Sangguniang Kabataan ng Barangay Sico

Sangguniang Kabataan ng Barangay Sico The Official page of the Sangguniang Kabataan ng Barangay Sico, Lipa City, Batangas

PAALALA SA LAHAT NG MGA KOPONAN:Alinsunod sa mga napagkasunduan ng mga koponan sa isinagawang Consultation and Solidarit...
15/06/2026

PAALALA SA LAHAT NG MGA KOPONAN:

Alinsunod sa mga napagkasunduan ng mga koponan sa isinagawang Consultation and Solidarity Meeting, ipinababatid sa lahat ng kalahok na koponan na maaari nang isumite ang kanilang Opisyal na Talaan ng mga Manlalaro (Official Team Line-Up Form) kalakip ang Team Photo Gallery na mayroon latest 2x2 picture ng bawat rehistradong manlalaro.

Maaaring isumite ang mga kinakailangang dokumento hanggang Hunyo 17, 2026 (Miyerkules), mula ika-8:30 ng umaga hanggang ika-4:30 ng hapon, sa 2nd Floor, Old Barangay Hall, Purok 4, Brgy. Sico, Lipa City.

Mahigpit na hinihikayat ang lahat ng koponan na makiisa at tumalima sa itinakdang araw ng pagsusumite upang matiyak ang maayos na beripikasyon at pagproseso ng mga kalahok para sa nalalapit na Sico Sportsfest 2026.

Entry Form
https://drive.google.com/file/d/1gRaU1yKZnp7rmmysxUARR0NuLDWJBN7d/view?usp=sharing

Team Photo Gallery
https://drive.google.com/file/d/1MitTUVlvLypcAcB4VtzR8bH01arkinjr/view?usp=sharing

Ang inyong pakikiisa at pagsunod sa mga itinakdang panuntunan ay mahalagang hakbang tungo sa isang matagumpay, maayos, at makabuluhang palarong pampamayanan.

ATTENTION, TEAM CAPTAINS, COACHES, AND TEAM MANAGERS!Bukas na ang ating Consultation and Solidarity Meeting para sa nala...
10/06/2026

ATTENTION, TEAM CAPTAINS, COACHES, AND TEAM MANAGERS!

Bukas na ang ating Consultation and Solidarity Meeting para sa nalalapit na Sico Sportsfest 2026!
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong koponan na magpadala ng hindi bababa sa isang (1) kinatawan mula sa kanilang hanay—maaaring Team Captain, Coach, o Team Manager—upang dumalo sa mahalagang pagpupulong.

Hunyo 11, 2026 (Huwebes)
5:00 PM
Barangay Hall Grounds

Sa pulong na ito tatalakayin ang mga mahahalagang alituntunin, iskedyul, mekaniks, at iba pang detalye na may kaugnayan sa Sico Sportsfest 2026. Mahalaga ang inyong pagdalo upang maging maayos, organisado, at matagumpay ang ating palaro.

Reaminder, at least one (1) representative per team.
(Captain Ball, Coach, o Team Manager)

Makiisa, makilahok, at maging bahagi ng mas pinalakas na samahan sa pamamagitan ng sports.

Matapos ang maraming aktibidad nitong nagdaang buwan ng Mayo, opisyal nang nagbabalik ang Barangay Sico Sportsfest 2026 ...
09/06/2026

Matapos ang maraming aktibidad nitong nagdaang buwan ng Mayo, opisyal nang nagbabalik ang Barangay Sico Sportsfest 2026 - Basketball League.

Alam naming marami ang nagtatanong kung kailan ito magsisimula, at sa wakas, narito na ang sagot. Nahuli man, ang mahalaga, handa na tayong muling buhayin ang diwa ng palakasan at pagkakaisa sa ating barangay.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga manlalaro at koponan na makiisa at maging bahagi ng isa na namang makasaysayang liga para sa ating barangay.

Mangyaring basahin at sundin ang mga nakasaad sa Official League Guidelines at Supplementary Rules and Regulations upang maging maayos ang takbo ng ating liga.

Official League Guidelines
https://drive.google.com/file/d/1sK_IcxY1wzlXlL5ZqUt5onRhPY-fdvxO/view?usp=drive_link

Supplementary Rules and Regulations
https://drive.google.com/file/d/1BAAEhav4SWwIC9QpbMljgImHpWszhDaW/view?usp=drive_link

Entry Form
https://drive.google.com/file/d/1gRaU1yKZnp7rmmysxUARR0NuLDWJBN7d/view?usp=drive_link

Player Information Sheet
https://drive.google.com/file/d/1QCDACJ43fp-IY1cSI4Ha_0unJ1SR6PNn/view?usp=drive_link

Waiver and Release Form
https://drive.google.com/file/d/19W96sabei3PpKG5uXAtDwy282c-8G-Vi/view?usp=drive_link

Team Photo Gallery
https://drive.google.com/file/d/1MitTUVlvLypcAcB4VtzR8bH01arkinjr/view?usp=drive_link

Oras na para maglaro. Oras na para lumaban. Oras na para sa Barangay Sico Sportsfest 2026!

30/05/2026

✨ Grand Santacruzan 2026 ✨
An afternoon filled with faith, beauty, and tradition. 🌸👑
The Grand Santacruzan 2026 of Barangay Sico brought our community together in a meaningful celebration of devotion and culture. Thank you to all the participants, organizers, and supporters who made this event a memorable success.
May we continue to cherish and preserve the traditions that strengthen our faith and unite our community.

30/05/2026

E- Sports
MLBB
Sico Vs Balintawak

SAGALA NG MGA DALAGA 2026Sa pagpapatuloy ng ating mayamang kultura at pananampalataya, muli nating masasaksihan ang isan...
30/05/2026

SAGALA NG MGA DALAGA 2026

Sa pagpapatuloy ng ating mayamang kultura at pananampalataya, muli nating masasaksihan ang isang makulay at makahulugang tradisyon ng ating barangay, ang Grand Santacruzan 2026.

Saksi ang bawat hakbang ng ating mga dalaga sa pagpapakita ng kagandahan, dangal, at debosyon na sumasalamin sa kasaysayan ng Santacruzan. Isang pagdiriwang na hindi lamang tampok ang kagandahan ng kasuotan, kundi pati na rin ang pagpapahalaga sa ating mga kaugalian at paniniwala bilang isang komunidad.

Mayo 30, 2026 | Sabado | 3:00 PM
Barangay Sico, Lipa City

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging bahagi ng espesyal na pagdiriwang na ito. Halina't tunghayan ang parada ng ating mga dalaga at sama-sama nating buhayin ang tradisyong minana pa sa ating mga ninuno.

Magkita-kita tayo mamaya, mga ka-barangay!

Kita-kits, mga ka-Barangay! HUEGO DE ANILLO 2026 | May 28, 2026
27/05/2026

Kita-kits, mga ka-Barangay!

HUEGO DE ANILLO 2026 | May 28, 2026

ISANG TRADISYUNAL NA LARO AT KULTURA ANG MULI NATING BUBUHAYIN NGAYONG DARATING NA TAPUSAN NG FLORES DE MAYO! ❤️Noon, ba...
24/05/2026

ISANG TRADISYUNAL NA LARO AT KULTURA ANG MULI NATING BUBUHAYIN NGAYONG DARATING NA TAPUSAN NG FLORES DE MAYO! ❤️

Noon, bago pa man tayo abutin ng makabagong panahon at teknolohiya, ang mga mamamayan ng baryo ay nagkakaisa sa mga simpleng laro at tradisyong nagbibigay saya tuwing pista at Flores de Mayo. Isa na rito ang “Huego De Anillo,” larong sumisimbolo hindi lamang ng aliwan, kundi ng pagkakabuklod, pananampalataya, at masayang samahan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngayong Flores de Mayo 2026, muli nating bubuhayin ang isang bahagi ng ating kasaysayan at kultura dito sa Barangay Sico. Sa panahon na unti-unti nang nalilimutan ang mga sinaunang tradisyon, sama-sama nating alalahanin at ipasa sa susunod na henerasyon ang mga kaugaliang minsang nagbigay kulay at pagkakaisa sa ating komunidad.

Halina at maki-sibat sa “Huego De Anillo” ngayong Mayo 28, 2026 | Huwebes | 7:30 AM sa Artemio Lobrin Street, Purok 4.

Magkita-kita tayo habang sabay nating ipinagdiriwang ang ating kultura, pananampalataya, at pagka-Pilipino!

14/05/2026

The stage was on fire tonight 🔥
Day 3 was unforgettable with 10 incredible dance groups giving their best performances.
Thank you for making it a wonderful night, and congratulations to all participants! 👏✨

IN PHOTOS: Barangay Sico Miss Gay Pangkalawakan 2026!Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ating Ms. Ga...
14/05/2026

IN PHOTOS: Barangay Sico Miss Gay Pangkalawakan 2026!

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ating Ms. Gay Pangkalawakan 2026!

Address

Barangay Sico
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Sico posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share