29/10/2022
PRAYER FOR PROTECTION FROM THE TYPHOON PAENG.๐๐๐
Amang Makapangyarihan!
Nilikha Mo at nilagyan ng kaayusan
Ang mundong walang hugis sa simula.
Nang ang mga alagad ng Iyong Anak
Ay naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea,
Inutusan Niyang huminto ito.
Ang unos ay tumalima at ang mga alagad ay napanatag.
Ngayong kami'y nahaharap sa bagyong si โPAENGโ
Dasal nami'y ipagsanggalang kami
sa hagupit ng unos at pinsalang dulot ng bagyo,
Bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban
at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan
At kapayapaan sa pamamagitan ni Jesukristo,
kasama ng Espiritu Santo,
Magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita mo na ang iyong pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.
Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.San Antonio De Padua, Ipanalangin mo kami.