Municipal Civil Registry Office-Llanera, Nueva Ecija

Municipal Civil Registry Office-Llanera, Nueva Ecija MCRO is in charge of the registration, recording, and safekeeping of vital events of an individual.

Bida Si Juana: WOMEN ENTREPRENEURS TRADE FAIR...Taralets na mga KaJuana🥰
26/03/2026

Bida Si Juana: WOMEN ENTREPRENEURS TRADE FAIR...Taralets na mga KaJuana🥰

BUKAS NA!
BIDA SI JUANA SA LLANERA!

Magkita-kita tayong muli sa Lagasca Avenue upang ipagdiwang ang lakas, galing, at sipag ng kababaihan sa darating na Marso 27, 2026 (Biyernes), ganap na ika-4:00 ng hapon para sa “BIDA SI JUANA: Women Entrepreneurs Trade Fair.”

Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa Bayan ng Llanera, na nagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa pag-unlad ng ating pamayanan, lalo na sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, at pagnenegosyo.

Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay, lakas, at husay ng bawat Juana ng Llanera!

PABATID PO SA LAHATLolah Vine
26/03/2026

PABATID PO SA LAHAT


Lolah Vine

PUBLIC ADVISORY ‼📢

"Every woman's success should be an inspiration to another. We're strongest when we cheer each other on." -Sheryl Sandbe...
25/03/2026

"Every woman's success should be an inspiration to another. We're strongest when we cheer each other on."
-Sheryl Sandberg.

🌸 Pagpupugay sa mga Kababaihan ng LGU Llanera🌸

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, ating kinikilala at pinaparangalan ang lakas, talino, at malasakit ng bawat kababaihan ng LGU Llanera. Kayo ang nagsisilbing haligi ng ating pamayanan—mapagkalinga, matatag, at inspirasyon sa bawat isa.

Sa inyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan, patuloy ninyong pinapakita na ang kababaihan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas maunlad at makatarungang lipunan.

Maraming salamat sa inyong kontribusyon at sakripisyo. Nawa’y patuloy kayong maging ilaw at lakas ng ating bayan.

💜 Mabuhay ang kababaihan ng Llanera! 💜

💐 Happy Women’s Month! 💐




MGA KABARANGAY, TARA NA SA PAG-ASA GYM BUKAS, MAY 26, 8AM - 2PM
24/03/2026

MGA KABARANGAY, TARA NA SA PAG-ASA GYM BUKAS, MAY 26, 8AM - 2PM

Kita-kits po bukas sa Pag-asa Gym 8:00 AM
24/03/2026

Kita-kits po bukas sa Pag-asa Gym 8:00 AM

MASAGANANG PAMAYANAN ON WHEELS
Makataong Pamahalaan, Ramdam ng Pamayanan

Tinatawagan po ang lahat ng ating mga ka-barangay sa POBLACION (BAGUMBAYAN, PLARIDEL AT VICTORIA), paparating na po ang MASAGANANG PAMAYANAN ON WHEELS - Isang One-Stop Government Service Caravan
hatid ng ating Pamahalaang Bayan

📅 Marso 25, 2026 (Miyerkules)
⏰ Oras: 8:00AM-2:00PM
📍 Pag-Asa Gymnasium

MGA SERBISYONG IHAHANDOG:

• Civil Registry / PSA Assistance
• Serbisyong Pangkalusugan, Libreng X-Ray Bakuna at TB Screening
• Social Welfare Consultations
• Employment Profiling (PESO)
• Livelihood at Economic Advisories
• Property at Tax Declaration Assistance
• Libreng check-up sa mata

📌 Ang aktibidad na ito ay serbisyong pampubliko at bukás para sa lahat.

Serbisyo para sa Tao. Serbisyong Ramdam sa Barangay ninyo

Mahalagang Anunsiyo para sa lahat ng Llanerano
24/03/2026

Mahalagang Anunsiyo para sa lahat ng Llanerano

18/03/2026

Kaisa ang Bayan ng Llanera sa pag-alaala sa ika-69 na anibersaryo ng pagpanaw ni Ramon Magsaysay, isang lider na kinilala bilang “Pangulo ng Masa.”

Si Pangulong Magsaysay ay pumanaw noong Marso 17, 1957 sa isang trahedya ng pagbagsak ng eroplano—ang Douglas C-47 Skytrain—sa Mount Manunggal habang siya ay pauwi mula sa isang opisyal na pagbisita sa Cebu. Ang insidenteng ito ay ikinagulat at ikinalungkot ng buong bansa, dahil sa kanyang pagiging malapit sa mamamayan at tapat na paglilingkod.

Mahalaga ang kanyang naging papel sa kasaysayan ng Bayan ng Llanera, sapagkat siya ang lumagda sa Republic Act No. 1221 noong Mayo 11, 1955, na siyang nagtatag sa Bayan ng Llanera bilang isang ganap na munisipalidad.

Bilang pagkilala at pag-alaala sa kanyang mahalagang ambag sa kasaysayan ng Bayan ng Llanera, isang bantayog ni Pangulong Magsaysay ang matatagpuan sa harap ng ating munisipyo—isang paalala ng kanyang pamana ng tapat na pamumuno at walang kapantay na malasakit sa sambayanan.

Throwback sa nakaraang kasalang Bayan 2025, isa sa pinakamagandang kasalan na naganap sa bayan ng Llanera.
17/03/2026

Throwback sa nakaraang kasalang Bayan 2025, isa sa pinakamagandang kasalan na naganap sa bayan ng Llanera.

Habol na, mga kaibigan at kabarangay, April  14, 2026 na po ang cut-off date natin.
17/03/2026

Habol na, mga kaibigan at kabarangay, April 14, 2026 na po ang cut-off date natin.

Pabatid:

Ang tanggapan po ng Patalaang Sibil ay magtutungo sa Brgy. Villa Veniegas bukas (February 17) para tumatanggap ng mga aplikante na mula sa Brgy. Villa Veniegas at Florida Blanca, para sa KASALANG BAYAN sa May 6, 2026

Samantalahin po natin ito!

PARA SA KABATIRAN PO NG LAHAT NG LLANERANO
08/03/2026

PARA SA KABATIRAN PO NG LAHAT NG LLANERANO

06/03/2026

BIDA SI JUANA SA LLANERA!

Magkita-kita tayong muli sa Lagasca Avenue upang ipagdiwang ang lakas, galing, at sipag ng kababaihan sa darating na Marso 27, 2026 (Biyernes), ganap na ika-4:00 ng hapon para sa “BIDA SI JUANA: Women Entrepreneurs Trade Fair.”

Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa Bayan ng Llanera, na nagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa pag-unlad ng ating pamayanan, lalo na sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, at pagnenegosyo.

Inaanyayahan ang lahat ng kababaihang negosyante sa ating bayan na makiisa!
Ipakita ang inyong mga produkto, talento, at inspirasyon bilang mga Juana na tunay na bida sa pag-unlad ng Llanera.

Sa mga nais makilahok, i-click lamang ang link

https://tinyurl.com/BidasiJuana

o i-scan ang QR Code sa larawan upang makapag-register.
Hanggang Marso 20, 2026 lamang ang pagpaparehistro. Ang unang 25 kababaihang negosyante na makapagreregister ay mapapahiraman ng 2x2 tent.

Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay, lakas, at husay ng bawat Juana ng Llanera!

Address

Municipal Civil Registry Office, Municipal Main Hall Building, Lagasca Avenue, Victoria
Llanera
3126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Civil Registry Office-Llanera, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Civil Registry Office-Llanera, Nueva Ecija:

Share