01/10/2025
‼️ PAK CHECK MULA SA Department of Social Welfare and Development - DSWD ‼️
⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️
Walang katotohanan ang kumakalat na Messenger survey na nagsasabing nagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Typhoon Relief Subsidy kapalit ng pagsagot sa survey form o questionnaire.
❌ Hindi nagbibigay ng Typhoon Relief Subsidy ang DSWD sa pamamagitan ng ganitong survey.
❌ Isa itong SCAM na maaaring magdulot ng panganib sa inyong personal na impormasyon.
Maging mapanuri at huwag basta-basta magtiwala sa mga kahina-hinalang link, survey, o mensahe.
Kung makakatanggap ng ganitong uri ng post o mensahe, i-report agad at huwag mag-click ng anumang link.
Para sa tamang impormasyon at lehitimong anunsyo, bisitahin lamang ang opisyal na page ng DSWD: o ang website na www.dswd.gov.ph.
Sama-sama nating labanan ang maling impormasyon.
Sa DSWD, Bawal ang Fake News!
❤️
PAK CHECK Palawan