24/06/2026
3rd Place | Youth’s Choice Advocacy Contest - Short Film
"HUWAD NA GINHAWA"
Ang pelikulang ito ay isang madamdaming pagsilip sa buhay nina Angel, Stephen, at Adrian—tatlong kabataang naligaw ang landas sa paghahanap ng pansamantalang ginhawa sa droga. Sa likod ng kanilang mga ngiti sa paaralan at tahanan ay ang mga lihim na laban — ang bigat ng papel at mataas na ekspektasyon sa pag-aaral, ang kawalan ng atensyon mula sa magulang, at ang huwad na saya na hatid ng masasamang impluwensya.
Masasaksihan ang unti-unting paglamon ng bisyo sa kanilang pagkatao hanggang sa hindi na nila makilala ang kanilang mga sarili. Ngunit sa huli, matutunghayan ang kanilang pagbangon na magsisimula sa isang matapang na desisyon — ang piliin ang tunay na kalayaan, tanggapin ang tulong ng mga tunay na kaibigan at pamilya, at muling buoin ang sarili mula sa pagkakaanod sa dilim.