Office of the Municipal Agriculturist Laurel

Office of the Municipal Agriculturist Laurel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Municipal Agriculturist Laurel, Government Organization, 2nd Floor Annex Bldg. , Municipal Hall, Poblacion 2, Laurel.

06/08/2026
Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Public Market kahapon araw ng Miyerkules ika-25 ng Marso 2026.
26/03/2026

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Public Market kahapon araw ng Miyerkules ika-25 ng Marso 2026.

Training on Dog Catching and Anti Rabies VaccinationMarch 2, 2026, MondayBilang bahagi ng Rabies Awareness Month, matagu...
03/03/2026

Training on Dog Catching and Anti Rabies Vaccination
March 2, 2026, Monday

Bilang bahagi ng Rabies Awareness Month, matagumpay na naisagawa ang nasabing pagsasanay para sa mga Barangay Vaccinators ng bayan ng Laurel.

Lubos na pasasalamat sa Office of the Provincial Veterinarian Batangas sa pagbabahagi ng kaalaman at suporta. Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan para sa isang ligtas at rabies-free na komunidad!

MARCH IS RABIES AWARENESS MONTH!Alinsunod sa mga layunin ng Municipal Ordinance No. 4. Series of 2021 o An Ordinance ado...
02/03/2026

MARCH IS RABIES AWARENESS MONTH!

Alinsunod sa mga layunin ng Municipal Ordinance No. 4. Series of 2021 o An Ordinance adopting Republic Act No. 9482 (Anti-rabies Act of 2007) na naglalayong protektahan at itaguyod ang karapatan ng mga tao sa kalusugan sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad sa mga hakbang sa pag-iwas at pagpuksa ng rabies.
Ang tema sa selebrasyong ito ay “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”.

Ang tanggapan ay magsasagawa ng libreng pagtuturok ng anti-rabies vaccine para sa inyong mga alagang aso at pusa. Makipag-ugnayan sa inyong mga barangay. See you po!

TAWILIS CLOSED SEASON PATALASTASKaugnay po ito sa taunang pagpapatupad ng PAMB Resolution No. 49, Series of 2018 "Resolu...
02/03/2026

TAWILIS CLOSED SEASON

PATALASTAS

Kaugnay po ito sa taunang pagpapatupad ng PAMB Resolution No. 49, Series of 2018 "Resolution adopting the proposed Closed Season for Tawilis on/for the period of two (2) months during March and April in the entire Taal Lake" at PAMB Resolution No. 63, Series of 2019 A Resolution approving the expansion of Resolution No. 49, Series of 2018 for the conservation and sustainable management of "Sardinella tawilis" in Taal Lake" tuwing ika-1 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril.

Inaabisuhan muli ang publiko na pansamantalang ipinapatigil at/o ipinagbabawal ang paghuli/panghuhuli (aktibo o di-aktibo), pagbebenta, pagkalakal, pakikipagtransaksyon, pagbiyahe o pagdadala sa mga pamilihan at iba pang transaksiyon na may kaugnayan sa kalakalan ng Tawilis sa panahong umiiral ang Closed Season.

Ang sinumang lumabag sa kautusang ito ay ipasasakdal at parurusahan sang-ayon sa itinatadhana ng Seksyon 100 at 126 ng Batas Republika Blg. 8550 o Batas Pampangisdaan ng 1998 na inamyendahan ng Batas Republika Blg. 10654 at Seksyon 20 (b) at (d) ng Batas Republika Blg. 7586 o NIPAS Act na inamyendahan ng Batas Republika Blg. 11038.

Gayundin, hinihikayat ang publiko na huwag tangkilikin ang mga Tawilis na nahuli sa ilegal na pamamaraan at maging mapagmatyag at agad ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang nakita at/o nasaksihang paglabag.

Inaasahan po namin ang inyong mahigpit na pagsunod sa polisiyang ito para sa ikabubuti, ikauunlad at pagpapanatili ng produksyon at/o populasyon ng Tawilis sa Lawa ng Taal.

Maraming Salamat po!

Maligayang Kaarawan po, Mayor Lyndon Masicat Bruce!Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karu...
11/02/2026

Maligayang Kaarawan po, Mayor Lyndon Masicat Bruce!

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa inyong pamumuno para sa mas maunlad na Bayan ng Laurel. Maraming salamat po sa inyong suporta sa sektor ng agrikultura at sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Mabuhay po kayo at ang Bayan ng Laurel! 🎂🎈

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Laurel Public Market ngayong araw ng Huwebes, ika-15 ng Enero 2026
15/01/2026

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Laurel Public Market ngayong araw ng Huwebes, ika-15 ng Enero 2026

15/01/2026

Pagbati at taos-pusong pasasalamat sa ating minamahal na RED Fidel L. Libao sa pagtanggap sa kanyang bagong tungkulin bilang Regional Executive Director ng DA RFO I simula Enero 9, 2026.

Taos-puso ring pagbati kay OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Redelliza A. Gruezo sa kanyang pagkakatalaga bilang OIC–Regional Executive Director ng DA RFO IV–CALABARZON.

The DA RFO IV-A family is very proud of you!

TINGNAN | Ika-12 ng Enero 2026Pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur ang Flag Raising Ceremony para sa linggo...
15/01/2026

TINGNAN | Ika-12 ng Enero 2026

Pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur ang Flag Raising Ceremony para sa linggong ito.

Kasabay nito ang pagkilala sa isang kabataang awardee ng Young Farmers Challenge ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV-A, sa presensya nina Mayor Lyndon Masicat Bruce, Dr. Byen Mayuga (Municipal Administrator), Bb. Anne Mirjam Atienza (Municipal Agriculturist), Kgg. Nellie Gem Encarnacion (ABC President) at Gng. Julie Ann Albino (MLGOO).

Ang ginawaran ng pagkilala ay si Alexis Jean C. Barredo mula sa Barangay Gulod—isang patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kabataang sektor sa agrikultura.

Address

2nd Floor Annex Bldg. , Municipal Hall, Poblacion 2
Laurel
4221

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Agriculturist Laurel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share