23/01/2026
LGU-LOOC, KINILALA NG OCD MIMAROPA: HALOS PERPEKTONG MARKA SA DRRM, TAGUMPAY NG BOUNG BAYAN!
LOOC, ROMBLON β Tumanggap ng mataas na pagkilala ang Local Government Unit ng Looc mula sa Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA sa ginanap na Recognition and Appreciation Awarding Ceremony for Local DRRM Councils and Offices, bilang patunay sa matibay na pagpapatupad ng mga programa sa disaster risk reduction and management sa bayan.
Sa pamumuno ni Hon. Mayor Lisette Medina Arboleda, LDRRMC Chairperson, at sa pangunguna ng masigasig na LDRRMO na si Neil Fopalan, lumahok ang MDRRMO Looc sa nasabing ebalwasyon at buong pagmamalaking naiuwi ang halos perpektong marka na 2.94 out of 3.0
Ayon kay Mayor Arboleda, ang mataas na rating na ito ay bunga ng tuloy-tuloy na paghahanda, maayos na sistema, at sama-samang pagkilos ng pamahalaang bayan, mga barangay, volunteers, at mismong mga mamamayan sa tuwing may banta ng kalamidad.
Hindi lamang ito tagumpay ng Lokal na Pamahalaan, kundi tagumpay ng bawat Loocnon na laging handang makiisa sa mga programang pangkaligtasan β mula sa mga pagsasanay, maagang paglikas, hanggang sa disiplina sa pagsunod sa mga paalala ng awtoridad.
Pinatutunayan ng pagkilalang ito na ang Looc ay hindi lamang handa sa oras ng sakuna, kundi patuloy na nagsisikap na maging mas matatag, mas ligtas, at mas resilient na komunidad para sa lahat.
Mabuhay ang LGU Looc, ang MDRRMO, ang mga Barangay DRRM Councils, mga volunteers, at ang bawat mamamayang Loocnon na katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating bayan.
!
!