03/06/2026
๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ "๐ฉ๐ฎ๐ป๐ฒ๐๐๐ฎ" ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป ๐บ๐ผ!
Ang ๐ฉ๐ฐ๐ถ๐ด๐ฆ ๐ง๐ญ๐บ ay ang pinakakaraniwan at pinakalaganap na uri ng langaw. Ang mga ito ay maaaring magdala ng mahigit isandaang ๐ฑ๐ข๐ต๐ฉ๐ฐ๐จ๐ฆ๐ฏ, kabilang ang ๐ฃ๐ข๐ค๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข, ๐ท๐ช๐ณ๐ถ๐ด, ๐ง๐ถ๐ฏ๐จ๐ช, at ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ด๐ช๐ต๐ฆ๐ด.
โ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ '๐๐ฎ๐ป ๐๐ต๐ฎ, ๐๐ถ "๐ฉ๐ฎ๐ป๐ฒ๐๐๐ฎ"?
Ang mga langaw ay karaniwang kumakain at nagpaparami sa mga dumi ng hayop, mga nabubulok na bagay, at maging sa pagkain mo. Kung dadapo sila sa kinakain mo, malaki ang posibilidad na hindi pagkain ang huli nilang pinanggalingan.
At dahil hindi sila nakangunguya ng pagkain, dumudura sila ng laway na may mga ๐ฆ๐ฏ๐ป๐บ๐ฎ๐ฆ upang matunaw ang pagkain bago nila ito sipsipin.
๐ค๐ฆ๐ผ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ถ๐, ๐๐ผ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐ต!
Kumpul-kumpol kung mangitlog ang langaw (umaabot sa halos 300 na itlog kada pangingitlog). At mahirap makita ang mga ito dahil umaabot lamang sa humigit-kumulang 1.2 mm ang kanilang laki.
Dagdag pa rito, ang mga itlog ng langaw ay kadalasang puti o dilaw at nagmimistulang mga maliliit na butil ng bigas. Mula sa pangingitlog, napipisa ang mga ito sa loob lamang ng isang araw (lalo na sa mga maiinit at ๐ฉ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฅ na lugar).
๐คฉ ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ
Kung kakain sa labas, kilatisin ang pagkain lalo na kung matagal itong naiwan na walang takip. Upang maiwasan ang pagkasira at pag-aaksaya ng pagkain sa tahanan, panatilihing nakatakip ang pagkain, bawasan ang sobrang ๐ฎ๐ฐ๐ช๐ด๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ sa paligid, at regular na linisin ang mga kanal at basurahan.