29/01/2026
Isang paalala muli mga Ka-Lamoan’s!
Tayo po ay sumunod upang mapanatili ang kaayusan ng ating pamayanan
𝐂𝐔𝐑𝐅𝐄𝐖 𝐇𝐎𝐔𝐑𝐒 | 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 🚨🚔
𝑬𝑫𝑨𝑫: 5 TO 17 YEARS OLD
𝑶𝑹𝑨𝑺 𝑵𝑮 𝑪𝑼𝑹𝑭𝑬𝑾 : 10:00 PM TO 5:00 AM
𝑷𝑨𝑴𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵𝑮 𝑶𝑹𝑫𝑰𝑵𝑨𝑵𝑺𝑨 𝑩𝑳𝑮. 2025-441
𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝐾𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛:
-Dapat ay nasa bahay sa pagitan ng 10:00 PM hanggang 5:00 AM. Layunin nito ang panatilihin silang ligtas at protektado sa oras ng gabi.
𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐔𝐒𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀
𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍:
a) Unang Paglabag:
Babala at dokumentasyon, maaaring ipatawag ang mga magulang o
tagapag-alaga.
b) Ikalawang Paglabag:
Pagdalo sa counseling o mga seminar
sa ilalim ng Municipal Social Welfare
and Development Office (MSWDO).
c) Ikatlong Paglabag:
Pagpasa sa MSWDO para sa nararapat
sa ilalim ng R.A.9344 hawak ng ka*o.
d) Paulit-ulit na Paglabag:
Para sa mga CICL (Children in Conflict with the Law) o mga menor de edad na
nakagawa ng paglabag, maaaring humiling ng mosyon upang ilagay ang bata sa isang Youth Care Facility o sumailalim sa Center-Based Intervention sa pamamagitan ng
opisina ng taga-usig.
𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐔𝐒𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 / 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀
𝑼𝒏𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂
Multa na P100.00
𝑰𝒌𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂
Multa na P500.00
𝑰𝒌𝒂𝒕𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂
Multa na P1,000.00
Ito ay ginagawa ng Pamahalaang Bayan ng Limay, katuwang ang ating kapulisan at ang LSU, upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng ating kabataan sa loob ng komunidad.
Sama-sama nating panatilihin ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat, at gabayan ang ating mga kabataan sa kanilang tamang pag-unlad.