DepEd Tayo Sico ES- Lipa City

DepEd Tayo Sico ES- Lipa City This page shows the different programs, projects and activities of Sico ES.

05/06/2026

"Ang Brigada Eskwela ay patunay na sa bayanihan, nagiging mas matatag ang edukasyon at mas maliwanag ang kinabukasan."

Taos-puso pong nagpapasalamat ang buong pamilya ng Sico Elementary School sa lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, barangay officials, alumni, at iba pang mga katuwang na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa Brigada Eskwela.

Dahil sa inyong pagtutulungan at malasakit, mas naging handa, malinis, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Nawa'y patuloy nating mapanatili ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa Sico Elementary School!

29/05/2026

Ang buong komunidad ng paaralan ng SICO ELEMENTARY SCHOOL ay muling nagkakaisa upang maghanda para sa panibago at masiglang taong panuruan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela 2026.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, boluntaryo, at mga katuwang ng paaralan na makiisa sa makabuluhang gawaing bayanihan na ito upang maihanda ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating gawing matagumpay at makabuluhan ang taong panuruang ito para sa bawat mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Eric B. Africa sa ipinagkaloob na Brigada Eskwela supplies para sa Sico Elementary ...
26/05/2026

Taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Eric B. Africa sa ipinagkaloob na Brigada Eskwela supplies para sa Sico Elementary School. Malaking tulong po ito upang mas maging handa at maayos ang ating paaralan para sa darating na pasukan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Kapitan Kelvin Bautista Izon sa pagpapahiram ng patrol upang maging maayos at mabilis ang transportasyon ng mga supplies. Maraming salamat din po kay Konsehal Konsi Edwin Perez ng Barangay Sico at sa ating masipag na barangay driver sa kanilang suporta at pagtulong sa pagdadala ng mga kagamitan.

Mula po sa Sico Elementary School sa pamumuno ni Sir Lambert Katigbak at sa aming PTA Officers sa pamumuno ni Gng. Helen Baino Lalamunan, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit sa edukasyon ng ating mga kabataan.



๐Ÿ“ขBRIGADA ESKWELA 2026๐Ÿ“ข"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"Ang Sico Elementary School ay buon...
18/05/2026

๐Ÿ“ขBRIGADA ESKWELA 2026๐Ÿ“ข

"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Ang Sico Elementary School ay buong puso pong inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, barangay officials, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela sa Hunyo 1-5, 2026 para sa paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa S.Y 2026-2027.

Sa temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€ sama-sama po nating linisin,ayusin at ihanda ang mga silid-aralan upang masiguro ang isang malinis ,ligtas at maayos na pagbubukas ng panibagong panuruan.

Ang inyong oras, tulong, at suporta ay mahalagang ambag sa pagtataguyod ng edukasyon para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

๐Ÿ“Tara na! Maging Bahagi, Magkaisa at MakiBrigada!!


Tara na at maghanda sa pagbabalik eskwela!
30/04/2026

Tara na at maghanda sa pagbabalik eskwela!

22/04/2026

๐Ÿ“ฃ SCHOOL ANNOUNCEMENT | SY 2026โ€“2027 ๐Ÿ“šโœจ

We are pleased to inform our dear learners, parents, and stakeholders of the important schedules for the upcoming School Year 2026โ€“2027:

๐Ÿ—“๏ธ May 4 โ€“ 29, 2026
๐Ÿ“Œ Oplan Balik Eskwela
Let us work together to ensure a smooth and successful opening of classes!

๐Ÿ—“๏ธ May 11 โ€“ 13, 2026
๐Ÿ“ Enrollment for All Grade Levels
Enroll early and be part of another year of meaningful learning!

๐Ÿ—“๏ธ June 1 โ€“ 5, 2026
๐Ÿงน Brigada Eskwela
Join us as we prepare our school for a safe and welcoming environment. Bayanihan para sa Paaralan!

๐Ÿ—“๏ธ June 8, 2026
๐ŸŽ’ Opening of Classes
We are excited to welcome our learners back to school!

๐Ÿ“ We encourage everyone to stay updated through our official page for further announcements.

Let us all work hand in hand for a productive and successful school year ahead! ๐Ÿ’™๐Ÿ“–

A momentous celebration of hard work and dedication ๐ŸŽ“Today marks our 16th Commencement Exercise a testament to the resil...
28/03/2026

A momentous celebration of hard work and dedication ๐ŸŽ“

Today marks our 16th Commencement Exercise a testament to the resilience, growth, and accomplishments of our graduates.

As you step into a new chapter, carry with you the lessons, values, and dreams that will guide you toward success.

Congratulations, Batch 2025-2026!๐Ÿ‘๐ŸŽ‰

A day full of smiles, pride, and little victories ๐ŸŽ‰Congratulations to our Kindergarten completers on your Moving Up Cere...
28/03/2026

A day full of smiles, pride, and little victories ๐ŸŽ‰

Congratulations to our Kindergarten completers on your Moving Up Ceremony! You have grown so much and learned so many wonderful things.

As you step into a new chapter, always remember you are capable of amazing things!

Congratulations!๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

Address

Purok 4, Sico
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Sico ES- Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category