03/09/2026
πππππππππππππππ, πππππ ππππππ π
πππππππ! π΅ππ
Taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Limay kay Stacy Agatha Fonacier, 15 taong gulang mula sa Barangay Duale, Limay, Bataan, sa kanyang matagumpay na paglahok sa International Karate Championship β 6th Yogyakarta Open Tournament na ginanap sa Yogyakarta, Indonesia noong Agosto 27β30, 2026.
Nakamit ni Stacy ang Gold Medal at Silver Medal, isang kahanga-hangang tagumpay na nagpapakita ng kanyang husay, disiplina, tiyaga, at dedikasyon sa larangan ng karate. Siya rin ay Palarong Pambansa athlete, patuloy niyang pinatutunayan ang husay ng kabataang Limayan sa larangan ng palakasan.
Ang kanyang husay sa larangan ng karate ay nasa patnubay ng kaniyang Coach Sensei Jonas Ragenil, sa kanyang paggabay at suporta kay Stacy sa kanyang paglalakbay bilang atleta.
πΆππππππ‘π’πππ‘ππππ , ππ‘πππ¦! πΌπππππππππππππ ππ ππ ππ’πππ ππππβππππππ π΅ππ¦ππ ππ πΏππππ¦!