02/08/2026
𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗦𝗜𝗥 𝗗𝗘𝗫𝗧𝗘𝗥 𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡! 🎉🌈
Buong pusong ipinagmamalaki ng Barangay Bulacnin ang iyong pagkakahalal bilang isa sa mga Board of Directors ng Lipa Alliance for SOGIESC (LASO) at ang iyong pagtatalaga bilang kinatawan ng North District.
Sa panibagong tungkulin na iyong haharapin, patuloy kang magsilbing boses ng LGBTQIA+ community, tagapagtanggol ng pagkakapantay-pantay, at inspirasyon sa ating mga kababayan. Ang iyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang pagsusulong ng inklusibong lipunan ay patunay ng iyong liderato at serbisyo.
Nawa’y patuloy mong dalhin ang ng ating komunidad tungo sa mas makatarungan, ligtas, at pantay na kinabukasan para sa lahat.
Mabuhay ka, Sir Dexter Latayan! 🌈✨