16/07/2024
ANNOUNCEMENT!!!
First School PTA General Meeting and Orientation
**Petsa at Oras: Biyernes, Hulyo 19, 2024, 9:00 AM
**Lugar: Tumbar ES Covered Court
Magandang araw po sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga! Inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa unang pangkalahatang pulong at oryentasyon para sa taong panuruan 2024-2025.
Ang pulong na ito ay mahalaga dahil ito po ang magiging daan upang malaman natin ang mga plano, programa, at mga patakaran ng paaralan para sa kasalukuyang taon. Magkakaroon din po tayo ng pagkakataong makilala ang ating mga g**o at iba pang kawani ng paaralan, pati na rin ang iba pang mga magulang. Makatutulong ito sa atin upang masig**o na ang ating mga anak ay magkakaroon ng maayos at matagumpay na karanasan sa kanilang pag-aaral.
Kitakits po tayo! 😊😁