sa opisina ni Cong. Budoy, tulad ng mga kalsada sa Sta. Fe, San Andres, at Romblon.
πŸ“Έ from Congressman Budoy Madrona

Sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, nawa’y mapuno ang bawat tahanan ng pagmamahalan, kapayapaan, at pagpapala. πŸŒ™βœ¨Maligayang E...
26/05/2026

Sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, nawa’y mapuno ang bawat tahanan ng pagmamahalan, kapayapaan, at pagpapala. πŸŒ™βœ¨

Maligayang Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y ang diwa ng sakripisyo at pananampalataya ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat. 🀍🐐

Congratulations sa 30 cooperatives na dumalo sa training. Isang makabuluhan at mapupulutang-aral na umaga para sa ating ...
12/05/2026

Congratulations sa 30 cooperatives na dumalo sa training. Isang makabuluhan at mapupulutang-aral na umaga para sa ating mga coconut farmers sa Year 5 Implementation ng Coconut Farmers & Industry Development Plan (CFIDP) at Coop Business Activity and Resiliency Seminar. πŸŒ΄πŸ’œ

Patuloy nating palalakasin ang ating mga organisasyon at kooperatiba tungo sa mas masagana, matatag, at progresibong industriya ng niyog.

Tagumpay na naisakatuparan ang halalan ng mga bagong opisyal ng Romblon Provincial Cooperative Development Council β€” isa...
11/05/2026

Tagumpay na naisakatuparan ang halalan ng mga bagong opisyal ng Romblon Provincial Cooperative Development Council β€” isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, mas nagkakaisa, at mas episyenteng pamumuno para sa sektor ng kooperatiba sa lalawigan.

Sa ilalim ng adhikaing , binabati natin ang mga nahalal na opisyal na mangunguna sa pagpapatuloy ng mga programang magbibigay ng mas inklusibo at makabuluhang serbisyo para sa bawat kooperatiba at mamamayang Romblomanon.

πŸ”Ή Chairperson – SP Irene Morgado
πŸ”Ή Honorary Chairperson – Gov. Trina
πŸ”Ή Vice Chairperson – OMCDC Chairperson Sandy Moreno
πŸ”Ή Secretary – UKF represented by Janette Ferranco
πŸ”Ή Treasurer – DSWD represented by Jane Ferrancullo
πŸ”Ή Auditor – DAR represented by PARO Engr. Madarcos

Sama-sama para sa mas maunlad na kooperatiba at mas progresibong Romblon! πŸ’œ

πŸ“’ JOB OPPORTUNITY !Naghahanap ka ba ng trabaho sa isang maaasahan at patuloy na lumalaking drugstore? Sumali na sa kanil...
04/05/2026

πŸ“’ JOB OPPORTUNITY !

Naghahanap ka ba ng trabaho sa isang maaasahan at patuloy na lumalaking drugstore? Sumali na sa kanilang team!

πŸ’Ό Mga Bukas na Posisyon:
βœ”οΈ Licensed Pharmacist
βœ”οΈ Pharmacy Assistant

πŸ“© Para sa mga interesadong aplikante, maaaring ipadala ang inyong resume sa:
πŸ“§ [email protected]
πŸ“± O mag-message lamang dito sa aming page

πŸ“ San Agustin, Romblon

Ortiz Drugstore IS HIRING!

Naghahanap ka ba ng trabaho sa isang maaasahan at lumalaking drugstore? Sumali na sa aming team sa San Agustin, Romblon!

πŸ“Œ Open Positions:
βœ”οΈ Licensed Pharmacist
βœ”οΈ Pharmacy Assistant

✨ Maging bahagi ng isang supportive na workplace na tunay na naglilingkod sa komunidad!

Ipadala ang inyong mga application sa:
Email: [email protected]
Facebook: Ortiz Drugstore

Address

Looc

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Irene Morgado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share