PNP CIDG RFU 1 Pangasinan Provincial Field Unit

PNP CIDG RFU 1 Pangasinan Provincial Field Unit We seek the truth

06/05/2026

Strategic Communication Snapshot re Mentoring 3.0:
The PNP reaffirm the steadfast commitment to safeguarding the health, safety, and overall well-being of its personnel through the implementation of Mentoring 3.0


06/05/2026

Strategic Communication Snapshot re Mentoring 3.0

Mentoring 3.0 serves as psychosocial support initiative designed to strengthen morale through intentional leadership engagement.

Regional Mobile Force Battalion 9
Rmfb Proix

06/05/2026

Strategic Communication Snapshot re Mentoring 3.0
Mentoring 3.0 integrates leadership engagement, mentorship, and support systems into a unified psychosocial initiative aimed at improving morale and organizational cohesion.

04/05/2026

SAY NO TO PRIVATE ARMED GROUPS!

Ang inyong Polangui Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL EDGAR E AZOTEA, COP, ay kaisa sa layunin ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) at Sanglahi Bravo na sugpuin ang operasyon ng mga armadong grupo sa ating komunidad.

Naniniwala kami na ang tunay na seguridad ay hindi nakukuha sa dahas, kundi sa pagkakaisa at pagsunod sa batas. Ang pagkakaroon ng mga ilegal na armadong grupo ay hadlang sa ating minimithing kapayapaan at pag-unlad.

Paano kayo makakatulong?

Suportahan ang programa para sa disbandment ng mga private armed groups.

I-report ang sinumang nakikilalang miyembro ng mga grupong ito sa ating himpilan.

Magkaisa para sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Polangui.

Ang inyong impormasyon ay ituturing na kompidensyal. Sama-sama nating protektahan ang ating kinabukasan!

"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"





04/05/2026

SANGLAHI BRAVO Infographics - Support NTF DPAGS (National Task Force for the Disbandment of Private Armed Group)


04/05/2026

NO TO PRIVATE ARMED GROUP
SUPPORT TASK FORCE SANGLAHI BRAVO




23/01/2026

PNP NANAWAGAN SA PAGKAKAISA PARA WAKASAN ANG KARAHASAN SA KABABAIHAN

Buong puso ang pakikiisa ng Philippine National Police (PNP) sa taunang 18-Day Campaign to End Violence Against Women mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.
Ang kampanyang ito, na pinangungunahan ng Philippine Commission on Women (PCW) at sinuportahan ng Inter-Agency Council on Violence Against Women and Their Children (IACVAWC), ay muling nagpapakita ng matibay na pangako ng PNP sa pangangalaga sa dignidad, karapatan, at kaligtasan ng bawat kababaihan.

Binigyang-diin ni Acting Chief PNP, PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang kampanya ay nakaangkla sa pangunahing mandato ng PNP na magsilbi at magprotekta. Ayon sa kanya, ang karahasan laban sa kababaihan ay hindi lamang usaping kriminal, kundi isang seryosong isyung pangkarapatang pantao na nakaugat sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian.

“As public servants sworn to uphold justice and safeguard communities,” aniya, “we must intensify our efforts to prevent violence, support survivors, and hold perpetrators accountable.”

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinatitibay ng PNP ang mga istratehiya nito upang mas maging epektibo at may malasakit ang pagtugon sa gender-based violence. Patuloy na nangunguna ang Women and Children Protection Center (WCPC) sa pagbibigay ng trauma-informed assistance sa mga biktima, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at social welfare offices, at pagpapatupad ng mas madaling ma-access at survivor-centered na reporting at referral mechanisms.

“Buong puso pong nakikibahagi ang PNP sa bawat Pilipino upang masigurong mas ligtas ang ating mga kalsada, tahanan, at mga institusyon para sa kababaihan at mga batang babae,” ani PLTGEN Nartatez.

Ayon sa ulat ng WCPC, may kabuuang 6,883 insidente ang naitala mula Agosto 26 hanggang Nobyembre 25, 2025. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262) ang may pinakamataas na bilang ng kaso na umabot sa 2,144, sinundan ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act (RA 7610) na may 1,658 kaso.

Mula sa kabuuang bilang, 6,614 kaso (96.09%) ang cleared, habang 3,974 kaso (57.72%) ang solved. Mayroon namang 269 kaso (3.9%) na patuloy pang iniimbestigahan.

Upang higit pang mapalakas ang pagtugon nito, pinag-iibayo ng PNP ang mga preventive measures tulad ng pagsasanay sa gender sensitivity, bystander intervention, at victim-centered investigation; pagpapatupad ng community-policing initiatives upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa mga anyo at epekto ng karahasan laban sa kababaihan; at pagpapalawak ng mga adbokasiya para sa proteksiyon, empowerment, at suporta sa kababaihan at kabataan.

Ang hakbanging ito ay kaayon ng whole-of-nation approach ng kampanya na nananawagan ng pagkilos mula sa bawat indibidwal, komunidad, at institusyon.
Sinang-ayunan ni PNP Spokesperson at Chief PIO, PBGen Randulf T. Tuaño, ang mensahe ng hepe at hinimok ang publiko na makiisa sa pagkondena sa anumang uri ng gender-based violence.

Aniya, “Ang pagtatapos ng karahasan laban sa kababaihan ay hindi lamang tungkulin ng pulisya — ito ay responsibilidad nating lahat. We call on every Filipino to raise their voice, to intervene safely when they witness abuse, and to support survivors in seeking justice. Let this 18‑day observance be more than a symbolic act — let it be the spark for lasting change.”

Ipinapakita ng pakikilahok ng PNP sa kampanyang ito ang pangako ng organisasyon sa propesyonalismo, integridad, at pananagutan. Layunin ng PNP na higit pang paghusayin ang pagtugon sa karahasan laban sa kababaihan at palakasin ang koordinasyon nito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, civil society groups, at lokal na komunidad.

Ang layunin ay hindi lamang makibahagi sa 18-day campaign, kundi ipagpatuloy ito sa buong taon — dahil ang pagtatapos ng karahasan laban sa kababaihan ay dapat ginagawa araw-araw, hindi lamang tuwing Disyembre.

23/01/2026

BASAHIN: RA 9262 o VAWC (VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN)

“Together, let’s create a community where women and children feel safe and heard.”






23/01/2026

Address

Camp Gov. Antonio U. Sison, Libsong West, Lingayen, Pangasinan
Lingayen
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP CIDG RFU 1 Pangasinan Provincial Field Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share