11/09/2026
May bagong tahanan na para sa mas marami pang pangarap sa Rawis Integrated School.
Pormal nang nai-turn over ang bagong 2-storey, 8-classroom school building na magbibigay ng mas maaliwalas, mas komportable, at mas angkop na learning environment para sa mga mag-aaral at g**o ng paaralan.
Nakiisa si Ako Bicol Party-List Representative Atty. Alfredo A. Garbin, Jr. sa turnover kasama ang school administration, teaching at non-teaching personnel, at iba pang katuwang ng Rawis Integrated School.
Sa likod ng bawat bagong silid-aralan ay mga estudyanteng mas makakapag-focus sa pag-aaral, mga g**ong mas maayos na makakapagturo, at mga pamilyang mas kampanteng ipinagkakatiwala ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa paaralan.
Ganito natin gustong makita ang pag-unlad, ramdam sa loob ng classroom at may direktang epekto sa araw-araw na buhay ng mga kabataang Bicolano.
Kasurog ninyo ang Ako Bicol Party-List sa patuloy na pagsusulong ng mga proyektong nagbibigay ng mas magandang kondisyon para sa pag-aaral at mas maraming pagkakataon para sa kabataan.