DA APCO - Batangas

DA  APCO - Batangas Q: Ano nga po ga ang ibig sabihin ng APCO? A: Agricultural Program Coordinating Office

WALLOWING Bago tayo mag simula. Mga ka-Agri, galing po ba kayo sa aming Facebook Account MyDay (May 14, 2026)? If yes, l...
14/05/2026

WALLOWING

Bago tayo mag simula. Mga ka-Agri, galing po ba kayo sa aming Facebook Account MyDay (May 14, 2026)? If yes, let us know po. Kung hindi, ayos lang.

WALLOWING di WALO ang WING..

Pamilyar po kaya kayo sa teknikong salitang ito? Ano nga po baa ng wallowing?

Ang behavior o ang aktong ito ay ang paraan ng mga kalabaw upang mapalamig ang temperature ng kanilang katawan sa panahon na naiinitan sila. Sa pamamagitan ng paglublob nito sa putik o tubig na kaya nitong pagtubugan.
Ayon sa pag-aaral ng ilang dalubhasa napag alaman nilang kokonting ang sweat glands ng mga kalabaw kumpara sa mga baka.

Sa kabilang banda kung ito ay laban sa init tuwing araw; ito naman ay proteksyon laban sa mga insekto tuwing gabi.

Nirerekuminda ng mga mansasaliksik na maglagay ng lubluban sa ilalim ng puno o sa malilom na lugar.

PAALAALA: WAG pong ilalagay sa ilalim ng puno ng buko. DELIKADO!

Reference:

Wallowing in Buffalo and summer management. Compiled By: Dr.Champak Bhakat,PS, ERS-NDRI, Kalyan. 3.Summer.Mgmt.Wallowing.Champak Bhakat.pdf. 2020. https://doi.org/10.35543/osf.io/juctz

Ipil-ipil o Leucaena leucocephalaSilungan sa tag-araw, sumasangga sa malalakas na hangin, nagbibigay buhay sa kapaligira...
13/05/2026

Ipil-ipil o Leucaena leucocephala

Silungan sa tag-araw, sumasangga sa malalakas na hangin, nagbibigay buhay sa kapaligiran. Ang mga dahon ng punong ito ay mataas ang crude protein o CP na syang basehan ng nutrisyon na nakukuha ng ating mga alagang hayop. Ayon kina A.D. Angelis 2021 ang mga punong ito ay nagmula sa pa sa Sentral Amerika ngunit nabubuhay sa mga maiinit na lugar tulad ng Pilipinas. Sinasabing may potential na lumaki at lumago ang mga punong ito mula lima hanggng dalawampung metrong taas. At namumunga ng “pods” na nag lalaman ng 15-30 binhi per pods.

Samantala ang nutrisyong taglay nito ay 23.3% Crude Protein at 19.9% Crude Fiber; ang mga ito ang teknikong salita ginagamit upang malaman ang level ng nutrisyon na maaaring makuha ng ating mga alagang hayop.

Kaya naman mg aka-Agri di lang sila basta puno at di lang nagbibigay lilom sa atin. Masustasya talagang tunay para sa mga alaga nating hayop.

Panandag impormasyon, ayon sa ibang may akda ang mga kahoy mula sa Ipil-ipil at matibay at maaaring gawing bakod o sangkap sa bahay tulad ng upuan at mesa.

De Angelis, A., Gasco, L., Parisi, G., & Danieli, P. P. (2021). A Multipurpose Leguminous Plant for the Mediterranean Countries: Leucaena leucocephala as an Alternative Protein Source: A Review. Animals, 11(8), 2230. https://doi.org/10.3390/ani11082230
Sethi, P., & Kulkarni, P. R. (1995). Leucaena leucocephala a nutrition profile. Food and Nutrition Bulletin, 16(3), 1–16. https://doi.org/10.1177/156482659501600307
https://www.feedipedia.org/node/282

DRIED TAWILISIsa ang tuyo sa mga pagkaing tradition o mga siauna tuwing umagahan. Malimit bumibili tayo sa bayan o palen...
12/05/2026

DRIED TAWILIS

Isa ang tuyo sa mga pagkaing tradition o mga siauna tuwing umagahan. Malimit bumibili tayo sa bayan o palengke minsan, sobrang alat, misan matabang, pero minsan may tama lang sa alat.. DI ka ga napapaisip ka-agri? What if? Gumawa na lang ako ng akin?

Di ga?

Tamang-tama tag init ngayon magandang magbilad at gumawa ng tuyo. Sa aming pagbabasa at paghahanap sa internet nakakita kami ng isang reference ng pag-gawa nito. Halika, samahan mo kaming aralin ang pagawa ng masarap at maalat na tuyo.

1.) Pumili, bumili, at hugasan ng mabuti ang tawilis at patikisin o patuluin ang excess na tubig.

2.) Mag handa ng 25% Brine solution [1:2 (Asin:Tubig)]. At ibabad ang mga ito nang dalawa hanggang tatlong oras para sa may sukat na lima (5) hanggang pitong (7) pulgada.

3.) Pagkatapos lumipas ng ilang oras muli patikisin o patuluin ang mga isda at hugasan ng malinis na tubig upang maalis ang natirang asin. At patikisin mula.

4.) Ihilera ang mga tawilis sa patuyuan at ibilad sa haring araw hanggang matuyo ng tama. Binabaliktad ang mga isda kada limang oras. Ayon sa may akda malalaman natin kung ayos ang pagkakabilad ng isda kung gagamitin natin ang daliri natin upang pindutin ang pinaka matigas na parte ng isda at di na babakat ang ating daliri dito.

5.) Konti na lang at pwede ng kainin. Pagkatapos ibilad palamigin ng anim na oras at ilagay ang mga pinatuyong tawilis sa isang lugar na lagpasan ang hangin na may bubong. Lagyan ng proteksyon laban sa insekto gamit ang nylon nets o screen mesh.

6.) Maaari nating isilid ang mga tuyo sa kahon o sa mga lalagyan na napili. Ngunit may recommendasyon ang mga may akda kung malakihang produksyon ang target mo.

7.) Itago at ilagay ang mga ito sa lugar na may temperaturang 28 to 30 C hanggang isang lingo o kaya ilagay sa malamig na taguan o kaya sa refrigerator a na may temperaturang 3 hanggng 5 C.

Bago matapos ang post na ito. Anong nasa isip mo sa title picture naming? 😂

Reference: Fishing Processing.ISSN 1656-6831.Livelihood Technology.Series 19.ITDI-DOST

# elninoseries

Ayon sa isang review article mula China napag-aalaman ng mga sayantipiko na ang micro at nanoplastic ay may epekto sa at...
11/05/2026

Ayon sa isang review article mula China napag-aalaman ng mga sayantipiko na ang micro at nanoplastic ay may epekto sa ating kalusugan.

Ano nga po ba ang mga mirco at nanoplastic? Ang mga ito ay ang maliliit na piraso ng mga plastic na nagmumula sa mga mas malalaking basura.

Ayon sa kanilang napag alaman kapag nakonsumo o nakain ang mga ito nagdudulot ito ng iba’t ibang komplikasyon tulad ng mga sumusunod:

1.) Abnormal na tibok ng puso
2.) Abnormal ng pagdaloy ng dugo
3.) Pagkalason sa puso
4.) Myocardial fibrosis o myocardial calcification (pagbabara ng calcium sa mga ugat)
5.) Thrombosis o mamumuo ng dugo sa ugat
At marami pang kumplikasyon

Ang mga nabanggit ay resulta ng pag-aaral sa iba’t ibang specimen ng mga dalubhasa..

Anong koneksyon sa agrikultura: Lingid sa ating kaalaman na kung madumi sa ating kapaligiran ay maaaring makonsumo ng mga alaga nating hayop at mga isda ang mga micro at nanoplastic na maaaring maipasa sa atin.

At nabanggit ng mga sayantipiko na kokonti pa lang ang pag-aaral nito sa mga tao.

✒️TMV

  mga ka-Agri
10/05/2026

mga ka-Agri

Ilang interbensyon para sa bayan ng Taysan, Batangas mula sa HVCDP Program.. Inasiste ni G. Ianjay Borbon tekniko mula s...
08/05/2026

Ilang interbensyon para sa bayan ng Taysan, Batangas mula sa HVCDP Program..

Inasiste ni G. Ianjay Borbon tekniko mula sa DA APCO Batangas

Salamat po sa pagbisita mga bayan ng Balayan at Calatagan sa amiing tanggapan. Makikita sa larawan sina G. Maneja, G. Ro...
08/05/2026

Salamat po sa pagbisita mga bayan ng Balayan at Calatagan sa amiing tanggapan.

Makikita sa larawan sina G. Maneja, G. Roma, APCO Michael, MA Alice, Ms. Francia, ____, ____, at G. Morris (kaliwa pa kanan)

Mangingisda at Magsasaka kayo po ang pag-asa ng bayan.
07/05/2026

Mangingisda at Magsasaka kayo po ang pag-asa ng bayan.

Isang pagbati sa mga mangingisda, mag aquaculture, magsasaka, at naghahayupan. Nang isang maligayang buwan ng magsasaka ...
05/05/2026

Isang pagbati sa mga mangingisda, mag aquaculture, magsasaka, at naghahayupan. Nang isang maligayang buwan ng magsasaka at mangingisda..

🌱 TMV

01/05/2026

Isang pagbati nang Maligayang Araw ng Mangagawa mga ka-Agri.

Nawa ngayong araw, makapagpahinga tayong lahat ng husto.

🖼️ Office Effort
🧩 TMV

Mga ka-Agri paunti-unti nararamdaman na natin ang epekto ng  . Kaya tayo'y maghanda sa maaari nitong epekto sa atin at  ...
30/04/2026

Mga ka-Agri paunti-unti nararamdaman na natin ang epekto ng . Kaya tayo'y maghanda sa maaari nitong epekto sa atin at .

✒TMV

Address

119 Tanco Drive, Marawouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437025951

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA APCO - Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA APCO - Batangas:

Share