06/06/2026
𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 | Tayo ay nasa ikalimang na episode na ng programang Housing Rights with HSAC sa Radyo Pilipinas World Service!
Ngayong Sabado, ika-6 ng Hunyo, LIVE nating makakasama sina Ms. Lowella C. Viray, Information Technology Officer III ng Information and Communications Technology Division ng HSAC at si Atty. Rinna Rose G. Cardona-Balais, Attorney IV ng Regional Adjudication Branch No. 8
Sa unang bahagi ng programa, aalamin natin kung ano-ano ang mga hakbang na ginagawa ng HSAC para sa kanilang Digital Transformation.
Sa ikalawang bahagi naman ay ating babalikan ang isang kaso na may kinalaman sa suspension of payment. Ano ang matututunan natin sa kasong ito at ano ba ang habol ng isang miyembro kapag naharap sila sa ganitong sitwasyon?
Samantala, 𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 ang bago nating makakasama sa paghahatid ng serbisyo-publiko at impormasyon, kaya tutok na sa programang Housing Rights with HSAC, ngayong Sabado, alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, dito lang sa Radyo Pilipinas World Service!