21/10/2026
📢 PAALALA SA PUBLIKO
Magpapatupad ang COMELEC Main at Field Offices ng Work From Home (WFH) arrangement tuwing Lunes, mula Nobyembre 9, 2026 hanggang Marso 29, 2027.
Sa mga nasabing Lunes, HINDI AVAILABLE ang:
• Pagproseso at pag-isyu ng Voter Certification
• Onsite Voter Registration
Mangyaring planuhin ang inyong pagpunta sa tanggapan upang maiwasan ang abala.
Batayan: COMELEC Minute Resolution No. 26-0881, na may petsang Oktubre 7, 2026.
❗𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐭𝐨 𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤-𝐅𝐫𝐨𝐦-𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟕
Ang Commission on Elections (COMELEC) ay magpapatupad ng Work-From-Home (WFH) arrangement TUWING LUNES mula November 9, 2026 hanggang March 29, 2027, bilang suporta sa direktiba ng pamahalaan sa pagtitipid ng enerhiya.
Sa loob ng panahong ito, tuwing Lunes, ay walang onsite o pisikal na pasok sa lahat ng tanggapan ng COMELEC sa buong bansa at ang mga sumusunod na serbisyong pampubliko ay HINDI AVAILABLE:
👉 Processing at Issuance ng Voter Certification
👉 Onsite Overseas Voter Registration
Planuhin nang maaga ang inyong pagpunta sa COMELEC offices at antabayanan ang mga anunsyo o updates sa opisyal na social media channels ng COMELEC.
Reference: COMELEC Minute Resolution No. 26-0881 dated 7 October 2026.