06/09/2026
๐ฆ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Batay sa datos hanggang Setyembre 2, 2026 (Morbidity Week 1โ35), nakapagtala ang Albay ng 1,457 na naitalang kaso ng dengue at 11 naiulat na pagkamatay. Ito ay katumbas ng 27.37% na pagtaas ng mga kaso kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay isang malinaw na panawagan para sa mas pinaigting, tuloy-tuloy, at sama-samang pagkilos upang maiwasan ang karagdagang pagkakasakit at pagkawala ng buhay.
Nagsisimula ang pag-iwas sa dengue sa ating mga tahanan at dapat itong ipagpatuloy at palakasin sa ating mga barangay at komunidad.
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐โ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฌ:
๐ป๐๐๐ โข ๐ป๐๐๐๐ โข ๐ป๐๐๐ โข ๐ป๐๐๐๐
Regular na suriin ang paligid ng tahanan, paaralan, lugar ng trabaho, at komunidad. Itapon, patuyuin, takpan, o baligtarin ang mga lalagyan at iba pang bagay na maaaring pamugaran at pamahayan ng lamok.
๐ฆ ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐.
๐ค ๐๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐๐ญ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐.
Ang pagpigil sa dengue ay pananagutan ng bawat isa. Mahalaga ang aktibong pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan, barangay, mga health worker, paaralan, pamilya, at buong komunidad upang mapalakas ang mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue.
Huwag nating hintaying magkaroon pa ng panibagong kaso o mawalan ng panibagong buhay bago kumilos. Ang bawat lugar na ating nililinis at bawat pinamumugaran ng lamok na ating inaalis ay isang hakbang tungo sa pagpigil sa dengue at pagliligtas ng buhay.
๐ SAMA-SAMA SA PAGKILOS. MATATAG SA LABAN SA DENGUE.
๐บ๐จ๐ด๐จ-๐บ๐จ๐ด๐จ ๐ต๐จ๐ป๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ฎ๐จ๐พ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ซ๐ฌ๐ต๐ฎ๐ผ๐ฌ-๐ญ๐น๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ต๐ฎ ๐จ๐ณ๐ฉ๐จ๐!