DAR Batangas Provincial Office

DAR Batangas Provincial Office The official page of the Department of Agrarian Reform Provincial Office - Batangas

04/09/2026
Maligayang Kaarawan, PARPO Atty. Macu!Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming kagalang-galang na OIC PARPO I at Con...
04/09/2026

Maligayang Kaarawan, PARPO Atty. Macu!

Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming kagalang-galang na OIC PARPO I at Concurrent Chief ng Legal Division, Atty. Emaculada Concepcion S. Mendoza!

Nawa ay patuloy kayong pagpalain ng masiglang kalusugan, karunungan, lakas at tagumpay sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Maraming salamat sa inyong huwarang pamumuno, paggabay at walang sawang suporta sa mga kawani ng DAR Batangas.

Hangad namin na maging masaya, makabuluhan at puspos ng biyaya ang inyong espesyal na araw.

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan mula sa DAR Batangas, ARDO Jem! Hangad namin ang patuloy mong tagumpay ...
02/09/2026

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan mula sa DAR Batangas, ARDO Jem!

Hangad namin ang patuloy mong tagumpay sa pagsusulong ng repormang agraryo at sa pagbibigay ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa iyong mga kasamahan at sa mga benepisyaryong ating pinaglilingkuran.

TINGNAN | Nagtungo ang TinDARhan sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas noong ika-26 ng Agosto upang itampok ang iba’...
31/08/2026

TINGNAN | Nagtungo ang TinDARhan sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas noong ika-26 ng Agosto upang itampok ang iba’t ibang de-kalidad at gawang-lokal na produkto mula sa mga Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) sa mga kalahok ng seminar mula sa DAR CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region.

Patuloy na isinusulong ng DAR Batangas ang mga inisyatibang nagbibigay ng suporta at dagdag na oportunidad sa mga ARBOs upang mapalakas ang kanilang mga produkto, kabuhayan, at kakayahang makipagsabayan sa merkado.

Sa bawat produktong gawang-lokal na tinatangkilik, naipapakita ang sipag, husay, at pagkamalikhain ng ating mga ARBOs at mga magsasakang benepisyaryo.



Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, ating parangalan ang mga bayaning nag-alay ng buhay, tapang, at paglilingkod para...
31/08/2026

Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, ating parangalan ang mga bayaning nag-alay ng buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasan ng Pilipinas.

Kaisa ang Department of Agrarian Reform - Batangas sa patuloy na pagsasabuhay ng diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Sa bawat lupang naipagkakaloob at pamilyang natutulungang umunlad, sama-sama nating ipinagpapatuloy ang laban para sa isang mas makatarungan at maunlad na bayan.

Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
Mabuhay ang ating mga magsasaka!



26/08/2026
24/08/2026



TINGNAN | Naghatid ng impormasyon at serbisyong agraryo ang Department of Agrarian Reform (DAR) Batangas sa mga resident...
24/08/2026

TINGNAN | Naghatid ng impormasyon at serbisyong agraryo ang Department of Agrarian Reform (DAR) Batangas sa mga residente ng San Pascual, Batangas sa kanilang pakikilahok sa ‘Capitol On Wheels’ noong ika-24 ng Agosto.

Sa pangunguna ng DAR Municipal Office - Cluster IV, ipinaabot ng DAR ang serbisyo ng tanggapan ukol sa Land Transaction Clearance, Certificate of Non-Issuance of Notice of Coverage, at iba pang usapin na saklaw ng DAR.

Patuloy ang pakikibahagi ng DAR Batangas sa mga programa na naglalapit ng impormasyon at serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.



TINGNAN | Pormal nang binuksan sa publiko ang TinDARhan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Batangas, sa pangunguna n...
24/08/2026

TINGNAN | Pormal nang binuksan sa publiko ang TinDARhan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Batangas, sa pangunguna ng Program Beneficiaries Development Division (PBDD), ngayong ika-24 ng Agosto.

Tampok dito ang iba’t ibang sariwang gulay at produkto na gawa ng mga Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) kabilang ang Aga Farmers Multi-Purpose Cooperative, Seaside “B” Multi-Purpose Cooperative, Butucan ARBs Association Inc., Bagong Silang Irrigators Association Inc., Nasugbu Agrarian Reform Beneficiaries Inc., Honeybee Multi-Purpose Cooperative, Kabesang Islaw Farmers Association, at Cumba Farmers Association Inc.

Layunin ng TinDARhan na magsilbing karagdagang pamilihan para sa mga produktong gawa ng ARBOs, palawakin ang kanilang oportunidad sa pangangalakal, at higit na mailapit sa publiko ang mga produktong gawa ng ating mga magsasaka.

Bukas ang TinDARhan mula Lunes hanggang Huwebes, 8:30 a.m. hanggang 4:00 p.m. para sa mga nagnanais ng sariwa, puro, at gawang-lokal na mga produkto. Sinsay na sa TinDARhan ng DAR Batangas!



Address

PMS Bldg. , Maraouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 6am - 7pm
Tuesday 6am - 7pm
Wednesday 6am - 7pm
Thursday 6am - 7pm

Telephone

+63434047283

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Batangas Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Batangas Provincial Office:

Shortcuts

Share