Councilor Osita “Osie” Vergara

Councilor Osita “Osie” Vergara Onwards to Progress and Victory
OPV2025

note: this page is being managed by admins

1ST MULTI-DISCIPLINARY CASE CONFERENCEIsinagawa sa Bayan ng Lian ang kauna-unahang Multi-Disciplinary Team (MDT) Case Co...
20/04/2026

1ST MULTI-DISCIPLINARY CASE CONFERENCE

Isinagawa sa Bayan ng Lian ang kauna-unahang Multi-Disciplinary Team (MDT) Case Conference na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya at katuwang na institusyon upang palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa pagtugon sa mga kaso ng mga pamilyang nangangailangan ng interbensyon.

Dinaluhan ito nina Hon. Councilor Osita “Osie” Vergara, kasama sina MGDHs Maila T. Baral (MSWDO) at Gerard Majello Dalisay, MD (MHO), PCMS VAWC Desk Officer Sherryl Capadosa, kinatawan mula sa DepEd, mga 4Ps Municipal Links, gayundin sina Batangas POO SWO III Mary Joy Magmanlac at SWO II Joy Grace W. Bagui-Eyo.

Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, higit na napagtibay ang sama-samang pagkilos ng bawat ahensya sa pagbibigay ng maagap, maayos, at komprehensibong serbisyo para sa kapakanan ng bawat pamilyang Lianin. Sama-sama para sa mas ligtas at mas maunlad na komunidad! 💙

𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦𝗘𝗗! 💚Opisyal na iniendorso ng Tanggapan ng 4Ps sa Bayan ng Lian sa Sangguniang Bayan ang panukalang ordinansa na n...
14/04/2026

𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦𝗘𝗗! 💚

Opisyal na iniendorso ng Tanggapan ng 4Ps sa Bayan ng Lian sa Sangguniang Bayan ang panukalang ordinansa na naglalayong isama ang mga Municipal Link ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lahat ng lokal na konseho at mga espesyal na katawan na may kaugnayan sa serbisyong panlipunan.

Lubos naman itong tinanggap at sinuportahan ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗢𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗣. 𝗩𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝗮, 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, na siyang magsisilbing sponsor ng nasabing ordinansa. Ipinapakita nito ang kanyang pagkilala sa mahalagang papel ng 4Ps sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilyang benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas mapapalakas ang ugnayan, koordinasyon, at partisipasyon ng 4Ps sa mga lokal na proseso ng pagpaplano at pagdedesisyon—para sa mas inklusibo at epektibong paghahatid ng serbisyo sa ating komunidad.

Lubos ang pasasalamat sa Lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joseph Vergara Peji II, sa lahat ng SB members at sa suporta ng masigasig na MSWDO Maila T. Baral sa patuloy na pagtangkilik at suporta sa programa ng 4Ps. 🎉

PUBLIC ADVISORY | MUNICIPALITY OF LIANAlinsunod sa idineklarang State of National Energy Emergency at sa mga direktiba n...
06/04/2026

PUBLIC ADVISORY | MUNICIPALITY OF LIAN

Alinsunod sa idineklarang State of National Energy Emergency at sa mga direktiba ng Department of Energy (DOE) at Department of the Interior and Local Government (DILG), naglabas ng Executive Order si Hon. Mayor Joseph V. Peji upang paigtingin ang pagtitipid sa enerhiya at matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa ating bayan.

Bilang bahagi nito, pansamantalang isinasantabi ang mga aktibidad na ginagastusan ng pamahalaan upang maituon ang pondo at resources sa mas mahahalagang pangangailangan ng komunidad.

Basahin ang posters para sa kumpletong detalye kung ano ang saklaw ng Executive Order at mga alituntunin nito.

Makikiisa po tayo sa sama-samang pagtitipid ng enerhiya para sa kapakanan ng lahat.

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, nagdeklara ang Malacañang ng State of National Energy Emergency upang ma...
06/04/2026

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, nagdeklara ang Malacañang ng State of National Energy Emergency upang maagapan ang posibleng kakulangan sa supply ng langis at enerhiya sa bansa.

Ang mga dokumento sa larawan ay tumutukoy sa dalawang mahalagang kautusan ng pamahalaan:

• Executive Order No. 110 (mula sa Malacañang)
• DILG Memorandum Circular No. 2026-023

Layunin nitong tugunan ang posibleng krisis sa supply ng enerhiya (lalo na langis) dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.

BAKIT MAY ENERGY EMERGENCY?

Pangunahing Dahilan:
• May lumalalang sigalot sa Middle East (kabilang ang US, Israel, at Iran)
• Nanganganib ang suplay ng langis sa buong mundo
• Posibleng pagsasara ng Strait of Hormuz - pangunahing daanan ng oil shipments

Nagdudulot ito ng:
• Pagtaas ng presyo ng langis
• Kakulangan sa supply
• Pagbagal ng supply chain

Epekto sa Pilipinas:
• Umaasa ang bansa sa angkat na langis
• Kapag naapektuhan ang global supply:
- Tataas ang presyo ng gasolina at diesel
- Maaapektuhan ang transportasyon, pagkain, at industriya
• Posibleng magkaroon ng kakulangan sa enerhiya

ANO ANG IDINEKLARA NG PAMAHALAAN?

• State of National Energy Emergency

Ibig sabihin:
• may seryosong banta sa supply ng enerhiya
• Pinapayagan ang gobyerno na:
- Magpatupad ng fuel allocation
- Magpatupad ng energy conservation measures
- I-prioritize ang paggamit ng enerhiya sa mahahalagang sektor

ANO ANG GAGAWIN NG MGA LGU?

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular, hinihikayat ang lahat ng LGUs na magpatupad ng energy conservation protocols.

Mga Dapat Gawin:
1. Palakasin ang Energy Management
• Ipatupad ang Government Energy Management Program (GEMP)
2. Tipid Kuryente sa mga Opisina
• Itakda sa 24°C ang aircon
• I-activate ang sleep mode ng computers

Patayin ang:
• Ilaw
• Kagamitan kapag hindi ginagamit
• Lalo na tuwing lunch break at pagkatapos ng opisina

3. Gamitin ang Virtual Meetings
• Online meetings muna hangga’t maaari
• Physical meetings lamang kung:
- Kailangan sa batas
- Kritikal sa operasyon

ANO ANG DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO?
• Posibleng tumaas ang presyo ng langis at bilihin
• Inaasahan ang pagtitipid sa kuryente at enerhiya
• Maaaring magkaroon ng adjustments sa serbisyo at operasyon ng gobyerno

Ang mga hakbang na ito ay para:
• maiwasan ang mas malalang krisis
• masigurong may sapat na supply ng enerhiya

PAALALA SA MAMAMAYAN
Sa panahon ng ganitong sitwasyon, mahalaga ang pakikiisa:
• Magtipid sa kuryente sa bahay
• Iwasan ang aksayang paggamit ng gasolina
• Suportahan ang mga hakbang ng pamahalaan

Ang pamahalaan ay kumikilos na upang harapin ang banta ng kakulangan sa enerhiya dulot ng pandaigdigang krisis.

Sa pamamagitan ng energy conservation at maagang paghahanda, layunin nitong maprotektahan ang ekonomiya at kapakanan ng bawat Pilipino.

Narito ang mga larawan ng highlights mula sa National Women’s Month 2026 sa Lian. Ang selebrasyon na may temang "We for ...
26/03/2026

Narito ang mga larawan ng highlights mula sa National Women’s Month 2026 sa Lian. Ang selebrasyon na may temang "We for Gender Equality and Inclusive Society" ay ginanap ngayong araw, March 26, 2026 sa Malaruhatan Country Club.

Isang araw na puno ng inspirasyon at saya, empowering performances, at fun activities. Sama-sama ang kababaihang BHW, Brgy. Councilors, maybahay ng mga Brgy. Captains, Integrated Lian Alliance for Women (ILAW) members, at MSWDO sa pagdiriwang ng kababaihan at inklusibong lipunan!

1/2

2/2

29/01/2026

Inaanyayahan ang lahat ng Lianeño at mga kaibigan ng bayan ng Lian na makiisa sa pagdiriwang ng Ika-81 Araw ng Kalayaan at ng Ika-111 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Lian.

Sa January 31, samahan ninyo kami sa mga inihandang programa sa umaga at gabi bilang paggunita sa ating kasaysayan, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad bilang isang bayan.

Isang araw ng alaala, pasasalamat, at pagdiriwang para sa ating minamahal na Lian.

20/01/2026
Happy New Year sa ating lahat!🎉🫶🏻From: Osita Vergara and Family❤️
31/12/2025

Happy New Year sa ating lahat!🎉🫶🏻

From: Osita Vergara and Family❤️

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat! 🎄✨
24/12/2025

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat! 🎄✨

23/12/2025

🖥️ Towards a Smarter Lian: LGU Develops Its Own Digital Planning Platform

Patuloy na pinapalakas ng Pamahalaang Bayan ng Lian ang pag-gamit ng makabagong teknolohiya upang gawing mas efficient at mas maayos ang pamamahala. Sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) Office, nakatakdang ilunsad ang isang web-based system na gagamitin ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng kanilang taunang plano ng mga proyekto, programa, at aktibidad na popondohan at ipatutupad ng munisipyo.

Ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU ng Lian na i-digitize ang mga internal na proseso na isang direksyong isinusulong ng administrasyon ni Hon. Mayor Joseph V. Peji upang higit na mapahusay ang pagpaplano at pagdedesisyon sa lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, mas nagiging organisado ang datos, mas napapabilis ang koordinasyon ng mga opisina, at mas nagiging malinaw ang ugnayan ng mga plano sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad.

Isa itong mahalagang hakbang na nagpapakita ng kahandaan ng bayan na yakapin ang inobasyon bilang susi sa mas maunlad at mas matalinong pamamahala.

UPDATE: Important Pre-Registration ReminderPara sa mga magpaparegister o magpapalista, magdala po ng photocopy ng valid ...
06/12/2025

UPDATE: Important Pre-Registration Reminder

Para sa mga magpaparegister o magpapalista, magdala po ng photocopy ng valid government ID na may tatlong (3) pirma ng aplikante.

Para naman sa ipalilista n’yo na ibang tao, puwede po ito basta may dala rin kayong photocopy ng valid government ID nila na may tatlong (3) pirma nila.

Paalala:
Hindi po kami tumatanggap ng palista dito sa Facebook.

Kailangan po personal na pumunta sa mga pre-registration venues na nakalagay sa kalakip na photo, kumpleto po doon ang date, time, at venue per barangay.

Lianeños! Handog ng ERPAT Lian Federation at Let’s Care World Foundation ang PRE-REGISTRATION para sa nalalapit na FREE Medical & Dental Mission!

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon!

UPDATE * UPDATE * UPDATE *

____________________

Lianeños, handog ng ERPAT Lian Federation at Let’s Care World Foundation ang PRE-REGISTRATION para sa nalalapit na FREE MEDICAL & DENTAL MISSION!

Sa pakikipagtulungan nina Hon. Mayor Joseph V. Peji, Hon. Vice Mayor Iniño V. Bolompo, Hon. Coun. Ernie H. Cabahog, Hon. Coun. Osita P. Vegara, Hon. BM Dra. Ana Rosales Santos, at mga katuwang na botika: JGR Pharmacy, Magahis Pharmacy, Jamell Drug Store, at Rojoa’s Pharmacy.

Para sa nalalapit na libreng serbisyong medikal at dental, pre-registration o palista muna ang isinasagawa sa inyong lugar. Pakitignan ang poster para sa kumpletong petsa, oras, at venue ng pre-registration malapit sa inyo.

Available Services:
• General medical check-ups and consultations
• Dental services (linis, bunot, pasta) + libreng gamot
• Free cataract surgery
• Legal consultations
• Bone alignment therapy
• Inguinal hernia repair
• Surgery para sa “bingot”
• Acupuncture
• Free reading glasses
• Blood sugar testing
• Complete Blood Count (CBC) with Platelet Count
• Urinalysis
• F***lysis
• Sputum Microscopy
• F***l Occult Blood Test (FOBIT)
• Pap Smear (para sa kababaihan)
• Lipid Profile
• Fasting Blood Sugar (FBS)
• Oral Glucose Tolerance Test (OGTT)
• Electrocardiogram (ECG)
• Chest X-Ray
• Creatinine
• Hemoglobin Test (HbA1c)

Magpalista na ang mga interesado upang masigurong maisama sa beneficiaries ng libreng serbisyo.

Kita-kits mga taga-Lian!

Address

Lian
4216

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Osita “Osie” Vergara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category