Batangas Workers' Caucus

Batangas Workers' Caucus CAUCUS for Genuine Change, Social Justice and Workers Rights

WALANG TUNAY NA KALAYAAN HANGGA'T GINUGUTOM AT PINAHIHIRAPAN ANG MGA MANGGAGAWABWC: On the celebration of the false Phil...
12/06/2023

WALANG TUNAY NA KALAYAAN HANGGA'T GINUGUTOM AT PINAHIHIRAPAN ANG MGA MANGGAGAWA

BWC: On the celebration of the false Philippine independence and its toll on workers' wage for rights

Kung tunay ngang malaya na ang Pilipinas mula sa mga mananakop natin noon sa kasaysayan, bakit tila hindi tunay na naiba ang kalagayan nating mga manggagawa?

Noon, pinagpapasa-pasahan ang paggahasa ng mga dayuhan sa kasarinlan at kalikasan ng bansa natin. Niyurakan tayo ng mga Espanyol, ninakawan ng mga Hapon, at paulit-ulit na dinarambungan ng mga Amerikano.

Ngayon, nagpapatuloy ang panghihimasok ng mga dayuhan sa atin, at dumagdag pa nga sa larawan ang Tsina. Napakarami sa ating mga kababayang manggagawa ang hindi man nagiging aliping OFW sa ibayong dagat, nahuhulog naman sa paing sahod ng mga dayuhang korporasyon, habang nananakawan ang sarili nating bayan ng totoong pag-unlad. Patuloy pa ring hinihigop ang mga yaman natin; sumusulong ang ilang bansa, habang naiiwan tayong iga.

Sa kasaysayan, pinhihirapan tayo noon ng mga dayuhan, binabanat nang husto ang ating mga katawan at isipan, kapalit ng kakatiting na limos para lamang manatili tayong buhay at makapasok muli sa paggawa kinabukasan.

Ngayon, tumaas na nga marahil ang kinikita ng nakararami sa atin. Pero tumaas din ang presyo ng bilihin. Hindi ba't tila kakatiting na limos pa rin ang katumbas ng mga sahod natin kapag tayo'y namimili na? Pero ang mga dayuhan, tuluy-tuloy lamang sa pagkamal ng kita mula sa mga pinaghirapan natin.

May nabago na ba?

Noon, malupit na sinusupil ng mga dayuhan sa Pilipinas ang mga Pilipinong nagtatangkang lumaban. Agad na ipinahuhuli ang mga nagtatangkang kumalabban sa mga mananakop, at walang pakundangang pinapatay, minsan sa harapan pa man din ng kanilang mahal sa buhay, para magsilbing panakot sa iba pang makakaisip na gumaya.

Ngayon, wala na mga kaharian ng mga dayo, ngunit ang mga tauhan nila't impluwensya pa rin ang pumipiring, pumipilay, at pumapatay sa mga manggagawang nangangahas na baguhin at kalabanin ang kaawa-awang kalagayan natin sa paggawa.

Hindi ba't bulag, p**i, at bingi pa rin ang hustisya sa tinatamasa nating kawalang-laya?

Iyan ba ang kalayaan?

Hindi matatapos ang pakikilaban ng mga manggagawa hangga't ganitong kairalan ang ipinatutupad sa ating lipunan. Titidig tayo, ilang beses man nila tayong hagupitin at padapain. Titindig tayo.

Dahil sa atin ang kalayaan natin, at hindi sa sinumang dayuhan!


MALAYA NGA BA TAYONG TALAGA?

Ngayong araw, ika-12 ng Hunyo, 2023, inaalala ang ika-125 taon magmula nang mapaatras ang mga mananakop na Espanyol mula sa kapuluan natin, maputol ang 333 taon nilang paghahari-harian dito sa Pilipinas, at ideklara ng isang Emilio Aguinaldo ang Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ngunit ibig-sabihin ba nito'y malaya na nga tayo? Hindi na ba tayo muli pang nakapailalim sa kuko ng kung sinong dayo? Nalalasap na nga ba nating totoo ang tunay at pangmatagalang kalayaan, kaginhawaan, at katahimikan sa sarili nating bayan? O ang lahat ay isa lamang palabas?

Hindi ba't ipinagkanulo ni Aguinaldo ang pagiging makabayang pinuno ng Pilipinas, labag man sa kagustuhan ng mga tunay noong rebolusyonaryo, at nakipagkasundo siya sa mga Amerikano para siya'y makabalik sa Pilipinas, at sa gayo'y makaakyat muli sa kapangyarihan? Hindi ba't dito nagsimula ang mahaba na't nagpapatuloy sa kasalukuyan na linya ng mga pangu-pangulo ng Republika na tiklop ang tuhod sa Amerika kapalit ng mga pabuya at pabor mula sa imperyalista?

At anong nakukuha natin mula rito? Pang-aagaw sa rekurso't yaman natin. Pambabarat sa mga manggagawa natin. Pambabastos sa ating mga kababaihan. Panlalansi sa mga kabataan sa porma ng bulok na sistema ng edukasyon at kultura. Pagpapalayas sa mga maralitang kalunsuran at mga katutubo para sa pabor ng mga dayuhang negosyante. Mga korap, anti-mahirap, at pasistang mga batas. Mga sunud-sunurang pulitikong nakahalik sa paanan ng Amerika. Mga pulis at sundalong tauhan ng Malacañang sa kaniyang giyera-kontra-Pilipino. Militarisasyon sa kanayunan at walang habas na pamamaslang sa ilalim ng mga pekeng kampanyang 'pangkapayapaan.' Nagbabadyang pagsambulat ng napakamapanirang ikatlong pandaigdigang digmaan sa ating sariling bakuran, nang wala man lamang tayong kapasyahan. Nasaan sa mga nabanggit ang ipinagdiriwang nating 'kalayaan'?

Nasaan sa kasalukuyan nating kalagayan sa araw-araw ang totoong kalayaan?

Marahil, mas karapat-dapat pang ipagdiwang ngayong araw ang nagpapatuloy pang pakikibaka ng masang inaapi at pinagsasamantalahan para mailapit ang kanilang mga uri sa tunay na kalayaan. Marahil, mas kapugay-pugay pa ang bawat Pilipinong tumitindig at tumutuligsa sa kabulukan ng gubyerno't kasalukuyang lipunan. Marahil, mas katangi-tangi pa ang mga aktibista't lider-masa, ang bawat mabubuting anak ng ating Inang Bayan na naglalaan ng kanilang bahagi - kaalaman, kasanayan, panahon, o buhay pa man - para lamang maihatid na ang Pilipinas sa tunay, pangmatagalan, at dalisay niyang kasarinlan.

Marahil, mas dapat na ipagdiwang ngayong araw ang nagpapatuloy pang pakikibaka sa Pilipinas, na pilit itinatago ng mga ilehitimong gubyernong tulad ng kay Bongbong Marcos, at ubos-kayang pinupuksa ng imperyalistang US.

At hanggang sa makamit natin ang totoo, makatarungan, at makamasang kasarinlan, mananatiling ang bawat Hunyo 12 na daraan ay inulit-ulit lamang na mga 'Araw ng Huwad na Kalayaan.'


A DAY OF VICTORY FOR BATANGAS SUGARFOLKS Mainit na nakikiisa ang mga manggagawa ng Batangas sa pagkilala ng Sugarfolks' ...
29/05/2023

A DAY OF VICTORY FOR BATANGAS SUGARFOLKS

Mainit na nakikiisa ang mga manggagawa ng Batangas sa pagkilala ng Sugarfolks' Unity for Genuine Agricultural Reform - Batangas sa kanilang tagumpay ngayong araw sa gaganaping unang bugso ng pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng pataksil na pagsasara ng CADPI.

Maging paalala sana hindi lamang sa mga manggagawa sa asukarera at sa mga taniman ng tubó ng Batangas, kung hindi sa lahat ng naghahangad ng kaginhawaan mula sa buhay natin ngayon na malaki ang kaya nating mapagsumikapan lalo kung tayo'y magkakasama't nagkakaisa.

Makasama pa ng mga manggagawa ng Batangas ang SUGAR sa pangangampanya nating maisabatas na ang Php750.00 across-the-board mininum wage hike. Malaki at magandang pagbabago rin ang ihahatid nito sa ating mga manggagawa sa asukarera at sa mga bukirin ng tubuhan.




STAND WITH NESTLE-WYETH WORKERS!:Matibay na Pakikiisa nb BWC sa Laban ng WPPWU para sa Trabaho at Karapatan sa Pag-Uunyo...
21/05/2023

STAND WITH NESTLE-WYETH WORKERS!:
Matibay na Pakikiisa nb BWC sa Laban ng WPPWU para sa Trabaho at Karapatan sa Pag-Uunyon

Nakikiisa ang Batangas Workers' Caucus sa mga manggagawang unyonista ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU, kasama rin ng Kilusang Mayo Uno at ng lahat ng mga taga-suporta ng laban na ito, sa pagkundena at pagpapanagot sa Wyeth Nutrition Philippines matapos ang kanilang walang pakundangang pagtatanggal ng mga trabahador nitong ika-18 ng Mayo, sa kanilang pagawaan sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa WPPWU, biglaan na lamang hindi pinapasok ang mga manggagawa sa Wyeth Nurtition - Canlubang Factory matapos na mag-anunsyo ang management na sibak na pala sa trabaho ang nasa mahigit sa 140 nilang manggagawa - kabilang na ang pangulo at 9 na iba pang upisyales ng unyon, 1 manager, 14 na mga supervisor, at 115 na mga rank-and-file na trabahador dahil anya sa 'redundancy' ng kanilang katayuan.

Iligal at 'di makatarungan ang isinagawang tanggalang ito dahil hindi sinunod ng management ang collective bargaining agreement (CBA) na napalanunan na noong nakaraang taon lamang ng unyon, partikular pa nga sa probisyon ng regularisasyon sa trabaho at paggalang sa karapatan sa pakikipagdiyalogo ng mga kasapi ng unyon. Bago pa man ang tanggalan, naging usap-usapan na pala ang balita na magkakaroon ng sibakan, na agad inaksyunan ng WPPWU; ngunit nabingi-bingihan lamang ang management sa hiling ng unyon na idaan sa dayalogo ang usapin. Nitong 2021 ay iligal ring tinanggal ang 21 manggagawa ng Warehouse at Quality Divisions ng Wyeth para raw 'palitiin ang lugi' ng kumpanya; isang kasinungalingan na paborito nang gamitin ng Nestlé para makapagbalat-kayo ang kanilang pagkagahaman sa tubo.

Malaking salik din ang patuloy na panghihigpit at mga kaso ng harassment na dinaranas ng unyon at ng mga kasapi nito mula pa man noon, dahil matagal nang idinidiing madurog ang unyon ng kumpanya at, sa kasamaang-palad, maging ng mga tauhan at ahensya ng estado. Pinakatampok pa rin marahil ang masaker na dinanas ni Diosdado Fortuna, pinaslang na pangulo noon ng Nestlé Workers' Union habang sila'y may strike hinggil sa kanilang retirement pay noong 2005.

Sa ilalim ng pagpapagana ng Nestlé SA, ang Wyeth Nutrition ang isa sa pinakamalaking prodyuser ng mga timplahing gatas para sa mga bata't sanggol, gaya ng ng Promil, Promil Gold, at Mamapro.

Labanan at pahintuin na ang lahat ng iligal at 'di makatarungang paglabag sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa ng Wyeth Philippines, at ng lahat ng mga manggagawa sa bansa!

Papanagutin ang mga kumpanyang tulad ng Nestlé na 'di lamang patuloy na gumigipit sa mga unyonista, kumakaisa pa sa mga tauhan ng gubyerno na nagbabanta sa seguridad at buhay ng mga unyonista't manggagawa!

Patuloy na iabante at palawakin ang mga pakikibakang manggagawa sa Timog-Katagalugan, at sa buong bansa!





TULOY ANG PAKIKIISA AT PANAWAGAN PARA SA NAKABUBUHAY NA PASAHOD!BWC: On Batangas workers' firm solidarity with all measu...
15/05/2023

TULOY ANG PAKIKIISA AT PANAWAGAN PARA SA NAKABUBUHAY NA PASAHOD!

BWC: On Batangas workers' firm solidarity with all measures to uphold working force's decent living wage implementation.

Sa gitna ng papaliit lamang na halaga ng ating sinasahod sa araw-araw na pagtatrabaho dahil sa tinatawag na 'implasyon,' o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na hindi nasasabayan ng paglaki ng kinikita ng taumbayan, lalo't matapos ang resesyon at pagbulusok ng ekonomya dahil sa pandemyang COVID-19, lalong napakahalaga ang matibay nating pakikiisa sa lahat ng panawagan at pagsusumikap ng mga mambabatas na maisulong ang dagdag-sahod para sa ating mga manggagawa.

Sa katunayan, hindi tayo nahihiwalay o nag-iisa sa mga panawagan ng pagtataas-sahod para sa ating hanay!

Kasalukuyang inilalaban ng KOALISYONG MAKABAYAN sa Kongreso ang dalawang batas - ang House Bill 7568 at ang House Bill 4898 - na parehong naglalayong mailapit man lamang ang mga manggagawa sa tunay na nakabubuhay na sahod na dapat sana nilang nakukuha.

Gayundin, sa Senado naman, maging ang upisina ni Senator Migz Zubiri ay nakatanaw na maipaapruba sa mga kapwa-senador niya ang panukalang Senate Bill 2002 na naglalayon ding makapagtaas ng suweldo para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Bagaman malayo pa ang halagang isinusulong ng mga panukalang ito mula sa tunay na kinakailangan natin ngayon para mabuhay kasama ng ating mga pamilya, buo pa rin ang ating pagsuporta sa anumang mga katulad pang panukala para sa ikagaganda ng ating kinikitang pasahod.


Pinakamataas na pagsaludo sa mga manggagawang ina ng ating lalawigan!Patuloy ang ating pakikilaban para sa disente't nak...
14/05/2023

Pinakamataas na pagsaludo sa mga manggagawang ina ng ating lalawigan!

Patuloy ang ating pakikilaban para sa disente't nakabubuhay na sahod para sa bawat manggagawa, maging at lalo ang para sa ating mga kasamang kababaihan!

In photos: Commemoration of International Day of Workers held in Crossing, Calamba, Laguna. Workers call for PHP 750 wag...
02/05/2023

In photos: Commemoration of International Day of Workers held in Crossing, Calamba, Laguna.

Workers call for PHP 750 wage hike, right to union, and justice for slain unionists.



PAKIKIISA NG MGA MANGGAGAWA NG BATANGAS SA GINANAP NA PAGDIRIWANG NG PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA MANGGAGAWA, MATAGUMPAY AT...
01/05/2023

PAKIKIISA NG MGA MANGGAGAWA NG BATANGAS SA GINANAP NA PAGDIRIWANG NG PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA MANGGAGAWA, MATAGUMPAY AT MAKASAYSAYAN

BWC: On the militant representation of Batangas workers in the victoriously concluded in Calamba City, Laguna

Pinakamataas na pagkilala ang alay natin sa tagumpay ng mga manggagawang Batangueño, at sa iba pang progresibong grupo ng lalawigan, sa pagdugsong natin sa naging pagdiriwang ng Rehiyong CALABARZON sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa na binigyang-kulay at -buhay ngayong araw sa Lungsod ng Calamba, Laguna! Marami man tayong kinaharap na mga hamon at kakulangan, nagawa pa rin nating muling makapagtipon at maitambol ang ating mga panawagan para sa disentong trabaho, nakabubuhay na sahod, at kagalingan nating mga manggagawa at maging ng iba pa nating kapwa.

Makasaysayan ang pagbabalik ng mga aktibista, lalo ng mga manggagawa, sa 'Calamba Crossing,' kung tawagin na ng mga lokal. Matagal nang nakatatak sa kasaysayan ng kilusang manggagawa Matapos ang ilang taong pagkakatigil sa mga ganitong malalakihang pagkilos buhat ng paghihigpit ng estado, ng pag-atake sa mga militanteng hanay ng mgsang anakpawis, at ng pangingialam ng mga naghaharing uri sa karapatan ng mga manggagawa mag unyon.

Hindi nagpatinag ang mga masa na nakikibaka para sa sapat na sahod, trabaho, at karapatan sa kabila ng kaliwa't kanang subok ng estado supilin ang pagkilos ng mamamayan. Isang malaking tagumpay na nagtipon at nagpakita ng lakas ang iba't ibang sektor at lalo na ang mga manggagawa sa timog katagalugan.

Ang sigaw ng mga manggagawang Batangueño ay bigyan ng karagdagang sahod o PHP 750 wage increase across-the-board at hayaang magbuo ng unyon para sa patas na collective bargaining agreement sa mga kinabibilangang kumpanya. Nanawagan ang sambayang Batangueño na pataasin ang sahod para ito'y maging nakabubuhay sa pag-sirit ng mga presyo sa merkado.

Simula lamang ang pagkilos ngayong Mayo uno at magtutuluy-tuloy pa ang alab ng kilusang manggagawa. Mabuhay ang mga manggagawa!



WORKERS, UNITE! FIGHT FOR OUR DECENT AND JUST LIVING WAGE!Sa unang pagkakataon, ilulunsad natin ang Mayo Uno - ang Panda...
01/05/2023

WORKERS, UNITE! FIGHT FOR OUR DECENT AND JUST LIVING WAGE!

Sa unang pagkakataon, ilulunsad natin ang Mayo Uno - ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa - sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa araw na ito, kumilos tayo para kalampagin ang tengang-kawali sa palasyo. Iparamdam at ipakita natin ang pagkakaisa para IPAGLABAN ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD!

Address

Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batangas Workers' Caucus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batangas Workers' Caucus:

Share