28/05/2026
TINGNAN:
🌱URBAN GARDENING TRAINING 🌱
Nagsagawa ng libreng training ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas na dinaluhan ng Urban Gardener sa Barangay Talon 3 at Barangay Pamplona 3, katuwang ang City Agriculture Office sa Las Piñas Teaching Farm na matatagpuan sa Richmond Subdivision, Barangay Manuyo Dos.
Layunin ng programang ito na turuan ang ating mga laspiñeros ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim. Sa pamamagitan ng training na ito ay matututo silang magtanim, ito rin ay maari nilang maging hanapbuhay at pagkakaroon ng masustansyang pagkain sa loob ng piitan, tayo rin ay namigay ng libreng seeds at seedlings upang magamit ang kanilang natutunan sa nasabing aktibidad.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa iba pang libreng serbisyong pang-agrikultura, maaaring tumawag sa:
☎️ 02 8519 5687