01/06/2026
Division Kick Off ng Brigada Eskwela 2026, Matagumpay!
Pormal nang sinimulan ngayong araw ang Division Kick-Off ng Brigada Eskwela 2026 sa San Celestino Integrated National High School.
Dinaluhan ito nina Hon. Mayor Eric B. Africa, kinatawan mula sa tanggapan ni Hon. Cong. Ryan Christian Recto, Sangguniang Barangay ng San Celestino, Division Federated SPTA, at mga opisyal ng SDO Lipa sa pangunguna nina SDS Homer N. Mendoza, ASDS Ronald V. Ramilo, SGOD Chief Dr. Minerva Caraos, CID Chief Dr. Lorna R. Medrano, at AO V Leah Marie Monica K. Lumbres, kasama ang mga Unit Heads, Public Schools District Supervisors, Education Program Supervisors, School Heads, SGOD Personnel, mga magulang, mag-aaral, at ibaβt ibang Brigada Partners.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Eric B. Africa ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga programang tulad ng Brigada Eskwela. Ipinahayag din niya na bubuo ang LGU Lipa ng mga team na magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng comfort rooms upang matiyak na maayos at gumagana ang mga ito. Bukod dito, tiniyak din niya ang patuloy na pagsuporta sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng electric fans at armchairs upang maging mas ligtas, maayos, at conducive sa pagkatuto ang bawat silid-aralan ngayong Balik-Eskwela.
Samantala, hinikayat naman ni SDS Homer N. Mendoza ang bawat isa na patuloy na suportahan ang Brigada Eskwela β isang natatanging programa ng Pilipinas na nagpapakita ng bayanihan at sama-samang pagkilos para sa edukasyon.
Nagpahayag din ng suporta ang ibaβt ibang Brigada Partners tulad ng BDO, Legazpi Savings Bank, Chinabank Savings Inc, CitySavings, Abenson, Creamline, Vita Plus, PhilHealth at Metro Lipa na nagbigay ng libreng check-up para sa mga g**o, magulang, at mag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay isang inisyatibo ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong matiyak na ligtas, maayos, at handa ang lahat ng paaralan para sa pagbubukas ng klase. Magpapatuloy ito hanggang Biyernes.
Tara na at makiisa, maki-Brigada na!
://SDOLipaCityPublicAffairsTeam