Sangguniang Kabataan Poblacion III -Lebak

Sangguniang Kabataan Poblacion III -Lebak Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan Poblacion III -Lebak, Government Organization, Poblacion III, Lebak.

Basketbolistang Tres! Wala nang rason para tamarin mag-practice. Ready na ang bagong ring! Laro na! ⛹️‍♂️💨 Paalala: Huwa...
08/04/2026

Basketbolistang Tres! Wala nang rason para tamarin mag-practice. Ready na ang bagong ring! Laro na! ⛹️‍♂️💨

Paalala: Huwag lamang po kabitan ang net para hindi po madaling masira ang ating Ring.

07/04/2026

Post lang kami if ready na po ang SK Forms for Application ng Cash Incentives🫶🫶

🎓 ATTENTION YOUTH OF BARANGAY POBLACION III ! 🎉The Sangguniang Kabataan is proud to recognize and reward academic excell...
07/04/2026

🎓 ATTENTION YOUTH OF BARANGAY POBLACION III ! 🎉
The Sangguniang Kabataan is proud to recognize and reward academic excellence!
Your hard work, dedication, and perseverance have truly paid off. You are an inspiration to the youth and a source of pride for our barangay! 💙
As a token of recognition, the Sangguniang Kabataan is proud to award cash incentives to celebrate your achievements and encourage continued excellence. 💸✨

We are now accepting applications for CASH INCENTIVES for:
🏅 LATIN HONOR GRADUATES
• Summa Cum Laude
• Magna Cum Laude
• Cum Laude
🏆 BOARD EXAM TOPNOTCHERS (Top 1–10)
Recognized by the Professional Regulation Commission

📌 REQUIREMENTS:
✅ For Latin Honor Graduates:
• Photocopy of Diploma or Certificate of Graduation
• Proof of Latin Honor (TOR or Certification)
• Valid ID (with Barangay address)
✅ For Board Exam Topnotchers:
• PRC Certificate of Rating
• Proof of Topnotcher Ranking
• Valid ID (with Barangay address)
✅ Additional Requirements (All Applicants):
• Barangay Certificate of Residency (Poblacion III)
• Voter’s Certificate (Poblacion III)
• Accomplished Application Form (available at SK Office)

📅 DEADLINE OF SUBMISSION: To be Announced �📍 Submit at: SK Office, Barangay Poblacion III, Lebak, Sultan Kudarat

Note: This is effective starting SY 2025-2026 and will continue for the succeeding school years.

✨ Don’t miss this opportunity to be recognized for your hard work and dedication!
For inquiries, message our page or visit the SK Office.

Aprubado na ang SK Annual Budget—para sa mas aktibo, mas inklusibo, at mas progresibong kabataan!Kudos to all SK Council...
10/02/2026

Aprubado na ang SK Annual Budget—para sa mas aktibo, mas inklusibo, at mas progresibong kabataan!
Kudos to all SK Council headed by SK Chair Kristine Erika T. Manalo.

P**a, Pinaluhod ng mga Puti, 80-72‎‎‎     Nagsimula ang kanilang tagisan ng lakas at galing nang ipakita ng bawat kopona...
28/12/2025

P**a, Pinaluhod ng mga Puti, 80-72


‎ Nagsimula ang kanilang tagisan ng lakas at galing nang ipakita ng bawat koponan ang kanilang husay sa Inter-Color Basketball Tournament inline with Linggo ng Kabataan 2025 ngayong araw (December 28) na ginanap sa Poblacion III Lebak, Sultan Kudarat. Pinaiyak ng Team White ang Team Red sa Championship game ng makamit ng Team White ang kampyonato sa iskor na 80-72.


‎ Sa unang yugto ng laban, umarangkada agad si Ryan Pineda para sa Team White na nakapagtala ng 10 puntos, agad namang bumawi sina Lyle Panoso at SD Pakan para sa Team Red. Nahirapan din ang Team Red dahil sa Eiffel tower ng Team White na si Mark F***h Bautista, kaya natapos ang unang yugto na lamang ang Team White sa iskor na 22-17.


‎ Sa ikalawang yugto, unti unting nakabawi ang Team Red dahil dumating si Roel Pingcas Jr. para makatulong sa Team Red, ngunit hindi parin nila napapawi ang nag iinit na si Pineda at nag uumpisa na rin uminit si Jerwin Manalili, nahirapan din ang Team Red dahil kay Bautista, natapos ang ikalawang yugto na lamang pa rin ang Team White sa iskor na 48-36.


‎ Sa ikatlong yugto ng laban, sinubukang bumawi ng Team Red sa pangunguna nila Pakan, Panoso at Pingcas, naging tagumpay naman ang kanilang plano ngunit hindi pa rin nila kayang pigilan si Pineda at Bautista. Nakaka iskor ang Team Red ngunit agad na man itong binababawi ng Team White kaya lamang pa rin ang Team White sa iskor na 66- 54.


‎ Sa huling yugto ng laban, ipinakita ng Team Red ang kanilang mahigpit na dipensa na pinangunahan pa rin nila Panoso, Pakan at Pingcas, ngunit di pa rin nila kayang pigilan si Pineda. Sa huling dalawang minuto ng laban, unti unting nakadikit ang Team Red dahil sa kanilang dipensa at sa ilang mga steals ni Panoso, ngunit naubosan ng gasolina Team Red kaya tuluyan ng nasungkit ng Team White ang kampyonato sa iskor na 80-72.


‎ Dahil sa kanilang tagumpay, dito natin nakita ang dediksasyon, determinasyon at galing ng bawat isa upang makamit ang kampyonato sa Inter-Color Basketball Tournament inline with Linggo ng Kabataan 2025. Para naman sa natalong koponan, hindi pa huli ang lahat dahil ang pagkatalo ay magsisilbing aral para saatin na bumangon at bumawing muli.

28/12/2025

Matagumpay na natapos ang Linggo ng Kabataan 2025 🎉
Isang linggong punô ng saya, pagkakaisa, at makabuluhang aktibidad na tunay na nagbigay-boses at lakas sa ating kabataan.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng participants na aktibong nakibahagi at nagpakita ng talento, disiplina, at malasakit sa bawat gawain. Kayo ang tunay na inspirasyon kung bakit patuloy tayong nagseserbisyo para sa kabataan.
Maraming salamat din sa Barangay Council headed by Hon. Teresita A. Manalili, Rph. at SK Council headed by Hon. Kristine Erika T. Manalo sa kanilang buong pusong suporta, dedikasyon, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang bawat programa. Ang buong puso din namin na pagsasalamat sa mga magulang ng mga partisipante sa pag payag at pag bigay ng buong supporta sa mga kabataan. Sa sama-samang pagkilos, napatunayan nating kaya nating maghatid ng mga proyektong may tunay na saysay para sa komunidad.
Sa pagtatapos ng Linggo ng Kabataan 2025, nawa’y magsilbi itong paalala na ang kabataan ay hindi lang pag-asa ng bayan, kundi aktibong katuwang sa pagbabago. Sama-sama, tuloy-tuloy ang paglilingkod—para sa kabataan, para sa barangay, at para sa mas magandang kinabukasan. 💙✨”

Mga Asul Pinaiyak ng mga Dilaw, 87-85‎‎‎‎     Isang mainit na laban ang ipinakita ng bawat koponan sa pagitan ng Team Bl...
28/12/2025

Mga Asul Pinaiyak ng mga Dilaw, 87-85



‎ Isang mainit na laban ang ipinakita ng bawat koponan sa pagitan ng Team Blue laban sa Team Yellow sa Inter-Color Basketball Tournament inline with Linggo ng Kabataan 2025(December 28) na ginanap sa Poblacion III Lebak, Sultan Kudarat. Pinadapa ng Team Yellow ang Team Blue upang makamit ang 3rd Place sa score na 87-85.


‎ Sa unang minuto para sa unang yugto ng laban, sinimulan ni Ihsan Sinsuat na nagtala ng 8 puntos, agad namang bumawi si Cholo Midsapak sa Team Yellow na tumira ng dalawang sunod na 3 points shots. Nakuha ng Team Blue ang kalamangan sa iskor na 23-18.


‎ Sa ikalawang yugto, sinimulan ni Stephen Batislaong ang laban na nagtala ng 10 puntos, hindi mapigilan ng Team Blue si Batislaong dahil nang-aararo ito sa ilalim kaya dumikit ang score. Natapos ang ikalawang yugto na patas ang iskor 45-45.


‎ Sa ikatlong yugto, hindi parin napipigilan ng Team Blue ang nag-iinit na si Batislaong, bumabawi naman si Sinsuat sa Team Blue ngunit agad naman itong binawi ni Batislaong. Pinabantayan na ng Team Blue si Batislaong kay Karl Arguelles upang malimitahan ang puntos ni Batislaong, gumana naman ang kanilang taktika, natapos ang ikatlong yugto na lamang ng dalawang puntos ang Team Yellow 60-62.



‎ Sa ika-apat at huling yugto ng laban, dito natin masasaksihan kung sino ang mananalo at uuwing talunan, sinimulan ng Team Yellow ang ika-apat na yugto na nagpaulan ng 3 point shots sina Cholo Midsapak at Mohammad Sangupan at dinagdagan pa ng puntos sa ilalim ni Batislaong. Bumawi naman ng mahigpit ng depensa sina Arguelles at Sinuat kaya nakadikit ang kanilang iskor, na agaw ni Arguelles ang bola kay Piang kaya patas na ang kanilang iskor, sa huling 8 segundo ng laban nakuha ni Batislaong ang bola at nakamit ang panalo sa iskor na 87-85.



‎ Dahil sa kanilang pagkapanalo, ipinakita ng Team Yellow na hindi pa huli ang lahat dahil na rin sa kanilang ipinakitang dedikasyon at Teamwork na nag udyok sa kanilang panalo upang makamit ang 3rd Place sa Inter-Color Basketball Tournament inline with Linggo ng Kabataan 2025.

Matagumpay na natapos ang Linggo ng Kabataan 2025 🎉Isang linggong punô ng saya, pagkakaisa, at makabuluhang aktibidad na...
28/12/2025

Matagumpay na natapos ang Linggo ng Kabataan 2025 🎉
Isang linggong punô ng saya, pagkakaisa, at makabuluhang aktibidad na tunay na nagbigay-boses at lakas sa ating kabataan.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng participants na aktibong nakibahagi at nagpakita ng talento, disiplina, at malasakit sa bawat gawain. Kayo ang tunay na inspirasyon kung bakit patuloy tayong nagseserbisyo para sa kabataan.
Maraming salamat din sa Barangay Council headed by Hon. Teresita A. Manalili, Rph. at SK Council headed by Hon. Kristine Erika T. Manalo sa kanilang buong pusong suporta, dedikasyon, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang bawat programa. Ang buong puso din namin na pagsasalamat sa mga magulang ng mga partisipante sa pag payag at pag bigay ng buong supporta sa mga kabataan. Sa sama-samang pagkilos, napatunayan nating kaya nating maghatid ng mga proyektong may tunay na saysay para sa komunidad.
Sa pagtatapos ng Linggo ng Kabataan 2025, nawa’y magsilbi itong paalala na ang kabataan ay hindi lang pag-asa ng bayan, kundi aktibong katuwang sa pagbabago. Sama-sama, tuloy-tuloy ang paglilingkod—para sa kabataan, para sa barangay, at para sa mas magandang kinabukasan. 💙✨”

Basketball Tournament, Buhay na Buhay sa Linggo ng Kabataan CelebrationNag-init ang court ngayon sa ginaganap na Basketb...
28/12/2025

Basketball Tournament, Buhay na Buhay sa Linggo ng Kabataan Celebration

Nag-init ang court ngayon sa ginaganap na Basketball Tournament bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan. Dumagsa ang mga kabataan at sports enthusiasts para suportahan ang kani-kanilang teams, habang ramdam na ramdam ang energy at excitement sa buong laro.

🔥🏀 Game on! Sa loob ng court, nangingibabaw ang puso at galing ng kabataan.Linggo ng Kabataan 2025
28/12/2025

🔥🏀 Game on! Sa loob ng court, nangingibabaw ang puso at galing ng kabataan.
Linggo ng Kabataan 2025

Energized mornings and good vibes—Zumba and coffee done in celebration of Linggo ng Kabataan 2025!
27/12/2025

Energized mornings and good vibes—Zumba and coffee done in celebration of Linggo ng Kabataan 2025!

Address

Poblacion III
Lebak
9807

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Poblacion III -Lebak posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share