Lipa City Health Office- Health Education and Promotion

Lipa City Health Office- Health Education and Promotion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lipa City Health Office- Health Education and Promotion, Government Organization, Lipa City.

𝐋𝐀𝐆𝐍𝐀𝐓, π”ππŽ, π’πˆππŽπ 𝐀𝐓 πˆππ€ 𝐏𝐀𝐍𝐆 π’πˆππ“πŽπŒπ€π’? ππ€πŠπ€ πˆππ…π‹π”π„ππ™π€-π‹πˆπŠπ„ πˆπ‹π‹ππ„π’π’ 𝐍𝐀 β€˜π˜π€π!Kasabay ng tag-ulan, posibleng lumaganap an...
07/09/2026

𝐋𝐀𝐆𝐍𝐀𝐓, π”ππŽ, π’πˆππŽπ 𝐀𝐓 πˆππ€ 𝐏𝐀𝐍𝐆 π’πˆππ“πŽπŒπ€π’? ππ€πŠπ€ πˆππ…π‹π”π„ππ™π€-π‹πˆπŠπ„ πˆπ‹π‹ππ„π’π’ 𝐍𝐀 β€˜π˜π€π!

Kasabay ng tag-ulan, posibleng lumaganap ang Influenza-Like Illness (ILI) o mala-trangkasong sakit. Ito ay karaniwang sanhi ng iba’t ibang bacteria na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at baga.

Alamin ang mga sintomas ng ILI, kung paano ito naipapasa, at ang mga paraan upang maiwasan ito upang maprotektahan ang sarili at ang inyong pamilya laban sa sakit.



🌱 π—žπ—”π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—‘ π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑𝗗𝗔𝗧𝗔, π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—”π—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š π——π—˜π—¦π—œπ—¦π—¬π—’π—‘ π—”π—‘π—š π—šπ—”π—•π—”π—¬!πŸ“š Ngayong Setyembre 7, 2026, nagtipon ang mga mag-aaral mula Gr...
07/09/2026

🌱 π—žπ—”π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—‘ π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑𝗗𝗔𝗧𝗔, π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—”π—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š π——π—˜π—¦π—œπ—¦π—¬π—’π—‘ π—”π—‘π—š π—šπ—”π—•π—”π—¬!

πŸ“š Ngayong Setyembre 7, 2026, nagtipon ang mga mag-aaral mula Grade 9 at 10 ng Bolbok Integrated National High School para sa mahahalagang talakayan tungkol sa pag-iwas sa maagang pagbubuntis, pag-iwas sa pag-abuso sa mga ipinagbabawal na gamot at iba pang nakalululong na sangkap, kalusugang pangkaisipan at wastong pamamahala ng stress na pinangunahan ng Lipa City Health Office. 🩺🧠

Sa sapat na kaalaman at tamang pagpapasya, ang mga Lipeñong kabataan ay mas handang protektahan ang kanilang mga sarili at abutin ang kani-kanilang mga pangarap. ✨






07/09/2026
05/09/2026
05/09/2026

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!

Ang Ligtas Tigdas ay tagumpay ng bawat isa. Bawat bakuna, bawat impormasyong naibahagi, at bawat batang naprotektahan ay bunga ng ating sama-samang pagkilos at malasakit.

Sa pagtatapos ng kampanyang ito, ipagpatuloy natin ang ating sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat bata sa CaLaBaRZon.

Maraming salamat, mga Bida sa Ligtas Tigdas!

Para sa bawat bata. Para sa bawat pamilya. Para sa mas ligtas at mas malusog na Pilipinas.





Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia at brain tumor. Ang maag...
05/09/2026

Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia at brain tumor. Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas nito ay may malaking papel sa matagumpay na paggaling.

Magmatyag sa mga warning signs tulad ng paulit-ulit o hindi maipaliwanag na lagnat, mabilis na pagkakaroon ng pasa, pamamaga o bukol sa katawan, at biglaang pagbagsak ng timbang. Ipa-konsulta agad ang bata sa pinakamalapit na health center o doktor.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo at tulong para sa kanser, i-scan ang QR code o bisitahin ang linktr.ee/DOHCancerSupport.




DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTHAng pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga...
05/09/2026

DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTH

Ang pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga simpleng aksyon na maaaring makapagligtas ng buhay.

Kung nakikita mong may nagbabago sa kilos ng iyong kaklase o kaibigan, o kung ikaw mismo ay kailangan ng tulong o kausap, huwag mag-atubiling humingi ng suporta.

Tumawag sa NCMH Crisis Hotline: ☎️ 1553 (Nationwide Landline Toll-Free) πŸ“± 0917-899-USAP (8727) | 0919-057-1553.

Maaari rin lumapit sa pinakamalapit na mental health counselor at peer support group sa inyong komunidad, paaralan, o trabaho.



🦠🌧️ π“πšπ¦πšπ§π  𝐊𝐚𝐚π₯𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐀𝐬𝐲𝐨𝐧 π‹πšπ›πšπ§ 𝐬𝐚 π‹πžπ©π­π¨π¬π©π’π«π¨π¬π’π¬! Isinagawa ang Leptospirosis Lectures at pamamahagi ng Informatio...
02/09/2026

🦠🌧️ π“πšπ¦πšπ§π  𝐊𝐚𝐚π₯𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐀𝐬𝐲𝐨𝐧 π‹πšπ›πšπ§ 𝐬𝐚 π‹πžπ©π­π¨π¬π©π’π«π¨π¬π’π¬!

Isinagawa ang Leptospirosis Lectures at pamamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials sa mga barangay ng Anilao, Bulacnin, at Muntingpulo noong Agosto 28, 2026.

Layunin ng aktibidad na dagdagan ang kaalaman ng ating mga kabarangay tungkol sa leptospirosis, mga paraan ng pag-iwas, at mga hakbang upang maprotektahan ang sarili at pamilya, lalo na sa panahon ng pagbaha at pagkakalantad sa maruming tubig. 🀝

Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at maagap na pagkilos, sama-sama nating mapipigilan ang pagkalat ng leptospirosis at mapangangalagaan ang kalusugan ng ating komunidad. ❀️

Alamin. Mag-ingat. Umiwas sa leptospirosis. πŸ’ͺ




Address

Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lipa City Health Office- Health Education and Promotion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share