03/06/2026
๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ค๐-๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฉ๐
๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐, ๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang Ika-20 Regular na Sesyon ng Ika-15 Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Lipa sa pamumuno ni Presiding Officer at City Vice Mayor Michael Gerard T. Morada. Ang sesyong ito ay hindi lamang isang pormal na pagtitipon, kundi isang makabuluhang pagkakataon upang pag-isahin ang boses at layunin ng mga halal na opisyal para sa kapakanan ng bawat Lipeรฑo.
Sa bahagi ng Malayang Pananalita, naging masigla at makabuluhan ang palitan ng mga pananaw ng mga kagalang-galang na miyembro ng Sanggunian. Naipahayag ang mahahalagang usapin, suhestiyon, at adbokasiya na sumasalamin sa tunay na tinig ng komunidad:
๐๐ ๐ . ๐๐ข๐ฅ๐จ ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ง โ Binigyang pansin ng ating Konsehal ang ginawang Public Parking Building ng De La Salle at iminungkahi niya na mapalipat ang entrance nito sa parte ng Arzobispado Street upang hindi ito maging sagabal sa trapik lalo pa at nalalapit na ang pasukan. Nabanggit din niya ang hinihinging awtoridad ng ating Mayor na gawing Annex ng Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa ang Old Lipa City Hall Building at nasabi pa din niya na gusto din niyang maging isang Unibersidad o Pamantasan ang nasabing kolehiyo.
๐๐ ๐ . ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ โ ipinarating naman ng ating butihing Konsehal ang sumbong na nangyayaring nakawan sa ating Public Market at iminungkahi niyang mabigyang pansin at ito ng Committee on Peace and Order ng ating Sanggunian.
๐๐ ๐ . ๐๐ฒ๐๐ข๐จ ๐๐จ๐ฉ๐๐ณ โ Bilang paghahanda sa panahon ng tag ulan, binigyang pansin naman ng ating Konsehal ang kahandaan ng ating mga drainage systems upang maiwasan ang mga pagbaha na nangyari sa mga lugar ng Fiesta Mall ng Barangay Marawoy, sa parte ng Limcoma ng Barangay Sabang at intersection malapit sa Robinsonโs Place ng Barangay Mataas na Lupa. Nanawagan siya sa tanggapan ng ng DPWH at ng City Engineering Office na magsagawa ng mga agarang inspeksyon sa mga drainage system, at nais niyang maimbitahan sila sa susunod na sesyon.
๐๐ ๐ . ๐๐ข๐ค๐๐ ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข โ nagbigay naman ng update sa ginagawang regular declogging operations sa bawat barangay.
๐๐ ๐ . ๐๐ฉ๐ฒ๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐จ โNaglatag naman ang ating konsehala ng isang panukalang ordinansa na may titulong โORDINANCE REQUIRING THE RECOGNITION OF HEALTH CARE PROXIES IN ALL HEALTH FACILITIES WITHIN THE CITY OF LIPAโ gaya ng ipinatutupad ng Quezon City na โRight to Care Programโ na nagbibigay ng karapatang mag desisyon tuwing may emergencies na pangkalusugan, ang mga kasama sa buhay ng hindi lamang mga miyembro ng LGBT Community, pati na rin ng mga solo parents at mga nagiisa na sa buhay.
Nagpahayag din ang ating konsehala ng kanyang pagkatuwa sa ating mga kandidato at kandidata ng Mr. at Ms. Tourism sa kanilang pagbibigay pansin at paglalapat ng musika upang mapromote ang turismo ng ating lungsod. Hiniling din niya na madagdagan ang pondo ng ating Tourism Office na pinangalwahan naman ng ating butihing konsehala Venice Manalo. Sinang-ayunan din ito ni Konsehal Merlo Silva at nagmungkahi na magkaroon ng patimpalak ng songwriting para sa Lipeno sa pagkakatha ng awit na pang turismo na magbibigay pagkakilanlan sa mga mamamayan ng Lipa.
๐๐ ๐ . ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ ๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐ โ iminungkahi naman ng ating konsehal na maamyendahan ang ating Special Ordinance 471-2024, partikular ang probisyon na patungkol sa pagbibigay ng Special Use Permit sa mga cellsite towers, na maisama ang mga โtransmitter polesโ.
Naglahad din ang ating konsehal ng isang panukala ng pagkakaroon ng ordinansa na may titulong โOrdinance establishing the City Water Resource Protection and Groundwater Regulation Program, Requiring Local Clearance and Environmental Complianceโ patungkol sa mga natatanggap nating mga sulat galing sa National Water Resources Board.
Nabanggit din ng ating konsehal ang pagkakaroon ng School of Law sa ating Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa upang magkaroon ang ating lungsod ng tulong o ayuda para sa ating mga Kabataan na nangangarap na maging abogado.
๐๐ ๐ . ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ข๐ง๐ โ binigyang pansin ang pangangailangan na magkaroon ng mga signages at humps sa ating bypass road laloโt higit sa mga lugar na malapit sa Medix, Fiesta Mall Junction, Marawoy-Balintawak road upang maiwasan ang maaring mangyaring aksidente sa mga motorista sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, kabilang ang mga sumusunod sa mga ipinasang ordinansa at resolusyon ng Sanggunian na tunay na magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng lungsod:
1. ORDINANCE ESTABLISHING THE LIPA CITY HOME FOR THE AGED AND DEVELOPMENT CENTER
2. ORDINANCE APPROVING THE TRANSFER OF THE SEAT OF GOVERNMENT OF THE CITY OF LIPA, PROVINCE OF BATANGAS, PHILIPPINES, FROM ITS CURRENT LOCATION IN BARANGAY MARAWOY, LIPA CITY, BATANGAS, TO THE CITY OF LIPA DONATED LOTS LOCATED AT BARANGAY BULACNIN, LIPA CITY, BATANGAS, FOR THE SAID PURPOSE PURSUANT TO SECTION 11 OF THE LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991
3. ORDINANCE OFFICIALLY NAMING THE NEW CITY HALL OF THE CITY GOVERNMENT OF LIPA IN BARANGAY BULACNIN AND THE BUILDINGS AND FACILITIES THEREIN, ESTABLISHING ITS OFFICIAL ADDRESS, DESIGNATING THE OFFICIAL NAME OF THE FORMER CITY HALL, AND FOR OTHER PURPOSES
4. RESOLUTION URGING THE DEPARTMENT OF THE PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH), THE LIPA CITY ENGINEERING OFFICE, AND OTHER CONCERNED OFFICES OF THE CITY GOVERNMENT TO CONDUCT AN IMMEDIATE INSPECTION, CLEANING, MAINTENANCE, AND REHABILITATION OF DRAINAGE SYSTEMS IN ALL BARANGAYS OF LIPA CITY TO MITIGATE FLOODING AND ENSURE PUBLIC SAFETY IN PREPARATION FOR THE RAINY SEASON
5. RESOLUTION REQUESTING THE DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) TO INSTALL APPROPRIATE TRAFFIC SIGNAGES AND CONSTRUCT SPEED HUMPS AT THE JUNCTION OF THE BATANGAS-MANILA BYPASS ROAD
Sa kabuuan, ang sesyon ay sumasalamin sa isang pamahalaang nagkakaisa sa layunin, matatag sa pananagutan, at puspusan sa paglilingkod. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, integridad sa pamamahala, at makabuluhang pagpapasya, patuloy na hinuhubog ang Lungsod ng Lipa tungo sa isang mas progresibo, matatag, at inklusibong kinabukasan para sa lahat.