10/07/2020
TELESKWELA
Tila imposibleng mag-aral kung nasa bahay lang gamit ang telebisyon. Paano nga ba kasi ito gagawin?
Pinatunayan ng DepEd-San Fernando City, Pampanga na posibleng katuwang ang telebisyon sa paghahatid ng edukasyon lalo na sa kasalukuyang sitwasyon.
Sa isinasagawang dry run ng "Fer Nan Dino Kids TV" bilang bahagi ng Learning Continuity Plan (LCP), maganda ang komento ng mga magulang ukol dito. Sumasabay din ang mga mag-aaral sa leksyon na napapanood.
Ang TV learning na ito ay isa lamang sa mga paraan ng DepEd-San Fernando City upang ihatid ang edukasyon maliban sa mga printed modules na ipamamahagi.
Mapapanood ang aralin na hango sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na binuo ng DepEd-Central Office. Ni-localize naman ito ng mga g**o sa pamamagitan ng mga kwento, laro, musika at imahe.
Ang dry run ay nakapokus sa mga aralin ng Kindergarten hanggang Grade 2 partikular ang early literacy, numeracy, life skills at essential values ng bawat learner.
Handa na ang modules para sa 1st Quarter at inaayos rin ang TV learning para sa iba pang grade levels. Sinimulan na rin ang pagdisenyo ng learning materials sa 2nd Quarter.
Mapapanood ang "Fer Nan Dino Kids TV" mula Lunes-Biyernes, alas-8:00 hanggang alas-11:00 ng umaga sa CLTV36 at DepEd Tayo City of San Fernando Pampanga page.