18/09/2026
๐ ๐ฃ ๐๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ถ๐บ, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐ต๐ฎ ๐ป๐ด 29,058 ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ 1๐๐ ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐; ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ
Nakakuha si Mansor B. Ebrahim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng kabuuang 29,058 boto bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Special Geographic Area (SGA) sa kauna-unahang halalan para sa BARMM Parliament noong Setyembre 14, 2026.
Batay sa datos, lamang si Ebrahim ng 11,672 boto sa katunggaling si Malang, na nakakuha ng 17,386 boto sa apat na munisipyong sakop ng distrito.
Sa Pahamuddin nagmula ang pinakamalaking bahagi ng boto ni Ebrahim, kung saan nakakuha siya ng 10,866 boto laban sa 3,964 ni Malang. Pumangalawa ang Tugunan na may 9,802 boto kontra 3,382. Pinagsama, umabot sa 20,668 boto ang ambag ng dalawang munisipyo, o mahigit 71 porsiyento ng kanyang kabuuang boto.
Pinakamataas na boto sa iisang barangay ang naitala sa Lagunde, Tugunan, kung saan nakakuha si Ebrahim ng 2,335 boto habang 198 lamang ang kay Malang. Sumunod ang Manaulanan (1,872), Balacayon sa Pahamuddin (1,653), Pamalian (1,523), at Buricain sa Pahamuddin (1,443). Malaki rin ang agwat sa Lower Pangangkalan, Pahamuddin, kung saan 812 ang boto ni Ebrahim laban sa 12 lamang ni Malang.
Nanalo rin si Ebrahim sa Kadayangan, bagama't dikit ang laban: 4,758 boto laban sa 4,490. Sa Nabalawag naman, si Malang ang nanguna na may 5,550 boto kontra 3,632 ni Ebrahim.
Sa Tugunan, pinakamababa ang boto ni Ebrahim sa Barangay Macasendeg, na may 185 boto laban sa 252 ni Malang. Ito rin ang barangay na may pinakakaunting kabuuang boto ng dalawang kandidato sa buong distrito, na umabot lamang sa 437.
Kasabay ng paglabas ng resulta, nagpasalamat ang kampo ni Ebrahim sa mga botante sa mensaheng "Maraming Salamat, Bangsamoro."