29/05/2025
๐๐ ๐๐๐๐ฉ, ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐ข ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ญ๐
(Legazpi City, May 29, 2025) Iminungkahi ni Provincial Administrator Dr. Cedric D. Daep ang Provincial Organic Vegetable Experiment Station (POVES) sa Buang, Tabaco City upang maging learning site ng mga magsasaka at mag-aaral.
Ito ay upang magkaroon ng demonstration farm hinggil sa mga agricultural practices na pwedeng matutunan ng mga estudyante at mga researchers.
Ayon kay Daep, maganda ang lupa sa nasabing barangay dahil may natural itong pataba kung kaya't mainam itong pag-aralan ng mga estudyanteng kumukuha ng kurso na may kaugnayan sa agrikultura, at pagnenegosyo na mula sa Bicol University Guinobatan Campus at Bicol University College of Business, Economics and Management (BU CBEM).
โThis area is suitable to educate farmers and student coming in for their studies, dahil yaon digdi ang natural work for agriculture, we can demonstrate the kind of practice that we are cultivating, so that they can learn from us,โ paliwanag ni Daep.
Kaugnay nito, binanggit din ng opisyal na magandang supplemental educational support ang mga paraan na ginagamit ng mga magsasaka sa nasabing lugar.
Ang naturang mungkahi ay bahagi lamang ng mga estratehiya ng lalawigan upang mapaunlad pa ang sektor ng sakahan sa Albay.
EDumlao, Albay PIO