03/06/2026
๐ ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐๐ถ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฎ๐น ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ-๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฑ๐น๐ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ด๐ป๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป
Ligao City proudly celebrates its successful attainment of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) for CY 2025, a recognition of the Cityโs unwavering commitment to promoting and protecting the rights and welfare of every child.
This achievement reflects the collective efforts of the City Government, partner agencies, stakeholders, and the community in fostering a safe, nurturing, and child-friendly environment where every young Ligaoeรฑo can grow, thrive, and reach their full potential.
๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐, ๐๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฒ, ๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐-๐๐ซ๐ข๐๐ง๐๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐
(Legazpi City, June 3, 2026) Nakamit ng tatlong lungsod at 14 na bayan sa Albay ang Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) matapos pumasa sa CY 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA).
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol, sa kabuuang 68 LGUs na nakapasa sa buong rehiyong Bicol, malaking bahagi nito ay mula sa Albay.
Para sa component cities, kinabibilangan ito ng Tabaco, Legazpi, at Ligao.
Habang ang 14 na bayan sa lalawigan ay kinabibilangan ng Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Libon, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran, Polangui, Sto. Domingo, at Tiwi.
Ang pagkilalang ito ay nakabatay sa ipinamalas na serbisyo nitong taong 2024, ay naglalayong gawaran ang mga lokal na pamahalaan ng prestihiyosong SCFLG award, kung saan ipinakita ng mga naturang lokal na pamahalaan ang kanilang matatag na paninindigan sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata sa kaligtasan, pag-unlad, proteksyon, at partisipasyon.
Inihayag din ng DILG Bicol na ang tagumpay na ito ay testamento ng walang sawang dedikasyon ng bawat lokal na pamahalaan sa pagprotekta sa mga karapatan ng bawat batang Bicolano.
Dagdag pa rito, layunin ng CFLGA na sukatin ang mga programa ng gobyerno na nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan, kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at mga batas na naglalayong wakasan ang karahasan laban sa mga bata.
Sa pagkilalang ito, inaasahang mas lalo pang pagtitibayin ng Albay ang kanilang mga hakbang upang maging mas ligtas, inklusibo, at "child-friendly" ang bawat komunidad sa lalawigan.
DRaquion, Albay PIO