29/08/2025
Lianeños!
It’s Friday! Alam n’yo na kung anong ibig sabihin nito - PHILHEALTH DAY!
Ngayong araw, mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM, nandito ang PhilHealth Team sa 2nd Floor, New Conference Room ng Lian Municipal Hall para sagutin ang inyong pangangailangan (maliban lang sa bayad ng kontribusyon).
Narito ang mga serbisyong pwede ninyong asahan:
• Registration – Para sa mga nais magpa-member.
• Updating – Para sa corrections o pagbabago sa record.
• PhilHealth ID at MDR request and issuance – Kailangan bilang proof of membership.
• Iba pang PhilHealth concerns – Lahat maliban sa pagbabayad ng kontribusyon.
Hindi na kailangang bumiyahe pa sa malalayong tanggapan, narito na mismo sa ating bayan!
Eksklusibo lamang sa mga taga Lian.
Salamat sa malasakit ng ating Lian LGU sa pamumuno ni Hon. Mayor Joseph V. Peji, katuwang ang PhilHealth, na patuloy na nagdadala ng serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya.
Tandaan: Basta Friday, PhilHealth Day sa Lian!
---------------
PAANO MAG-APPLY SA PHILHEALTH DITO SA LIAN, BATANGAS
Narito ang mga paalala para sa ating mga Lianeños na nais maging miyembro ng PhilHealth o mag-update ng kanilang records:
• Sino ang maaaring mag-apply? (Qualifications)
Empleyado – awtomatikong sakop at inaasikaso ng employer.
Self-employed / Magsasaka / Mangingisda / Driver / Vendor / Propesyunal – puwedeng magbayad ng sariling kontribusyon.
OFWs – puwedeng mag-apply bago umalis o habang nasa abroad.
Senior Citizens (60 pataas) – libre, basta’t hindi pa miyembro sa ibang kategorya.
Indigents o walang kakayahang magbayad – dumadaan sa assessment ng DSWD o LGU.
• Ano ang mga requirements?
1. PhilHealth Member Registration Form (PMRF) – available sa ating PhilHealth station.
2. Dalawang (2) valid IDs o PSA Birth Certificate (photocopy).
3. Para sa indigents – Certificate of Financial Incapability mula sa Municipal Social Welfare and Development Office.
4. Para sa senior citizens – Senior Citizen ID o iba pang valid ID.
• PhilHealth ID at MDR (Member Data Record)
Pagkatapos ma-encode ang inyong aplikasyon, kayo ay bibigyan ng PhilHealth ID card at MDR.
Ang ID at MDR ay kailangang dalhin kapag gagamit ng PhilHealth benefits sa ospital o health facility.
• Para sa Updating o Pagbabago ng Record
Kung magpapalit ng apelyido (hal. kasal), address, contact number, o magdadagdag ng dependents:
1. Kumuha at sagutan ang PMRF (for updating).
2. Dalhin ang mga kaukulang dokumento (Marriage Contract, Birth Certificate ng dependents, valid ID).
3. I-submit sa ating PhilHealth station sa Munisipyo ng Lian.