30/08/2026
Umulan man, o naulan naman talaga ✌️, hindi inalintana ng Sangguniang Barangay, na pinagunahan ni ABC Nellie Gem C. Mangubat, ang pagbisita sa mga pangunahing kalsada at lagnas upang matiyak na ligtas ang mga kabarangay habang dinaranas natin ang malakas na bugso ng ulan at hangin dulot ng habagat.
Kaniyang paalala na "Makiramdam sa paligid, at kung hindi na komportable ay lumikas muna sa mas ligtas na lugar. SOP na ito at hindi na kailangang hintayin pa ang abiso ng pagpapalikas. Unahin ang kaligtasan ng Sarili at ng pamilya."