02/11/2025
๐๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ!
Noong Oktubre 26, 2025, alas-10 ng gabi, ginanap ang kauna-unahang Inter-Color Basketball Championship Game sa Barangay Tiongson, Ligao City. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga mahahalagang personalidad at aktibong mga residente ng komunidad.
Sa isang makakapigil-hiningang laban, nagtagisan ng galing ang dalawang koponan: ang Team Brown at Team Red. Matapos ang isang buong dalawang buwan na bakbakan sa court, itinanghal na kampeon ang Team Brown matapos nilang makamit ang iskor na 89-79 laban sa Team Red.
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tiongson ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal at grupo na nagbigay ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang palarong ito. Kabilang sa mga pinapasalamatan ay ang mga opisyal ng Barangay at mga staff na walang sawang sumuporta sa nasabing aktibidad. Lalong
Ang tagumpay ng Inter-Color Basketball Championship Game ay patunay ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng mga residente ng Barangay Tiongson partikular sa mga kabataan. Inaasahan na ang ganitong mga aktibidad ay magpapatuloy upang mas lalo pang mapalakas ang samahan ng mga kabataan sa komunidad.
Nagpasalamat din ang SK Council sa WILJHA Construction Services para sa Half Court Shooting prize na nagkakahalaga ng 1500. Maraming sa lahat na sumuporta, nakisaya at mga nanuod ๐๐
Manatiling nakatutok para sa mga karagdagang updates, lalo na sa ating Awarding Ceremony๐!